"Omo!!!! Seryoso ka Shein?! Totoo?! Hinalikan ka kagabi ni Gre---" hindi na natapos ang pagsasalita niya ng bigla kong takpan ang bunganga niya.Ang ingay kasi baka marinig pa ng mga tao sa classroom.Nakakahiya.
"Anueba! Jusme! Hindi aketch makahinga!" Wika niya nang matanggal niya ang kamay ko na nasa baba niya.
"Ikaw kasi eh ang ingay mo.Baka maraming makarinig.Nakakahiya kaya!" Wika ko at sabay irap sa kawalan.
"Hay naku,Couzy! Bakit ka naman mahihiya,Aber?! Si Gre----" peste! Ayan na naman ang bunganga niya tinakpan ko ulit.Nakakadalawa na ang baliw kong pinsan eh! Kaya ayokong mag-share sa kanya minsan dahil napaka-ingay ng bungaga niya daig pa yung nagleletanya sa konseho! Pero kasi eh! Hindi ko talaga mapigilan ang nararamdaman ko kaya ayun shinare ko.Kaya ako rin yung nagdudusa sa kaingayan niya! Hays!
"Guys! May freedom wall na! Nasa Student's Free Section!" Sigaw ng isang kaklase namin kaya agad namang nagsitayuan ang lahat maliban sa'min ni Xhian.
"Eh kayong dalawa dyan? Hindi ba kayo pupunta dun?" Mataray na wika ni Trixie nang mapansin na hindi kami tumayo o kahit ano man.
"Hinde! Bakit?! Mukha ba kaming chismosa?!" mataray na wika rin Xhian.Tsk!
"Bakit sinabi ko ba?" Gatong nang isa.
"Umalis ka na nga lang! Mangengealam pa eh! Nakakastress ng ganda to! Tsk!" Pagtataboy ni Xhian kay Trixie.
"Di hamak na mas maganda naman ako." Mahinang-mahina na wika ni Trixie pero dinig na dinig namin.Papaalis na sana si Trixie pero bigla siyang ginatungan ni Xhian.
"Maganda nga,mukha namang walking stick sa kapayatan! pwe!" Kunwaring nandidiri na wika ni Xhian na siyang ikinainis ni Trixie at padabog na lumabas ng classroom.Kaya nagtawanan lang kami ng nagtawanan ni Xhian dahil sa nangyari.
Dahil sa hindi namin malabanan ni Xhian ang kaboringan ng classroom,nagdesisyon kaming pumunta sa field para tignan kung ano-anong booths na ang naitayo ng SG.Nagtataka kayo kung bakit nasa room lang kanina si Trixie? Syempre,tamad yun at ayaw niyang baka mapagod daw siya.Ang arte diba? Tsk!
Mula sa unang booths hanggang sa pang apat nakita ko si Grey na nakatayo at kitang-kita na nag-iinstruct siya kung paano at saan ilalagay ang bawat materyal na ginagamit.
Wedding Booth,Picture Booth,Couple Booth, at Campus Books Booths palang ang nakikita kong nakatayo na ng kumpleto at may mga iilang gamit na rin sa loob.
As we walked along the way,nagulat ako dahil nabangga ako ng isang SG at natabig niya ang lalagyan ng paint na nasa mataas na maliit na mesa kaya natapunan ako.Sa dinami rami ng pwede akong matapunan yung red paint pa.Hay.Nagmumukha tuloy akong duguan.Tsk!
"Shein!" Rinig kong sigaw ni Grey at alam kong papalapit siya.
Naipikit ko na lamang ang mga mata ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
"Anu ba yan! Mag-ingat ka nga sa susunod! Tingnan mo oh! Mabuti sana kung tubig lang yung natapon sa pinsan ko kaso hindi eh! Red paint! Pano matatanggal yan?!" Inis na wika ni Xhian sa nagkasala.
"Hindi ko nga sinasadya eh! Kung sana wala siya dyan,edi sana hindi siya matatapunan ng red paint!" Naiinis na rin na wika nung SG.
"Ah,So,sinisisi mo siya dahil nandyan siya? BAKIT ALAM NIYA BA NA PAPARATING KA?! NAKIKITA MO RIN BA ANG DINARAANAN MO?!"
"PUT----"
"STOP!!!"
Hindi na nakapagsalita pa ang SG dahil sa pagsigaw ni Grey.Hindi ko rin namalayan na nasa gilid ko na pala siya.
"Linisin mo ang nagkalat na paint Carlie,at palitan mo ng bago." Wika ni Grey kaya hindi na nakapalag yung SG na si Carlie daw at sinunod ang utos ng presidente.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila.At sumunod naman si Xhian.
"Grabe yun ah! Nainis ako!" Highblood na naman si Xhian.
"Hayaan mo na yun,Xhian." Wika ko.
"Yan na naman tayo sa 'Hayaan mo na yun'.Ano ba Shein? kapag ba napagbintangan ka hahayaan mo pa rin yun?!" Alam kong nagagalit na si Xhian pero sadyang ganyan lang talaga ang ugali niyan.Napakamature pagdating sa mga seryosong bagay para sa kanya.Napabuntong hininga nalang ako dahil sa nangyari.
"Mauuna na ako sa bahay." Walang ganang wika niya at nauna sa'min ni Grey.
"Pagpasensyahan mo na ang pinsan kong yun." Matamlay na wika ko.Hawak niya pa rin ang kamay ko.
"She's so very protective to you." Wika niya.
"Dati na siyang ganyan.." hays.Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang magalit sa mga taong nagkaroon ng pagkakamali sa'kin.Kung magagalit man ako,minuto o segundo lang.Ewan.Hays.
**
Nakailang palit na ako ng damit pero parati nalang hindi pasado sa paningin ni Grey.Seriously? Daig pa niya akong mamili sa mga damit.
"Eto? Okay na ba to?" Wika ko nang lumabas ako sa dressing room,suot itong high waist na crissa jeans at crop top na off shoulder.Dumaan rin kami sa bahay nila Grey at dun ako naligo.No choice eh,malapit lang kasi yung village nila sa area ng school.
"Okay na yan.You look good." Pagpupuri niya atsaka tumayo.Sabay naman kaming pumunta sa cashier.Nakakahiya kasi siya pa ang nagbayad.
"Thank you.." wika ko.
"So,san mo gusto pumunta?" Tanong niya ng makalabas kami sa Clothe Shop na pinasukan namin.
"Kahit saan,wag lang akong masaktan.."
"Uh? Okay?" Wika niya at napailing na lamang.
Wait! I just realized what I said! What da effin fadj!
"I mean,ano,uhm..Kahit saan." Natatarantang wika ko at naramdaman kong hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko.Napapadalas na yata ang paghawak niya sa kamay ko ah.
"I know what you said.." tugon niya at tumawa ng mahina.Kaya namula na naman ako dahil sa kahihiyan.
Jusko naman kasi Shein! Kung ano-anong mga salita ang lumalabas sa bibig mo! Yan tuloy nagmukha kang ewan sa harap ni Grey.
Ano ba kasing naisip ko at sinabi ko ang mga katagang yun? Bukod sa kanya? Wala naman akong ibang iniisip eh.Hala! Baka isipin niyang nagpapahiwatig ako.Howleh shet!
Alam kong narinig niya yun pero diba? Nakakahiya lang kasi sa dinami-dami ng pwedeng sabihin ay yun pang mga katagang yun ang nasabi ko.Hindi ko rin alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
FALLING TEARS (On-Going)
Teen Fiction"When I'm hurt,I just let myself burst into tears.A way that will ease the pain." - Shein Valdez