Chapter 10

5.3K 219 517
                                    


          Chapter 10

Magkakasunod na umalingawngaw ang putok ng baril sa kuwartong inuukupa ni Dr. Keston at kasunod kaagad noon ang marahas na pagbukas ng pinto. Mula doon ay lumabas si Gin na tumatakbo habang tulak-tulak ang wheelchair kung saan nakaupo si Dr. Keston na walang-malay. Dere-deretso lang siya at napapaiwas ang mga tao sa kanya dahil sa hawak niyang baril. May bahid ng dugo ang kanan niyang pisngi pero hindi sa kanya iyon...

Marahas namang napabuntung-hininga si Clide habang nakatingin siya sa suot niyang vest na tinamaan ng ilang bala. Nakahiga siya at dama niya ang impact noon sa kanyang katawan. Medyo masakit. Napatingin siya sa mga kasama niyang walang malay. Parang bagyo na kumilos si Gin kanina. Bigla siya nitong pinaputukan sa kanyang katawan ng sunud-sunod at natumba siya. Bago pa makakilos ang iba pa niyang kasama na sundalo ng special force ay nagawa na nitong patumbahin ang mga ito. Bago pa ito mabaril ay mabilis itong yumuko at saka tinakbo ang pinakamalapit dito, dinis-armahan sa pamamagitan ng marahas na pagbali ng kamay at isang malakas na chop sa leeg. Kasunod noon ay ang sunud-sunod na pagtama ng bala ng baril sa iba pa. Kaagad siyang bumangon sa kanyang kinahihigaan at tiningnan kung buhay pa ang mga kasama niyang walang-malay. Nakahinga siya ng maluwag nang pulsuhan niya ang mga ito. Buhay pa sila.

Samantala... Mabilis na tumatakbo si Gin sa malawak na hallway ng ospital at sa kanyang pagdaan ay takot na nahahawi ang mga tao dahil hinahabol siya ng mga sundalo ng special force kasama na ang iba niyang kasamahan sa Men in Action. Pagliko niya sa isang pasilyo na papunta sa elevator ay napatigil siya dahil nakaharang doon si Sky at nakatutok ang baril nito sa kanya. Nagtiim ang mga bagang niya.

"Gin, tama na. Itigil mo na ang kalokohang ito. Sabihin mo na kung ano ang poblema..." ang mariin nitong wika.

Seryoso ang mukha ni Sky. Malayo ito ngayon sa masayahin at kalog nitong personalidad. Iyon nga lang ay mas seryoso siya. Umiling siya.

"I can't..." ang maikli niyang sagot.

"Then, I have no choice my friend..." ang wika ni Sky.

Akma niya itong uunahan sa pagbaril pero mabilis na nagwarning shot sa kanya si Sky. Wala siyang magawa kundi ibaba ang hawak niyang baril.

"Itapon mo iyan, kasama na ang iba pang armas na hawak mo." ang mariing utos ni Sky.

Nagtiim ang mga bagang ni Gin. Sigurado siyang babarilin siya ni Sky kapag hindi niya sinunod ang gusto nito. Malinaw kasi na hindi niya ito kakampi ngayon. Marahas niyang itinapon ang hawak niyang baril. Kasunod noon ay isa-isa niyang tinannggal ang mga nakasukbit na armas sa kanyang vest. Bago niya tuluyang alisin ang panghuling armas na hawak niya ay mabilis niyang hinagisan ng smoke bomb si Sky. Isang makapal na usok ang bumalot sa buong paligid at sinamantala niya ang pagkakataon para kunin ang ilan niyang armas at mabilis na itinulak patakbo ang wheelchair kung saan naroon ang kanyang package. Iyon nga lang ay may marahas na humila sa kaliwa niyang braso at si Sky iyon. Hinila niya iyon pabalik at hindi ito nagpatinag. Bagkus ay tinangka siya nitong i-lock pero nasuntok niya ito sa mukha at naitulak sa may gilid ng pader. Isang malakas na siko ang ipinadapo niya may parte ng leeg nito. Natumba si Sky at nawalan ng malay. Muli ay itinulak niya ang wheelchair papasok sa pinakamalapit na elevator. Nang makapasok sila doon ay kaagad niyang pinindot ang button papunta sa ground floor. Inihanda niya ang kanyang gagawin dahil siguradong may nakaabang sa kanya doon. Napatingin siya sa camera na nasa elevator. Napangisi siya ng matipid at saka binaril iyon.

Napakurap ang Junior Agent na si Archie sa kanyang nakita sa monitor ng laptop, kasabay noon ang pagkamatay ng transmitter ni Gin... Napahawak siya sa kanyang ulo at napakamot.

MEN IN ACTION 10: GIN SAN MIGUELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon