CHAPTER 9 - TEDDY BEAR 🐶

32 2 0
                                    

Nasa peryahan kami ngayon ni Grey.
Ewan,yun ang pareho naming naisip na puntahan eh.Kasi bukod sa masaya may mga rides pa.May carousel,roller coaster,ferris wheel at iba pa.Naalala ko tuloy nung bata ako,sabay-sabay kami ng limang pinsan ko kabilang na si Xhian na sumasakay sa mga rides noon.

Natatawa rin ako kay Xhian noon kasi nung sumakay kami sa roller coaster bigla-bigla siyang iiyak kapag nagpapadaosdos pababa yung sinasakyan namin.

"Uwaahh!! Ayoko naa!! Huhuhu Mommy!!!!!"

"Hahahaha! Kaya mo yan Xhian! si Fryll,Brix, at Kacey nga hindi natatakot eh."

"Eh kasi magkaiba kami.Magpinsan tayo pero iba-iba ang kinatatakutan natin! Huhuhu! Mommy!!"

Tawang-tawa talaga kami sa kanya nung mga panahong yun.

"FRYLL!! BRIX!!!! KACEY!!!! SHEIN!!!!! UWAAAAHHHHH!!! AYOKO NAAAA!! ITIGIL NIYO NA ITO! MAAWA KAYO!"

Isa-isa niyang binanggit ang mga pangalan namin noon.Pero wala siyang nagawa kasi siya lang yung umiiyak samin magpipinsan kasi kami nag-eenjoy habang siya halos mamatay na kakaiyak.Hahaha!

"Ferris Wheel tayo?" Nabalik ako sa reyalidad ng higpitan niya na naman sa paghawak ang kamay ko.

"Sige.." tugon ko kaya agad na siyang bumili ng ticket para saming dalawa.Ngayon lang ulit ako nakabalik sa lugar na ito.

Nang makasakay kami ay agad akong namangha sa nakita.Sobrang lawak ng syudad at kitang-kita ang maliliwanag na ilaw.Para akong nasa ulap lang at nanonood sa mga ginagawa ng tao sa ibaba.

"Ang gandaaaa!" Hindi ko maiwasang hindi mapamangha dahil hindi naman ganito ka taas ang ferris wheel na sinasakyan namin noon.Yung saktong pang-bata lang.

"Parang ikaw.."

Dahan-dahan naman akong napalingon sa kanya at nakatitig na pala siya sa akin.Ramdam ko na naman ang pamumula ng pisngi ko.Hays!

"Pinapakilig mo ba ako?" Tanong ko dahilan para lumawak ang ngiti niya.Huhu! Ano ba?!

"Umepekto ba?" Balik tanong niya sabay ngisi.Hanuba?! Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin?

Napaiwas nalang ako ng tingin at itinuon ang pansin sa syudad na puno ng mga ilaw.Nakakabalisa siya.Shet! Hindi ko maiwasang hindi kiligin sa kanya.Bakit ganun ang epekto?

Hindi ganito ka grabe ang nararamdaman ko sa kanya noon.Kung noon hindi pa ko nahahalata,ngayon sobrang halata na! Alam niyo yun? Yung kahit sa simpleng sasabihin niya lang na magpapatungkol sa'yo ay kikiligin ka na.

I've never been this way before.Wala pa nga akong alam kung ano'ng feeling ng kinikilig o inlove.Pero ngayon? Alam ko na,alam na alam.

Naka tatlong ikot pa ang Ferris Wheel bago kami bumaba.At syempre,tingin dito,tingin doon.Marami kasing rides na pwedeng sakyan kaya minsan ang hirap pumili kung alin ang mas gusto mong sakyan.

"Have you tried playing Dart?" Tanong niya nung huminto kami sa pinaglalaruan ng Dart at nakita ko kung ano ang prize.TEDDY BEAR!

"Hindi pa.Hindi kasi ako marunong nun." Wika ko at tumabi sa kanya dahil pumwesto siya upang maglaro.Marunong siya maglaro nun?

"That Teddy Bear.Yung kulay pink na may purple na ribbon sa neck.Yan po ba ang prize?" wika ni Grey at seryosong nakatingin dun sa Teddy Bear na sinasabi niya.Saka ko lang narealize,ang cute ng teddy bear! Hoho~

"Ah ito po? Opo sir.Dapat po matamaan nyo ang limang balloons habang papalayo ng papalayo ang distansya nito.Yun lang naman po." Wika nung taga bantay.Makukuha kaya niya ang prize.I trust him.Siguro magaling siyang umasinta.

"Okay.Should I start now?"

"Sige po." tugon ng taga bantay,matapos niyang ayusin ang mga lobo.

Agad na pumwesto si Grey upang asintahin ang unang lobo at sa isang iglap lang natamaan niya ito.Napahanga ako kasi ang talas ng paningin niya tsaka asintado talaga siya kung tumira.Ang astig tignan.

Hanggang sa naiputok niya ang natitirang apat na lobo ng hindi man lang umabot sa isang minuto na pag-asinta niya.Walang kahirap-hirap niyang tinamaan ang lahat.Nakita ko sa reaksyon ni manong (yung taga bantay),bilib na bilib siya dahil sa galing ni Grey sa pagtira.Kahit ako,napamangha din.May angking talento rin pala siya sa larong yun.

"Eto na po ang teddy bear Sir.Maraming salamat po." Wika ni manong sabay bow ng konti at agad na inabot ang teddy bear kay Grey.

"Thank you also.."

Ibinaling niya ang tingin niya sa akin at agad na inabot ang napanalunan niyang teddy bear sa paglalaro ng dart.

"Thank you." Wika ko at agad na niyakap ang teddy bear...at ang bango!

"That's my first gift to you.So,better take good care of it." saad niya na deretsong nakatingin sa mga mata ko.Kinikilig na naman ako! Promise! Aalagaan ko itong super cute na teddy bear na bigay mo.

May mayayakap na ako every night in behalf of Grey,the teddy bear.Palakad-lakad lang kami ni Grey dito sa peryahan.Naghahanap ng magandang masasakyan at mapaglalaruan.Kung meron man.

Sa tagal na naming nagpaikot-ikot dito sa perya nagdesisyon nalang kaming lumabas.

"Anong oras na ba?" Tanong ko dahil wala naman akong wrist watch at nasa bag ang cellphone ko.

"It's already 1 o'clock." Wika niya pagkatapos niyang tignan ang kanyang relo.

1 pm na?! Aba't hindi man lang ako nakaramdam ng gutom? Or should I say kami?

*krzzkkkrrzzkkk!*

Oops! Speaking of nagugutom.Umingay bigla ang tiyan ko.Ewan ko lang kung narinig niya.

"Are you hungry?"

Yah! Narinig niya nga. --,

"Ahh..Hehehe oo." Nahihiyang tugon ko.

"So,where are we?" Tanong niya at deretsong nakatingin sa mga mata ko.

Bakit ba kung magsasalita siya parati siyang tutok na tutok sa mga mata ko? So that I can see his sincerity? O talagang maganda lang ang mga mata ko kaya dun siya tutok na tutok? Wew. Impossible naman ata.

"Greenwhich nalang ata.." wika ko at sabay kaming pumunta sa di kalayuang Mall at basa loob lang ang Greenwhich.

Nang nakapasok kami agad siyang pumila habang ako ay naghahanap nang mauupuan namin.

Kung ano ang inorder ko ganun din sa kanya.Parang sakin lang nakadepende lahat eh.Mukha na rin akong girlfriend niya kasi naman kung maglalakad kami hawak niya yung kamay ko.Naiilang tuloy ako sa mga tao.Ewan ko lang kung napansin rin nila yun.

Yung iba nga nagbubulungan na super bagay daw kami kasi siya daw super gwapo tapos ako super maganda.Nahiya naman ako 'sa super' nila eh hindi naman kami mga Diyos at Diyosa.

Nang makabalik siya ay agad na kaming nagsimulang kumain.Pagkatapos usap ng konti tapos gala-gala na rin.Pero hindi na kami nagpapahapon kasi maambon ngayon at baka maabutan pa kami ng ulan sa daan.Kaya dumeretso kami ng uwi.

Hinatid niya muna ako sa bahay bago siya umalis.Ngayon,hawak-hawak ko yung teddy bear na bigay niya na napanalunan niya kanina sa perya.Hihihi! Ang cute! Ano kayang ipapangalan ko? Hmm.. AHA! alam ko na Grein! Parang tunog ng kulay berde sa ingles. Shaenige...Ayun! Shaenige.. ang cute! Hakhak..

( A/N : how to pronounce shaenige?  Shaenige --> Shaynij .. That's it :) )

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FALLING TEARS (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon