Chapter 7
Sunud-sunod ang ginagawang pagpaputok ng baril ni Diosa sa magkabila niyang mga kamay dahil patuloy aang pagdating ng mga kalaban. Nang medyo malapit na siya sa kinaroroonan ng mansyon ay naghanap siya ng puwestong mapagtataguan para makapag-reload siya ng bala. Napahinga siya ng malalim. Sandali lang siyang tumatakbo ay humihingal na siya.
"Kaya mo 'to, Diosa..." ang wika niya sa kanyang sarili.
Nang makapag-reload na siya ng mga bala sa magazine ng kanyang mga baril ay lumabas na siya sa kanyang pinagtataguan at muling sumugod sa mga kalaban.
Samantala.... Napakislot ang lahat ng makarinig sila ng putukan ng baril sa labas ng mansyon, doon sa may likod. Nanlalaki ang mga matang napatingin si Don Mariano sa dalawang alagad ng batas na kanilang bihag.
"Ano iyon?!" ang kanyang tanong.
Isang makahulugang ngiti ang namutawi sa labi ni Gin.
"Iyon ang aming back up!" ang matapang niyang wika.
Pagkatapos noon ay kaagad na silang kumilos. Mabilis na hinila ni Gin ang hawak na M16 rifle ng lalaking nasa tabi niya at saka binale ang leeg nito. Mahigpit namang ini-lock ni Armand ang kanang-kamay ng lalaking may hawak ng baril na nakatutok sa kanya at kasunod noon ay ibinalibag niya ito. Kasunod noon ay may ibinato siyang kung ano sa wheelchair ni Dr. Keston nang hindi nito napapansin. May nagtangkang sumakal sa kanya at medyo malaking lalaki iyon. Nagpumiglas siya pero mahigpit ang hawak ng lalaki sa kanyang leeg hanggang sa magkakasunod na putok ng baril ang kanyang narinig. Nabitawa siya ng lalaki at natumba ito, nakita niya si Armand ang may gawa. Napangisi siya dito.
"Salamat, p're!"
"Walang anuman!"
Kasunod noon ay tumalon sila pababa mula sa balkonahe at saka mabilis na tumakbo.
Medyo nagulat naman sina Dr. Keston at Don Mariano sa nasaksihan. Nasukol na nila ang dalawang lalaki pero nagawa din nilang tumakas kaagad. Mariing naikuyom ni Dr. Keston ang kanyang mga kamao. Tiningnan niya ang mga tauhan niyang nabalian ng buto at ang iba ay nabaril... Karamihan sa mga ito ay nasa labas at nakikipagpalitan ng bala sa kalabang sumusugod.
"Ano pang ginagawa niyo? Habulin niyo sila at huwag hayaang makatakas! Kailangan ko si Gin, dalhin niyo siya sa akin!" ang nanggagalaiti niyang wika.
Tuluyan namang napatakbo sina Armand at Gin palayo... Bahagya pa silang nagulat nang makasalubong nila si Diosa at nakatutok ang mga hawak nitong baril sa kanila. Hindi nito ibinaba ang guard pero bigla itong sumigaw ng...
"Dapa!!..."
Dumapa nga sila at mabilis namang pinaputukan ni Diosa ang mga goons na humahabol sa mga kasama niya. Kasunod noon ay mabilis na silang tumakbo paalis.
"Sinasabi ko na nga ba eh, kakailanganin niyo ng tulong ko." ang wika ni Diosa sa dalawang lalaki.
"Tama ka. Mabuti na lang at ikaw ang napili naming look-out. Nagawa mo silang i-distract sa ginawa mong pagsugod." ang wika ni Gin.
Bahagya silang huminto para kumuha ng cover sa mga punong nasa likod ng bahay at nakipagpalitan ng putok ng baril sa mga kalaban. Kumuha naman si Armand ng isang granada at inalis ang pin gamit ang ngipin pagkatapos noon ay malakas na inihagis sa mga kalabang papasugod. Nagkaroon ng malakas na pagsabog at dahil doon ay nagawa nilang umabante. Tuluyan na silang nakalabas sa compound at kaagad na sumakay sa kanilang get-away vehicle. Si Diosa ang driver. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan lalo pa at nakita niyang patuloy sa pagsunod sa kanila ang mga tauhan ni Dr. Keston. Sumakay din ang mga ito sa mga sasakyang nasa loob ng mansyon at hinabol sila. Kaagad namang tinawagan ni Gin si Ervine. Ilang ring lang at sinagot naman kaagad ng huli ang tawag niya.
BINABASA MO ANG
MEN IN ACTION 10: GIN SAN MIGUEL
Romance"Diosa, Ikaw lang naman kasi ang hindi tumitingin sa akin eh. Ako kasi, matagal na kitang tinitingnan.."