Chapter 5
"G-Gin?" ang gulat na wika ni Diosa nang mahimasmasan siya.
"Ako nga, Diosa."
Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng kanyang apartment at nagtatakang napatingin sa binata. Isinara na niya ang pinto at saka ini-lock. Nanatiling nakatingin lang sa kanya si Gin habang naglalakad siya at pasalampak na naupo sa sofa. Naglakad ito papalapit sa kanya at naupo ito sa kanyang tabi.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Diosa... Saan ka galing?" ang untag nito.
Isang matipid at alanganin na ngiti ang namutawi sa kanyang labi.
"Namasyal lang naman ako sa tabi-tabi. Ikaw, akala ko ba may operation kayo ngayong gabi?"
Ngumiti pabalik ng matipid sa kanya si Gin bago ito magsalita.
"Oo nga, may operation nga kami kanina. Ni-raid namin ang isang underground syndicate nagbebenta ng mga babae. Karaniwan nga sa mga nailigtas namin ay mga menor de edad pa lang. Nakakagalit talaga ang kahayupan ng mga taong nasa likod ng sindikatong iyon. Humanda sila dahil markado na sila ni X. Baka hindi na sila umabot bukas..."
Napalunok si Diosa nang mabanggit ni Gin si X. Wala na siyang lusot nito. Bigla tuloy niyang naalala kung paano sila nagkakilala... Nag-a-undercover siya noon bilang isang babaing bayaran sa isang bar kung saan laganap ang bentahan ng ecstasy... Uhm, well... May karapatan pa talaga siyang magsuot ng sexy na damit noon... At hindi maganda ang una nilang pagkikita ni Gin. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti nang maalala niya iyon. Akala niya isang pervert si Gin kaya muntikan na niyang mabalian ng braso at siya naman ay ini-lock nito ng mahigpit ang mga kamay niya. Naging mahinahon ito sa kabila ng kanyang pagwawala noon.
"Kung ganoon, wala na pala akong dapat na sabihin." ang pakli niya nang magbalik ang diwa niya sa kasalukuyan.
"May nakuha ka..?" ang makahulugang tanong ni Gin.
Isang mayabang na ngiti ang namutawi sa kanyang labi at saka kinuha sa bulsa ng suot niyang jacket ang cellphone niya. Binuksan niya ang gadget niya at kaagad na ipinakita kay Gin ang mga litratong nakuha niya.
"Sinabi ko na sa inyo ni Armand na tama ang aking woman instinct ko. Hindi ko alam kung sino itong kausap ni Don Mariano pero sigurado akong hindi maganda ang kanilang pinaplano at nagtataka ako kung ano ba talaga ang kailangan nila sa lumang orphanage."
Tumingin si Gin kay Diosa at saka bahagyang sumaludo.
"Oo na, nagkamali na ako sa paghuhusga. Ano ngayon ang plano mo?"
"Unang-unang, puputahan natin bukas sa presinto si Armand at ibibigay sa kanya ang mga pictures na ito. Pagkatapos ay tumuloy tayo sa orphanage para magsagawa ng imbestigasyon. Magtatanong ako kay sister Luciana."
"Sige, ayos na ayos akin iyan. Hindi delekado kaysa sa ginawa mo ngayon, Diosa."
Ngumiti si Diosa kay Gin.
"Mabuti naman kung ganoon." ang pakli niya.
Pagkatapos niyang magsalita ay pasimpleng umakbay sa kanya si Gin.
"Ngayon, ano ang gagawin natin...?" ang pilyo nitong tanong.
Sandali siyang nag-isip ng kalokohan... Hanggang sa isang ideya ang pumasok sa kokote niya. Ngumiti siya ng pilya pabalik kay Gin... Ikinulong niya ang mukha nito sa kanyang mga palad.
BINABASA MO ANG
MEN IN ACTION 10: GIN SAN MIGUEL
Romance"Diosa, Ikaw lang naman kasi ang hindi tumitingin sa akin eh. Ako kasi, matagal na kitang tinitingnan.."