CHAPTER 3 - WITH HIM 👥

47 3 1
                                    

Naging masarap ang pagtulog ko kagabi dahilan ng pagiging late ko sa school.Hindi man lang ako ginising ng mabait kong pinsan.Tsk! Kaya ending pinagalitan pa ako ng lecturer namin sa first subject.

"Hahaha! Ano ba kasing nangyare sayo at tinanghali ka ng gising?" natatawang wika ni Xhian habang kumakain ng tsokolate.

"Loko ka! Hindi mo ko ginising eh!" Wika ko sabay nguso at tingin sa malayo.Parang batang hindi binigyan ng cotton candy.

"Pano kita gigisingin eh panay ang dada mo habang natutulog ka.Bwahahahaha!" tugon niya sabay humagalpak ng tawa.

'Seryoso?! Nagsasalita ako habang natutulog?!' O_o

"Seryoso ka Xhian?" Hindi makapaniwalang sambit ko.

"May seryoso bang tumatawa?" Pamimilosopo nya at humagalpak na naman ng tawa.

Okay? Nababaliw na ang pinsan ko.Hinintay ko lang na matapos si Xhian sa kakatawa niya.

"Wooh! Grabe! Laughtrip ako dun insan! Haha!" Tugon niya sabay pinunasan ang mga luha sa mata niya dahil sa kakatawa.Tuwang-tuwa eh.

"Ano nga kasi ang mga pinagsasasabi ko kagabi?" Kunot noong tanong ko.

Wala naman akong naalala na nanaginip ako.O baka naman nanaginip nga ako at nakalimutan ko lang? Ang gulo! Maayos naman akong nakatulog kagabi ah.

"You keep on calling Grey's name insan.Ano ba kasi ang panaginip mo?"tanong ni Xhian.

Sandali nga,maisip nga ng mabuti...

"Grey? Grey?! Ikaw ba yan?"  Wika ko habang sinusundan ko ang isang lalaki  na nakita ko kanina sa gitna ng pedestrian lane.Mag-isa lang siya.Hindi ko gaanong makita ang mukha niya dahil may suot siyang hoodie,nakayuko at siyay nakatagilid  sa direksyon ko.

Hindi ko alam kung bakit ko siya sinusundan.Patuloy parin ako sa pagsambit ng pangalan ni Grey,hanggang sa mapunta kami sa lawa.Huminto siya sa paglalakad at ramdam kong ang paningin niya ay tubig.

"Huy! Bakit hindi mo ako kinakausap?" wika ko at napansin ko namang tumingala siya.Hindi pa rin nagsasalita.Nakaramdam ako ng malamig na hangin na humaplos sa aking mga balat which gave me  goosebumps.

Nakarinig ako ng kaunting kaluskos sa likuran ko at agad naman akong napalingon pero wala naman akong nakita.Laking gulat ko nang tumingin ako sa harap ay wala na ang lalaking nakatayo kanina.Ito'y biglang naglaho.Tanging mga pinong ilaw na lamang ang naiwan sa lugar na kinatatayuan niya.

"Grey? Grey?" Huling sambit ko...

Yun ba? Yun ba ang panaginip ko? Ang weird lang kasi biglang naglaho ang lalaki? Anong ibig sabihin nun? Si Grey nga ba yun? Bakit ganon ang panaginip ko?

Dahil sa pagtataka ko,kinwento ko kay Xhian ang laman ng panaginip ko.Tahimik namang nakikinig si Xhian.Bakit hindi ko naalala yun nong nagising ako? Hays..panaginip lang yun.

"Wow ha? Ang weird ng panaginip mo couzy." wika niya sabay sipsip ng kanyang mango juice.

"Kaya nga eh.." wala sa sariling tugon ko.Ano ba kasi yun?

Natapos ang recess at dumaan ang ilang oras namin sa klase.Habang nagdi-discuss yung lecturer namin,lutang ako.Wala akong naintindihan sa klase kanina.Napahiya pa ako dahil tinamaan ako ng chalk sa noo.Buti nga hindi nakita iyon ni Grey dahil tulog siya buong klase.Tss.

Mag-isa akong naglalakad sa hallway nang tawagin ako ng isang guro mula sa Faculty Room.Kaya lumingon ako upang pumunta roon.

"Miss Valdez!" Tawag sakin ni Mam Carmonte.English Teacher namin.

FALLING TEARS (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon