Ang daang tinatahak namin ay alam kong papunta sa Baguio.Bakit kami pupunta sa Baguio? First,hindi ko alam.Second,siya lang ang may alam.Third,date siguro? Ang layo naman kung magde-date lang.Siguro magsa-sight seeing lang.Di ko alam ang takbo ng utak niya.
Isang oras ang dumaan at nakarating nga kami sa baguio.Buti nalang at walang ulan dito.Nasa isang lugar kami na kung saan walang gaanong tao pero may tourist spot naman.Mukhang napabayaan pero maganda pa rin ang place pati yung mga nagtataasang puno ng pine trees at ang malamig na haplos ng hangin.
"Dito ako pumupunta noon during freedom week.Until now." Wika niya habang sabay kaming naglalakad papunta sa isang parang closed kubo.Ewan ko kung anong tawag dun.Pumasok kami syempre at may nakahandang coffee doon.Wow.
"Ikaw lang mag-isa?" Tanong ko at naupo sa isang silya at ganun rin siya.Nakakapagtaka na walang gaanong tao dito pero may nakahandang coffee at pagkain.
"Yep.Pero ngayon may kasama na ako..At ikaw yun." mahinang wika niya at tumingin sa'kin.Hindi ko alam kung bakit biglang nag-init ang mga pisngi ko dahilan upang mag-iwas ako ng tingin sa kanya.
"Bakit walang gaanong tao rito?" pag-iiba ko ng usapana para hindi niya mahalata habang nililinga ang paligid.May mga tao namang dumarating pero kokonti lang.
"Mamayang hapon pa dadagsa ang mga tao.Kapag papalubog na ang araw dito sila sumusubaybay.Kasi pag palubog na yung araw napapagitnaan ito ng dalawang bukid." Wika niya sabay turo dun sa dalawang bukid na tinutukoy niya.
Palagi nga siyang nandito.Kasi halos alam niya lahat.Malay ko ba naman kasi hindi naman ako gumagala at supposedly dapat nasa bahay ako ngayon nag-iisip ng susuotin ko sa Acquaintance namin.
Habang tumatagal ang oras parang nararamdaman ko ang kakaibang tibok ng puso ko.Hindi ko alam kung bakit.Yung dating blangko ngayon ay parang may konting nilalaman.Ganito ba ang sinasabi nilang nararamdaman para sa isang tao?
"Uhm..Grey?" Tawag ko sa kanya.Ano bang nangyayari sa'kin? Huwag niyong sabihin na inlove ako? Na nahuhulog na ang loob ko? Kung iyon nga yun,hahayaan ko nalang muna ang sarili ko.Gusto kong malaman kung ano ba talaga itong nararamdaman ko.
"Hmm?" Tugon niya at saka tumingin ng deretso sa mga mata ko.
Mabilis na pagtibok ng puso.Pag-iinit ng pisngi.Feeling the butterflies on my stomach.Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko maging ang mga paa ko.
'N-nahuhulog na kaya ako?'
"W-wala.." nauutal na wika ko at tumingin sa ibang direksyon.Nakikita ko sa peripheral vision ko na mukha siyang natawa sa inakto ko kaya hindi ko mapigilang tumingin sa kanya na ngayon ay nakatitig na pala sa'kin.
"You know what.Matagal ko na sana 'tong sasabihin eh." wika niya at napakamot pa sa ulo.He look cute..Haha.
"Ang alin?" Kunot-noong tanong ko at pilit na nilalabanan ang bilis na pagtibok ng puso ko.
"Na maganda ka.."
'Na maganda ka..'
'Na maganda ka.. '
Hindi ko agad na-absorb ang sinabi niya kaya para itong nag-echo ng paulit-ulit sa tainga ko.Ramdam na ramdam ko ang panginginit ng mukha ko.At siguradong-sigurado ako na nagmumukha na akong over-riped na kamatis! syet na malagket!
♬ Oh ang isang katulad mo
ay di na dapat pang pakawalan
alam mo bang pag naging tayo
Hinding-hindi na kita bibitawan
Aalagaan at di pababayaan
Pagka't ikaw sakin ay prinsesa ♬"I like it when your face turns into red.Blushing tomato baby.." wika niya na may makislap na ngiti sa labi at kinindatan ako.Holy powder with a power of foundation! Ayoko na! Nahahalata na niyang kinikilig ako sa sinasabi niya.
"H-hindi ah.I'm not blushing." Todo giit ko kahit namang huli na ako sa akto.
"Haha! Okay na sana kung magsisinungaling ka kapag hindi obvious.Pero ano yan? Halatang-halata na ang pamumula ng mukha mo,Babe.."
Peste kang puso ka! Umayos ka! Dumagdag pa yung pagtawag niya sakin na Babe.Bakit ba kasi naging mestiza pa ako?! Sana naging morena nalang para kapag kikiligin ako hindi ako mamumula.
Tawanan,kulitan,at kwentuhan ang ginawa namin ni Grey nung mga oras na nagdaan.At sa bawat minuto,segundo at oras lalo akong nahuhulog sa kanya.Nagiging komportable ako sa tabi niya.Ewan ko ba kung paanong nangyayari to.
Sabi nila ang pag-ibig ay kusa raw'ng dumadating.Magkukusa ang puso mo na tumibok ng kakaiba kasi hindi mo naman matuturuan na magmahal ang puso mo sapagkat siya lamang ang pumipili nito.
Naglalakad kami ni Grey pabalik sa kotse niya ng bigla akong matapilok ng bonggang-bongga pero agad niya akong niyakap bilang pagsalo niya sa'kin.Argh! Turn on!
"Are you okay?" nag-aalala ang tono na wika niya.
"Oo,okay lang." Tugon ko.Pero sa totoo lang masakit talaga ang paa ko.Pilit ko lang na nilalabanan ang sakit.Ayoko namang magmukhang maarte sa kanya (kahit na hindi namana talaga ako maarte )
"If you're not okay just tell me.." wika niya and he patted my head as if I am a puppy.Inalalayan niya ako sa pag-upo sa kotse niya bago siya pumunta sa pwesto niya.Kaya ako tinitingnan ko lang siya.
Palihim akong sumusulyap sa kanya habang siya ay busy sa pagmamaneho at sa daan.Katulad pa rin nung papunta pa kami ang sitwasyon namin.Tahimik at tanging kanta sa radyo lamang ang maririnig.
Marami kaming pinuntahan na lugar na ibinahagi niya sa akin na minsan na rin daw na naging parte ng buhay niya.Kinwento niya rin ang nakaraan sa bawat lugar na pinuntahan namin.Ang sarap lang sa pakiramdam kasi pareho naming kasama ang isa't-isa.Ewan ko nga lang kung masaya rin siya na nakasama niya ako.
Mag-a-alas sinko na nung pauwi na kami.Hindi na kami nagbalik sa school kasi okay lang naman since Freedom Week nga.So,we are all free to do what we want.At sigurado rin ako na nasa bahay na si Xhian,nagpapahinga.
"Salamat ulit sa paghatid." Nakangiting wika ko nang makababa ako sa kotse nya at magkaharap na kami ngayon.
"It's okay.I'm happy because you're with me for the whole day."
Ayan Shein! Happy siya kasi nakasama ka rin niya.
"Hehe..Ako rin.Hindi ka na ba papasok sa loob? Baka gusto mong umino ng tubig.Sa dinami ba naman ng kinain nating ice cream baja diabetisin ka." Natatawang wika ko kaya natawa rin siya.Ang gaan sa loob ko.
"Haha..Hindi na.Aalis narin naman ako."
"Uhm..Sige,papasok na ako.Goodnight!" Masiglang wika ko.
Pero hindi pa ako nakakadalawang hakbang ay bigla niya akong hinila at nagulat na lamang ako ng dumampi ang malambot niyang labi sa labi ko.Parang biglang nag-slow motion ang lahat maging ang ginawa niyang paghila at paghalik sa akin.
Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng bumitaw siya sa paghalik sa'kin.Kitang-kita sa mukha ko ang pagkagulat.
"Sorry.Hindi nakapagpigil.Cute mo kasi." Mahinahong wika niya.At Oo! Alam kong namumula na naman ako! Nakangiti siya at sobrang lumilitaw ang kagwapuhan niya.Shet!
"Alis na ako.Goodnight." wika niya at kinindatan ako.Napansin ko na lang ang pagharurot ng sasakyan niya paalis.
Naiwan akong nakapako sa kinatatayuan ko.Hindi maka-get over sa nangyari.Pilit kong inaabsorb pero dahil sa gulat ko,preskong-presko pa rin ang pangyayari.Ramdam ko pa rin ang malalambot niyang labi sa labi ko.
Ang first kiss ko.Siya ang first kiss ko.Si Grey Silviero..
BINABASA MO ANG
FALLING TEARS (On-Going)
Jugendliteratur"When I'm hurt,I just let myself burst into tears.A way that will ease the pain." - Shein Valdez