A/N: Plagiarizing is the worst policy.
---**---
Prente akong naglalakad sa mapayapang kalye pauwi sa amin.Tahimik.Konti lang ang dumaraan.Medyo makulimlim ang langit at kahit anong oras ay parang bubuhos ang malakas na ulan.Tanging ang mga mata ko ay nasa aking daan ngunit ang isip ko ay naglalakbay.
Bago pa lang ako sa school na pinapasukan ko ngayon at wala akong masiyadong kilala roon dahil transferee lang naman ako.May mga nakikipagkaibigan ngunit hindi ko alam kung sino sa kanila ang totoo.Masiyado akong nawalan ng tiwala para magkaroon uli ng kaibigan.Minsan ko na kasing maranasang lokohin ng tinuturing kong kapatid,karamay sa lahat ng bagay.Masakit para sa akin pero wala akong magawa dahil kasalanan naman na niya iyon.Hindi ko na ikekwento pa dahil ayaw ko nang maalala pa.
Nagulat ako ng biglang bumuhos ang malakas na ulan ngunit nagtaka ako kung bakit hindi man lang ako nabasa.Wala naman akong payong ah? Laking gulat ko nalang ng lumingon ako ay may lalaking nakatayo at may hawak na payong sa gilid ko.Blangko ang ekspresiyon niya.Walang emosyon na makikita.Sino siya? Hindi ko maiwasang hindi magtaka dahil hindi ko siya kilala.
(A/N: See media for imaginary purposes.Thank you..)
"S-sino ka?" Nagtatakang tanong ko.Tiningnan niya ako ng deretso sa mga mata kung kaya't ganun nalamang ka sobrang lamig ang aking nararamdaman.Ang lamig ng pagkakatingin niya sakin.Hindi ko mabasa ang sinasabi ng mga mata niya.
"Malalaman mo rin.." malamig na wika niya na siyang ipinagtaka ko sobra.
"Saan ka naka tira?" Wika ko dahil bukod sa pagpatak ng malakas na ulan ang naririnig ko ay wala siyang sinasambit.
"Diyan lang sa katabing village nyo." Walang emosyon pa rin niyang wika na naka pamulsa pa at ang isang kamay naman niya ang may hawak ng payong.
"A-ahh.." nahihiyang tango ko.
"B-bakit mo nga pala ako pinayungan?" Nag-aalangang tanong ko.
"Dahil gusto ko.Mababasa ka kapag hindi kita pinayungan.At kapag hindi kita pinayungan magkakasakit ka.." tuloy-tuloy niyang wika na siyang ikinatameme ko.
O_O Ehh? Gusto niya? Pero hindi niya ako kilala.At panong ganoon siya?
"P-pero hindi mo ako kilala.."
"Nagkakamali ka.Bago ka lumipat sa school kilala na kita."
"Paano?"
"You'll know it soon.." malamig na wika niya.Tsk! In-english lang niya ang sinabi niyang 'Malalaman mo rin..' eh!
"7eleven muna tayo.." wika niya ng matanaw namin ang 7eleven sa harap ng village namin.
"Sige,basta ba't treat mo.." tugon ko at hindi na siya nag-abalang sumagot pa at iginiya nalang ako papunta dun.
"Goodevening Sir,Mam.." bati nung guard samin pagpasok.
Agad kaming dumeretso sa counter matapos naming ilagay ang payong sa lalagyan nun dun malapit sa pinto ng 7eleven.
"May I know what are the available flavors of your Ice cream?" Malamig na wika ni----Hindi ko alam pangalan niya.Tsk!
"We have here,chocolate,ube,choco-vanilla,strawberry-choco,and mocha Sir.." magalang na wika nung counter girl.
"What do you want to have?" wika niya na ngayon ay naka lingon na pala sa akin.
"Uhm..Yung chocolate nalang." Tugon ko at nahihiyang nag-iwas ng tingin.Ang lalim kasi ng pagkakatitig niya sa mga mata ko.Parang may something na hindi ko alam kung pano basahin.
BINABASA MO ANG
FALLING TEARS (On-Going)
Ficção Adolescente"When I'm hurt,I just let myself burst into tears.A way that will ease the pain." - Shein Valdez