Chapter 3

4.4K 175 41
                                    


                                                             Chapter 3


"Mga bata! Tama na! Tigilan niyo na si Gin! Alam niyo namang totoong sundalo iyan, gusto niyo bang tumawag siya ng maraming resbak at pagpapaluin kayong lahat sa puwet dahil sa kakulitan niyo?!" ang awat ni Diosa sa mga bata.

Awang-awa na kasi siya kay Gin, ang daming bata ang nakadagan dito at nagpapatalon-talon pa sa likod nito. Tumigil sa kakulitang ginagawa ang mga bata at nabaling ang atensyon ng mga ito sa kanya. Nakapamaywang niyang pinanlakihan ng mga mata ang mga ito para sindakin. Isa-isang umalis ang mga ito sa pagkakadagan kay Gin. Tumayo naman na ang huli sapo ang balakang at likod.

"Oh, anong sasabihin niyo sa kanya?"

Itinuro niya si Gin na nag-e-stretch ng katawan. Nabaling ang atensyon ng mga bata kay Gin at napatigil ito sa ginagawang pag-e-stretch.

"Sorry po..." ang halos sabay-sabay na hinging paumanhin ng mga bata sa binata.

Isang alanganing ngiti ang namutawi sa labi ni Gin at saka tumingin sa mga batang makukulit.

"Ayos lang... Uhm, basta ba huwag niyo nang uulitin? Magsusumbong talaga ako kay ate Diosa niyo." ang tila nagpapasaklolong wika pa ni Gin.

Natawa ng bahagya si Diosa dahil sa sinabi ng binata at tuluyan na niya itong nilapitan.

"Ayos ka lang?" ang kaagad niyang tanong.

"Salamat sa pagliligtas sa akin, Diosa. Sinagip mo ang buhay ko mula sa mga sutil na batang iyan. Grabe, hindi ko kinaya iyon." ang tila batang sumbong ni Gin.

Tumitig siya ng mariin kay Gin at makahulugan... May idea kasi na naglalaro sa utak niya kaya naman napatitig pabalik sa kanya ang binata.

"Bakit?" ang maang na tanong ni Gin.

"Paano kung ganyan kakukulit ang mga anak mo sa hinaharap? Eh di kawawa kang mabubugbog sa kanila?" ang napangiti niyang tanong.

Sandaling napaisip si Gin sa kanyang sinabi. Pagkatapos ay bigla itong ngumiti ng pilyo sa kanya.

"May balak ka na ba, Diosa...?" ang makahulugan nitong tanong.

Pilya siyang tumingin pabalik kay Gin. Iyong tipo na naghahamon talaga siya, kaya lang ay matapang din namang tumitig pabalik sa kanya ang binata at hinihintay nito ang sagot niya...

"Akitin mo muna ako." ang pilya niyang sagot.

Isang mahinang tawa ang kumawala kay Gin.

"Sige, gagawin ko ang makakaya ko. Sisiguruhin kong hindi ka makakatanggi sa akin. Tatakamin talaga kita sa paraan na alam ko."

"Oh, talaga?" ang naghahamon pa niyang untag.

"Talaga..." ang husky na wika ni Gin.

Napakagat tuloy siya sa kanyang labi at bahagyang napayuko, kasi si Gin, tumititig ng nang-aakit sa kanya. Mukhang nagsisimula na nga nitong gawin ang hamon niya...Tapos, naalala na niya ang tunay na dahilan kung bakit niya ito pinuntahan.

"Maiba nga pala ako, kailangan namin ng sweetheart ko ang tulong mo. Puwede bang tikman mo iyong sauce kung okay na?"

Humalukipkip si Gin at napataas ng kanang-kilay.

"Akala ko ba, bawal akong makialam?"

"Gin..." ang nakikiusap niyang untag.

"Okay, tara na nga! Mas gusto ko na lang na tumulong diyan sa kusina kaysa bugbugin ako ng mga bata sa kakulitan nila." ang napabuntung-hininga na wika ni Gin.

MEN IN ACTION 10: GIN SAN MIGUELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon