Chapter 9
Matamang napatitig si Diosa sa hawak niyang gown na sinira ni Gin kanina. Sa totoo lang ay nanghihinayang siya. Napabuntung-hininga siya ng malalim... Kasalukuyan siyang nakasuot ng t-shirt ni Gin at maluwang iyon sa kanya. Nakashorts siya ng maikli.
"Woi, nanghihinayang ka pa rin ba diyan sa damit? Di ba sinabi ko naman sa'yo na ipapayos ko na lang iyan kay Gida?" ang untag ni Gin sa kanya.
Napatingin siya sa binata at napangiti siya ng matipid. Bahagyang nakabukas ang suot nitong long-sleeve na kulay-puti at nakasuot ito ng apron na asul.
"Huwag mo nang alalahanin iyan. Oo nga at pareho tayong masesermunan ni Gida dahil para sa kanya malaking kasalanan ang pagsira sa magandang damit. Pero maiintindihan naman siguro niya ang dahilan kasi nasa bingit ka na ng kamatayan kanina eh."
Inirapan niya si Gin at saka sinimangutan.
"Kung makapagsalita ka ng nasa bingit ng kamatayan ah..?" ang sita niya.
Nagkibit-balikat si Gin sa kanya.
"Wala naman akong ibig-sabihin."
Iyon nga lang ay napangiti siya sa bandang-huli at natawa ng mahina.
"Luto na ba ang pagkain?" ang tanong na lang niya.
Yumukod na parang isang prinsipe si Gin. Ginaya nito iyong mga character na napapanood niya sa mga movies.
"At your service, my queen..." ang wika pa nito.
Dahil doon ay mas lumuwang ang pagkakangiti niya. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at kaagad siyang lumapit kay Gin. Iniumang pa nito ang kaliwang-braso sa kanya para umabrisite siya.
"Shall we?" ang tanong pa nito.
Imbes na umabrisite siya ay niyakap niya ito ng mahigpit at saka kinintalan ng mabining halik sa labi. Nangingiti niyang pinisip ang kanan nitong pisngi at wala itong ginawa kundi ang mapatitig sa kanya.
"Kung noon mo sana ako nilandi eh di noon ko pa nalaman na ganito ka ka-sweet." ang pakli niya.
Isang maluwang na ngiti ang namutawi sa labi ni Gin at nilaro ng mga daliri nito sa kanan nitong kamay ang gilid ng kanyang labi. Hinawakan nito ang punung-baba niya at marahang pinisil iyon.
"Kung noon ka pa sana tumingin sa akin eh di noon pa kita nilandi."
Natawa siya ng mahina sa sinabi nito at saka na siya umabrisite dito. Magkasabay silang nagpunta sa kusina para kumain. At totoong bukas na siya magda-diet dahil masarap iyong pagkaing inahanda ni Gin para sa kanila. Talaga namang gutom siya dahil nga hindi siya nakakain ng husto kanina dahil sa sikip ng damit na suot niya.
Kinabukasan ay maagang nagising si Diosa pero wala na si Gin sa kanyang tabi. Ganoon pa man ay napangiti siya dahil nakita niya sa unan nito ang isang boquet ng red roses na may kasamang papel. Medyo bumangon siya sa pagkakahiga at saka tiningnan ang nakasulat sa note na iniwan ni Gin. Ayon dito ay maaga itong umalis dahil may kailangn itong trabahuin sa Men in Action. Hindi na siya nito ginising dahil ayaw nitong maisturbo ang tulog niya. Nakalagay pa doon na kailangan niya ng pahinga. Napakagat siya sa kanyang pang-ibabang labi. Tama, kailangan nga niya ng pahinga dahil hindi na naman siya nito tinantanan. Napatingala siya sa kisame at pasalampak na muling nahiga. Namimilipit siya sa kilig. Parang may mga higad kasing naglalandian sa loob ng kanyang tiyan. Panay ang pagtili niya ng impit at para na siyang naloloka. Nang kumalma siya ay napatingin siya sa boquet ng roses. Kinuha niya iyon at saka niya inamoy-amoy.
BINABASA MO ANG
MEN IN ACTION 10: GIN SAN MIGUEL
Romance"Diosa, Ikaw lang naman kasi ang hindi tumitingin sa akin eh. Ako kasi, matagal na kitang tinitingnan.."