CHAPTER 2 - LAKE 🌊

56 5 0
                                    

Sa halip na isipin ko ng mabuti si Grey,ay ginawa ko lahat ng homeworks ko.Tapos na rin naman na akong kumain ng hapunan.Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras,7:15 pm pa lang.Medyo maaga pa.Lalabas na muna ako.

Mula sa kinauupuan ko tumayo ako at nagbihis ng jeans,nagsuot ako ng black shirt saka pinaibabawan ng jacket na kulay itim rin.Kinuha ko rin ang black converse shoes ko.Inayos ko ang sarili bago lumabas sa kwarto.

"San ka pupunta Shein?" Wika ni Xhian ng mapansin akong pababa ng hagdan habang siya naman ay nanunuod ng tv.

"Kung saan ako dalhin ng mga paa ko.." wika ko at tango na lamang ang kaniyang itinugon.

Alam naman nun na hindi ako magpapagabi kasi may curfew dito sa village.Pagkalabas ko sa bahay ay tumingala ako.Bilyon-bilyong mga bituin ang nasa langit maging ang buwan ay napakaliwanag.Nagtatalo ang ilaw ng mga street lights at ilaw ng buwan dahil sa liwanag nito.

Tahimik akong naglalakad sa kalsada,hindi naman ako natakot dahil mas lamang ang mga bahay na dinadaanan ko at hindi naman delikado dahil may nagroronda namang mga tanod which is kilala na ako.

Hindi ko na namalayan na sa gitna ng paglalakad ko ay napatungo ako sa parke.Dito mismo sa labas ng village.Sa dulo ng parke ay may malawak na lake na kung saan dito mo talaga makikita ang kabuuan ng buwan.

Payapa kong pinagmasdan ang kalangitan na puno ng mga nagkikislapang bituin maging ang tahimik na tubig.Tanging pagaspas lamang ng hangin ang aking naririnig at iilang huni ng mga insekto.

(A/N: See media for imaginary purposes.Thank you..And also credits to the owner of the picture.)

Masarap sa pakiramdam na sa lugar na ito ay makakalimutan mo lahat ng problema.Sa lugar na kung saan ay parang walang lugar ang kahit anumang mabibigat na damdamin.Umupo ako sa damuhan ng maramdaman kong nangangalay na ang mga paa ko.

♬ ♬ Don't the water grow the trees
Don't the moon pull the tide
Don't the stars light the sky
Like you need to light my life ♬ ♬

Pagkakanta ko habang dinaramdam ang mapayapang gabi dito sa lawa.Naisip ko lang,wala bang gaanong bumibisita dito kung kaya't ganun na lang ka linis ang paligid dito? Alam kong gabi ngayon at walang araw,obvious naman kasi dahil sa liwanag ng buwan nakikita ko ang paligid.

"What brought you here?"

"Ay monay ka!" Sigaw ko ng makarinig ng boses ng nagsasalita.Jusko po! Kung naging nerbyosa lang ako malamang kanina pa ako nakahandusay dito..Tsk!

"Sino ka?!" Tanong ko habang palinga-linga sa paligid.Hindi ko nahanap agad ang nagsalita dahil hindi ko alam kung saan nanggaling ang boses niya.

"Combine black and white.That's my name."

"Blite?! Ehh?! Combine black and white? Black and white..." GREY?! Literal na lumaki ang mga mata ko dahil sa napagtanto ko.

"Grey?!" Sigaw ko,hindi ko parin siya nakikita.

"Tss..Too noisy.Up here.." wika niya,at nakarinig ako ng pagkaluskos ng mga dahon at tumingala ako sa kaliwa ko at nakita ko ang pigura niya na nakaupo sa malaking sanga ng puno.Akyatero din pala.Hindi ko pa gaanong pamilyar ang boses nya.

"Kanina ka pa dito?" Nagtatakang tanong ko.

"Yes,and I'm just watching you.." malamig na wika niya.

'Ehh? Kanina pa pala siya nandito? Bakit hindi ko agad napansin ang presensya niya? Bakit hindi ko agad siya naramdaman? Lol.'

"Nung hindi pa ako dumating,anong ginagawa mo rito?"  tanong ko habang nakatingala sa kanya.Hindi kasi siya bumaba.

"Trying to count the stars..." wika niya sabay tingin sa mga nagkikislapang bituin sa langit.Joker siya? Pft!

"Seriously?" Hindi makapaniwalang tugon ko.

"Naniwala ka naman.." wika niya saka bumaba sa puno at tumabi sa akin.

"Pero seryoso,ano ngang ginagawa mo dito?" Tanong ko na nakatingin pa rin sa kanya habang nasa hita ko ang mga kamay ko.

"Hmm..Nagrerelax? Yeah..This place is one of my relaxation." seryosong wika niya.

Ganyan ba talaga siya? Parang may mga shifting ang boses niya.Bigla-bigla nalang lumalamig,sumeseryoso,o di kaya parang hindi interesado.Weird.

"Hindi ka natatakot?"

"Bakit naman ako matatakot?"

"Kasi diba malay natin baka may multo dito.." wika ko sabay ikot ng paningin ko sa paligid.

"BOO!"

"AAAAAHHHHHHH!!!!!!" sigaw ko ng biglang may tumusok sa tagiliran ko at napayakap ako ng hindi oras kay Grey.

"Don't shout! Hahahahahahaha!" Rinig kong natatawang wika ni Grey.

'Okay? What the hell was that?'

Nag-angat ako ng tingin habang siya abala sa kakatawa.Ang gwapo niya.Kitang-kita ko ang napakagwapong mukha niya.Nagmumukha tuloy siyang anghel sa gabi na laging bumabantay sa akin.

"Ikaw lang ba ang palaging nandito tuwing gabi?" Tanong ko ng tumigil na siya sa pagtawa.

"Hmm..Oo,matagal na akong bumabalik dito.Every night.Sometimes I spend my whole night here and then fall asleep and don't go home." wika niya.

"Woah.." hindi makapaniwalang sambit ko.

Wala kaming ibang ginawa kundi ang mag-usap ng mag-usap sa ilalim ng gabi.Kahit na hindi siya pala-kwento pero pinipilit niya paring magkwento.

Pansin naming lumalalim na ang gabi kaya hindi na kami nagdalawang isip na umuwi.

"By the way..Ikaw lang ba mag-isa sa bahay nyo?" Tanong ko habang naglalakad kami sa kalsada.

"Yep,My father's in a business trip."

"What about your mom?" nakarinig ako ng malalim na buntong hininga galing sa kanya. "Uhm..Sorry." dugtong ko at yumuko.

"No,it's okay.Don't say sorry for it.You're asking about my mom,right?"

"Yeah.." maikling tugon ko.

"Well,she past away.It was 7 years ago." Malungkot na wika niya.Bigla naman akong nakaramdam ng sakit dahil sa pagkawala ng kaniyang ina.

Wala akong naisagot sa kanya at sa halip ay hinaplos ko nalang ang kaniyang likuran.Tahimik lang kami at tila pinapakiramdam ang isa't-isa hanggang sa nagdesisyon na kaming umuwi dahil palalim na ng palalim ang gabi.

"Dito nalang ako..Salamat sa paghatid." Wika ko ng makarating kami sa harap ng bahay namin.

"You're welcome..Goodnight." wika niya at may nasilayan akong isang ngiti na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko.Ngiti na kahit sinuman ay mahihirapang magpaliwanag.

"Goodnight din.." tugon ko saka siya umalis.Ang astig ng dating niya.

Pumasok ako sa bahay na may ngiti hanggang sa kwarto at pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa kama.

'Inspired? Hahaha! Siguro..'

FALLING TEARS (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon