CHAPTER 4 - FREEDOM WEEK 👌

48 4 5
                                    

"Okay,So class as I have said,may program tayo next month which is the Acquaintance Party.The SSG Officers are the ones who are assigned to do the booths or whatsoever.Since we only have 2 weeks before the program.Our principal declared that it'll be a Freedom Week.So you can do whatever you want here in school.Am I clear?" Wika ni Maam Saldico habang kami ay tahimik lang na nakikinig sa kanya.

"Yes Ma'am."

"Okay.Class dismissed.Goodbye."

Naging abala ang lahat pagkatapos mag-dismiss ng Lecturer namin.Habang ako nanatili paring nakaupo at naghalumbaba.Nakatitig lang ako sa bintana,sa labas ng classroom.Acquaintance Party.Ano kayang mga booths ang gagawin nila Grey?

"HUY!"

"Ay tae ka!" Sigaw ko ng gulatin ako ni Xhian sabay tusok sa aking tagiliran.

"Maka-tae ka naman sakin eh.Sa ganda kong to? Kahit na ang pinaka pangit na palaka nga takot lumapit sakin ang tae pa kaya na walang buhay? Pero syempre mabaho.Hihihi!" Wika niya sabay upo sa silya na nasa harapan ko.Pero seriously,wala akong maisip na gagawin sa Acquaintance.

"Anong konek?" Wika ko sabay irap pero tumawa lang siya.Ang baliw kong Pinsan,bow.

"Wala? hehehe..So,Ano na? What's your plan? Any plans on what will you wear this coming Acquaintance?" Wika niya at parang may nginunguya.Pustahan tayo chocolate na naman to.Tss.

May 2 weeks pa ako para pagdesisyonan ang susuotin ko.May 2 weeks pa akong gumala sa mall.May 2 weeks pa akong pumunta sa ibang Dress Shop.Gagasto na naman ako..Tsk. Wala pa naman sina Mama at Papa dahil may business trip nanaman sila.

"2 weeks pa before the Acquaintance,So may chance pa akong mag-isip ng susuotin ko." what if tawagan ko nalang kaya yung isa sa mga kaibigan na fashion designers ni Mama? It'll be a pleasure to them na gawan ako ng damit.

I just want a simple one but elegant.Pero sabi naman nila,kahit anong damit bagay daw sakin,wag nga lang daw yung light colors kasi hindi daw bagay sa white skin ko.Sinasabi nila parang wala na daw akong dugo dahil sa kaputian ko.I don't know where did I inherit this fair skin of mine.

Iniligpit ko ang mga gamit ko na nagkalat sa armchair ko,may gamit pa nga akong nasa sahig na nahulog at kanina ko pa hindi kinukuha,tinatamad na kasi ako kanina.Nang mailigpit ko na lahat,saka ko ito sinilid sa bag ko at tumayo para umalis na dito sa room.

"Hep! At iiwan mo ako? Ganern?" Nakapameywang na wika ni Xhian.Lol,nakalimutan ko'ng kasama ko pala siya.

"Hehe sorry,nakalimutan ko kasi na kasama pala kita?" Wika ko sabay peace sign.

"Huhu! kinakalimutan mo na ngayon ang maganda mong pinsan ah.Ouch.Huhuhu!" Kunwaring umiiyak na wika niya.

Habang naglalakad kami sa hallway lahat ng paningin ng mga estudyante ay nasa amin.Ano bang problema nila? Hindi naman siguro kami artista para paglaanan pa nila ng ilang minuto para lang titigan ang kabuuan namin.Papaliko sana kami sa kabilang building ng bigla akong ma-slide.

*BOOGSH!*

"AHH!" mahinang daing ko.Ang saket ng balakang ko! Namputstek!

"OH MY GOD! Okay ka lang ba Shein?!" natatarantang wika ni Xhian habang inaalalayan ako.Ang sakeeeeetttt!!!!!!!

"SHIT! SINO BA KASING PALAKA ANG GUMAWA NG SLIME DITO?! AT TALAGANG SA DAAN PA?! MGA GAGA!" halos pumutok na ang ugat ni Xhian dahil sa malakas ang boses na wika niya.Tinulungan nya akong makatayo at inakay.

"I'm the one who made the slimes.Bakit? effective ba ang pag slide ni Shein?" mula sa mga nagkukumpulang estudyante,lumabas si Trixie.Ang secretary ng SSG.

FALLING TEARS (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon