Chapter 6
Nang matapos sa pagkain ng pananghalian si Armand ay magkakasama silang nagpunta sa Orphanage. Pagkadating doon ay kaagad silang sinalubong ni sister Luciana kasama ang mga bata.
"Uy! May kasama silang pulis!" ang madaldal na wika ng isang bata.
"Oo nga! Tiyak na matatakot na iyong mga masasamang mama na may dalang baril!" ang wika pa ng isa.
Nagkatinginan ang tatlo at amaze na napatingin sa mga bata. Hindi nakatiis si Diosa, nilapitan niya ang kaibigang madre. Nakita niya sa mukha nito ang takot at pag-aalala.
"Sister, may nangyari po ba?" ang tanong niya.
Tumitig lang ang madre sa kanyang mukha at hindi nagsalita. Kitang-kita niya na mas tumindi ang takot na rumihistro sa mukha nito. Hinawakan niya ang mga kamay ng madre.
"Hindi mo kailangang matakot, sister Luciana. Nandito kaming tatlo para tumulong." ang kumbinsi niya.
Napabuntung-hininga ng malalim ang madre.
"May mga pumunta ditong armadong kalalakihan at hinalughog nila ang opisina ko dito sa orphanage, hinahanap nila ang titulo ng lupa... Takot na takot ako noon, dahil nagbanta sila na papatay ng isang bata kapag hindi ako nagsalita... K-Kaya naman nasabi ko na nasa iyo ang dokumentong kanilang kailangan... Binantaan nila ako na huwag magsumbong sa mga awtoridad dahil kapag nalaman nila ay babalikan nila kami. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito..."
Ilang sandaling natigilan si Diosa matapos niyang marinig ang sinabi ni sister Luciana. Tumingin siya sa dalawa niyang kasama, kagaya niya ay napapaisip ang mga ito at mukhang iisang tao lang ang kanilang suspect... Si Don Mariano! Ito lang naman kasi ang may sobrang enteres na makuha ang orphanage at aalamin nila ang dahilan kung bakit. Nagtiim ang mga bagang ng dalaga, mabuti na lang at walang sinaktan ang mga goons na iyon... Kapag nagkataon ay magdedeklara talaga siya ng giyera.
"Aayusin namin ito, sister. Huwag kang mag-alala dahil sisiguraduhin kong hinding-hindi na kayo guguluhin ng mga lalaking iyon." ang pakli niya.
Binitawan niya ang kamay ng madre at kaagad na naglakad papunta sa kinaroroonan ng mga kasama niya.
"Tama nga ang hinala ko na may kinalaman nga ang Don Mariano na iyon sa panloloob ng apartment ko." ang gigil niyang wika.
"Diosa, alam ko na iyang iniisip mo..." ang pakli ni Gin.
Ikinuyom ng dalaga ang mga kamao niya. Tumingin siya ng mariin kay Gin, basang-basa niya kung ano ang gusto nitong sabihin sa kanya.
"Bakit, pipigilan mo ako, ha?!" ang medyo paangil niyang wika.
Nanatili namang tahimik si Armand kasi alam niyang hindi nagpapaawat si Diosa kapag nagbe-beastmode. Mahirap nang mapagbalingan ng galit nito. Bahagya namang napailing si Gin at saka nagpeace sign kay Diosa. Halatang galit na galit ito at handang nang sumugod sa giyera.
"Hindi kita pipigilan. Ang akin lang naman ay huwag kang magpadalos-dalos na sumugod. Baka ikaw pa ang mapasama." ang payo niya.
"Bakit may naiisip ka na bang gawin?" ang plano niya.
Napatango ng bahagya si Gin sa kanya.
"Oo, mayroon na akong naiisip." ang sagot ng binata.
Hinila siya nito palayo sa kinaroroonan ng madre at ng mga bata. Sinenyasan nito si Armand na sumunod sa kanila. Nang mapagsolo silang tatlo ay sinabi na ni Gin ang pinaplano nito.
BINABASA MO ANG
MEN IN ACTION 10: GIN SAN MIGUEL
Romance"Diosa, Ikaw lang naman kasi ang hindi tumitingin sa akin eh. Ako kasi, matagal na kitang tinitingnan.."