Chapter 4

3.9K 169 8
                                    


                                                        Chapter 4


"Gusto mong pag-usapan?" ang basag ni Gin sa katahimikan.

Napatingin si Diosa sa katabi niyang binata at isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan niya.

"Sa totoo lang, wala akong maisip na dahilan kung bakit nila pinasok ang tirahan ko. Ang nakakapagtaka, mayroon silang bagay na hinahanap doon. Narinig ko pa nga iyong lider ng mga goons, sabi niya maghanap daw silang maigi at baka nandoon lang iyon. Ano kaya ang bagay na gusto nila? Hindi nila kinuha ang pera at ilang gamit doon."

Tumingin pabalik si Gin sa kanya.

"Isang importanteng bagay ang gusto nila, Diosa."

Napatango siya sa sinabi ng binata.

"At ano kaya ang bagay na iyon?"

Nagkibit-balikat si Gin sa tanong ng dalaga. Wala siyang makuhang sagot sa tanong nito. Muli namang nagsalita si Diosa.

"Ayon sa woman instinct ko, baka may kinalaman iyong tao na gustung bumili doon sa orphanage. Unang kita ko palang sa taong iyon, masama na ang kutob ko eh. At isipin mo na lang, nangyari ang lahat ng ito matapos natin siyang makadaupang palad."

Isang mahinang tawa ang kumawala kay Gin at saka bahagyang napailing sa sinabi ng dalaga.

"Masama ang magbintang, Diosa."

Matiim naman na tumingin si Diosa sa mukha ni Gin.

"Kaming mga babae, palaging tama ang aming woman instinct. Tandaan mo lang, Gin... Nasa akin ang papeles ng orphanage. Nakatago sa locker ko na nasa headquarters ng Men in Action kasama na ang iba pang importante kong papeles."

"May punto ka sa sinabi mo pero wala tayong ebidensya."

Tumingin si Diosa kay Gin at ngumiti.

"Eh di kumuha tayo ng ebidensya. Patunayan natin kung tama ang hinala ko o hindi. Kapag mali naman ako eh wala namang mawawala. Itutuon na lang natin ang atensyon sa susunod na lead. Sa ngayon, ang kahina-hinalang tao na iyon ang ating clue."

"At sa tingin mo, pagbibigyan kita sa gusto mo?" ang untag ni Gin.

Ngumiti si Diosa nang matamis sa binata at saka umusod siya palapit dito.

"Kung hindi mo naman ako tutulungan eh kaya ko namang gawin na mag-isa. Matagal din naman akong nagtrabaho bilang spy ninyo sa Men in Action..."

Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Gin at saka napakamot sa ulo niya.

"Sige na nga. Uutusan ko si Armond na imbestigahan ang taong iyon. Ano, masaya ka na?"

Napatango-tango si Diosa.

"Puwede na rin." ang sagot niya.

Umunan siya sa balikat ni Gin. Unti-unti na kasi siyang inaantok dahil nararamdaman na niya ang pagod sa kanyang ginawang pagtakbo. Medyo napakislot siya nang haplusin ni Gin ang kanyang buhok. Pareho lang silang tahimik at hindi nagtagal, tuluyan na siyang nakatulog.

Kinabukasan ay maaga silang nagpunta sa presinto upang magbigay siya ng statement tungkol sa nangyaring panloloob sa kanyang apartment. Panay ang lakad ni Diosa habang nagsasalita siya at detalyadong ikinukuwento ang mga nangyari. Para na nga siyang narrator sa isang pelikula. Hanggang sa mahulog siya sa imburnal at nagtago doon hanggang sa umalis na ang mga goons. Nang matapos siya sa paglillitanya ay tumingin sa kanya si Armand na hinabol ang paghinga dahil napagod sa mabilis na pagtipa ng keys sa computer.

MEN IN ACTION 10: GIN SAN MIGUELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon