Chapter 8
Matamang nakatingin si Diosa kay Armand habang nakahiga ito sa hospital bed at natutulog. Kinailangan itong salinan ng dugo pagkadating nito sa ospital kanina dahil marami ang nawala. Kasalukuyan namang nakabantay si Gin sa kinaroroonan ni Dr. Keston. Katatapos lang nitong operahan upang alisin sa katawan nito ang mga balang tumama. Kung siya lang ang masusunod ay mas gusto sana niyang mamatay na lang ito... Alam niya ang kinalaman nito sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Isa sa kasamahan nilang spy ang nagtraidor dahil palihim pala itong nagtratrabaho kay Dr. Keston. Ang masakit, matalik pa man din iyong kaibigan ng Kuya Devon niya at ito ang nagleak ng kanilang cover kaya sila nasakote sa huli nilang misyon... Kaya nga namatay ang kapatid niya. Dumating na ang asawa ni Armand. Ngumiti siya ng matipid dito. Isa din itong alagad ng batas at nakasuot pa ito ng uniform.
"Kamusta siya?" ang kaagad nitong tanong.
"Huwag kang mag-alala, ayos lang siya. Heto nga at nagpapahinga na. Sa kanang-binti siya tinamaan nga bala, inalis na ni Gin iyon at natahi na rin niya ang sugat. Ang tapang nga ni Pards eh kasi wala man lang anesthesia. Medyo kinailangan siyang salinan ng dugo at nagbigay naman ang Junior agent na si Brad kasi magka-type sila. A positive."
Nakita niya ang pagbuntung-hininga ng asawa ni Armand na si Clarise. Tuluyan nitong nilapitan ang asawa at kaagad na hinaplos ang mukha nito. Tulog na tulog si Armand. Nangingiting napatingin si Clarise sa kanya.
"Salamat sa inyo ni Gin, ginawa niyo ang lahat para maging okay siya. Tiyak na marami siyang reklamo at panay ang ginawa niyang aray kanina, tama?"
Nagpaypay sa hangin si Diosa.
"Naku, ang tapang ni Pards kanina eh."
Natawa ng mahina si Clarise.
"Huwag mo nang pagtakpan ang Pards mo. Kilala ko siya, Diosa."
Dahil sa sinabi nito ay natawa na rin ng mahina si Diosa.
"Hindi ko na nga siya mapagtatakpan sa'yo. Pero maiwan ko na muna kayo, pupuntahan ko si Gin eh."
"Sige, ako na ang bahala sa kanya. Pakisabi kay Gin at sa iba pa na salamat ah?"
"Oo, makakarating."
Lumakad na siya paalis at kaagad na pinuntahan ang kinaroroonan ni Gin. Kasama nito ang iba pang agent ng Men in Action, nasa labas sila ng silid na inuukupa ni Dr. Keston. At ang kasabwat nitong si Don Mariano ay tuluyan nang bumigay ang katawan. Dead on arrival na ito sa ospital kanina. Pagkalapit niya kay Gin ay kaad niya itong niyakap mula sa likuran. Halatang nagulat ito sa kanyang ginawa, maging ang iba pa dahil sanay naman ang mga ito na hindi niya nilalambing si Gin. Kasi nga, alam ng lahat na magbestfriends lang sila. Marahang kumalas si Gin sa yakap niya at hinarap siya nito. Kasunod noon ay malambing itong yumakap pabalik sa kanya at ganoon din ang ginawa niya.
"Wow ha? Anong ibig sabihin niyan? Hindi na iyan yakapan ng magbestfriends." ang simpleng sita ni Sky.
Napapangiti silang napatingin dito.
"Hindi na nga yakapan 'to ng magbestfriends... Kami na." ang nakangiting wika ni Gin.
Pagkatapos noon ay isang mabining smack sa labi ang iginawad niya kay Diosa. Napa-oh ang labi ni Sky at napatingin sa mga kasama niya. Pare-pareho sila ng naging reaksyon.
"Kailan pa?" ang hindi naman nakatiis na tanong ni Aidan.
"Basta, kailan lang." ang sutil na pakli ni Diosa.
Napamaywang tuloy si Aidan sa kanyang sinabi.
"Kung ganoon, tigilan niyo na muna iyang ka-sweetan niyo dahil ipinapaalala kong madami kayang single na narito. Me, si Sky, si Nexus, si Clide-este! Hindi na nga pala single ang isang iyan dahil secretly married. At iyong mga Junior agents na nandito sa tabi-tabi eh huwag niyo na ring inggitin. Marami sa mga iyan hindi pa nagkakagirlfriend."
BINABASA MO ANG
MEN IN ACTION 10: GIN SAN MIGUEL
Romance"Diosa, Ikaw lang naman kasi ang hindi tumitingin sa akin eh. Ako kasi, matagal na kitang tinitingnan.."