CHAPTER 11 - MINI NOTES 📄

19 2 2
                                    

"Shein.."

"Shein.."

"Shein!"

Nakakaramdam ako ng ilang pagyugyog sa balikat ko dahilan para magising nang tuluyan ang diwa ko ngunit nanatili pa ring nakapikit ang mga mata ko.Ano ba naman kasi yan! Ang aga-aga nabubulabog ang tulog ko.Tsk!

"SHEIIIINNNN!! ANO BA NASA BABA SI GREY!! NAGHIHINTAY!" Agad akong napabalikwas sa kama dahil sa narinig pero peste lang dahil nauntog yung ulo ko sa bakal.Ay mali!

"Araaaayyyyy!!! Leche ka Shein ang sakit ng ulo ko!" Patay! nagkauntogan kami ni Xhian.Pero ansakit talaga ng ulo ko.

"ahh! ang sakit.." wika ko sabay himas sa ulo ko.Ang tigas ng ulo ni Xhian eh! huhu.

"Yan kasi eh,nagmamadali..Arrruuuyyy.Huhu! sakit ng ulo ko lintek."

"Eh bakit ka ba kasi biglang sumigaw? yan tuloy nagka-untogan tayo."

"Eh malay ko ba naman kasi na babangon ka bigla-bigla..Loko ka." wika niya at hinihimas ang ulo dahil sa sakit.

"Sorry naman kasi.Bigla ka kasing sumigaw eh tapos ano...Aish!" tanging wika ko sabay irap sa hangin.

Nasa baba si Grey? Ano naman kayang nakain niya at talagang pumunta siya dito sa bahay? Hinintay pa ako? Pakszit hindi pa ako nakakapag-sipilyo.

"Hoy mauuna na akong pumasok sa school.Sama nalang kayo ni Grey.Magkita nalang tayo dun ah..Ngina.Ang sakit ng ulo ko..Sheet!" wika niya saka umalis sa kwarto,dinig ko pa yung huli niyang sinabi.Hay naku..

Agad kong inayos ang higaan ko saka dumeretso sa banyo upang maligo.Nang matapos na ako ay inayos ko muna ang aking sarili bago bumaba.Nakakahiya naman kasi siguro kung lalabas akong bruha kahit na nakapag-ligo na.

"Goodmorning.." bati ko nang makita ko siya sa sala na nakaupo habang may ginagawa siya sa cellphone niya at agad namang tumigil nang makita ako.

"Goodmorning too.I came here to pick you." wika niya na may maliit ngunit totoong ngiti sa mukha.Bakit ang gwapo niya?!

Seryoso? Sinadya niya talagang pumunta rito upang sunduin ako?

"Uh? Bakit? May pupuntahan ba tayo?" kunot-noong tanong ko.

"Hmm..Wala naman.I just thought of picking you up." wika niya sabay kamot sa ulo gamit ang isang daliri.

"Ahh..kumain ka na ba? Gusto mo ng kape? Ititimpla kita." wika ko at tumungo sa hapag kainan.

"No,thanks..I'm done.Hihintayin nalang kita." he said while looking straight into my eyes.

Ayon nga sa sinabi niya,hinintay niya lang ako.Alam kong napapatitig siya sa akin habang kumakain dahil alam ko iyon at nararamdaman ko.Nakakailang pero hindi naman ako pwedeng magpa-distruct sa kanya at baka hindi ko pa maubos itong pagkain ko.

Nang matapos ako ay agad akong nagsipilyo naglinis ng mukha.At saka pumunta sa kinaroroonan niya.

"Tayo na?" Wika ko nang nasa harapan na ako niya.

"Tara.." tugon niya at sabay na kaming lumabas ng bahay.

Pagdating namin sa school ay maraming mga mata agad ang sumalubong sa amin.Yung iba may tingin na pagtataka,yung iba naman parang galit at parang gusto akong patayin sa pamamagitan ng mga matatalim na tingin nila.Ano bang problema nila?

"If you guys don't mind,will you please stop staring at us?" Wika niya at itinuro pa ang aming sarili.

"Sorry Mr. Pres." Wika nang isang babae na mataas ang buhok,medyo maputi at maganda rin.

"It's irritating." Simpleng wika niya at biglang hinablot ang kamay ko kaya ang ending kinaladkad niya ako.

Huhu..hindi naman ako kaladkarin ah? Baket?!bakeeeeett?! Echoss lang!

Pareho kaming nagpaalam sa isa't-isa dahil magkaiba kami ng destinasyon sa araw na ito.Siya ay sa office niya ako naman kahit saan.Kasi nga Freedom Week diba? Kaya okay lang kahit saan ako pumunta.

"Sheinnyy!!" Guess who? Syempre si Xhian.Lumingon ako at nagulat ako dahil may kasama siyang...l-lalaki?! Huwat da? Kinunutan ko lang siya ng noo at nakuha naman niya ang ibig kong sabihin.

"Ah ehh..hehe si Zyron nga pala." Wika niya at parang kinikilig ang bruha.Infairness,pogi tsaka kasing tangkad siya ni Grey.

"Hi.I'm Zyron.New friend of her? Haha.." natawa ako sa paraan ng pagpapakilala niya kasi parang hindi siya sigurado sa sinabi niyang New friend of her? Hahaha.. At ang bruhang si Xhian nasa gilid niya kinikilig.Pft!

"Uh hello..I'm Shein.Xhian's cousin." Wika ko sabay ngiti.At tumango naman iyong si Zyron.Cute.

Pero mas cute at gwapo si Grey..Aww! Hihihi

Nagpaalam na ang dalawa dahil may pupuntahan daw sila.Wow ha? Close agad.

Hayyss..San kaya ako pupunta nito? Sa library? Pwede na rin.Hmm? Magbabasa nalang ako! Ayun!

I was on my way to library nang maisipan kong pumunta muna sa locker ko at iwan muna itong bag ko at tanging cellphone ko lamang ang aking dadalhin.

Ilalagay ko na sana ang susi nang may mapansin akong Mini Note na nakadikit sa pinto ng locker ko.Kumunot naman agad ang noo ko.

Hmm? Kanino kaya galing to?

Binuksan ko ang note dahil naka tupi ito kanina at binasa...

Dear Shine,

Let's meet up later.Sorry I'm very busy today.I have lot's of paperworks to do because the school need it already.I'll just beep you.See you!

~G.Silviero

Yan ang nakalagay sa mini note.Napangiti naman ako kasi sa sobrang busy niya nakuha niya pang maglagay ng mini note dito sa locker ko.

Wala pa kaming label pero...dun na nga ata papunta yun.Ibinalik ko sa pagkaka-tupi ang mini note saka idinikit ko ulit ito sa loob ng locker ko.Wala akong alam kung gaano siya ka busy ngayon.Kaya pumunta na lamang ako sa library.

Pagkarating ko sa library agad akong tumungo sa librarian's desk para kumuha ng number slip at nagattendance saka ako tumungo sa mga lalagyan ng libro.

"Hopeless Romantic..." basa ko sa isa sa mga libro na naroon.

"Marcelo Santos III.."

Patuloy pa rin ako sa paghahanap ng mababasang libro nang may isang bagay ang umagaw ng atensyon ko.Mini Note.

Na naman?

Shn,

Try to read The Ten Year Gap by OwwSic
I'm sure you'll cry.

~G.Silviero

Haaaaahhhhh!!!!!! How can he do this? Ang hirap kayang tantyahin ang ginagawa ng isang tao.Kinikilabutan tuloy ako.

(🎶BlackPink in your area~🎶) /ringtone po yan/

Nagulat ako dahil biglang tumunog ang cellphone ko.Kinuha ko ito sa bulsa at nakita kong may text ito...galing kay Grey.

From: Grey💕

Where are you? I'm at the hallway near the library..

Received: 10:58 am

Wow ha? Coincid---- baka alam niya na nasa library ako tapos nagkukunwari lang na walang alam.

"BOO!"

"AHHH---!!!" sigaw ko dahil sa gulat nang biglang may tumusok sa gilid ko pero agad rin naman iyong natakpan nang isang kamay ni...Grey?! Magkaharap na kami at tinanggal na niya ang kamay niya sa baba ko pero nakanganga pa rin ako.Ayshit! Kahiya! Agad ko namang itinikom ito.

"Haha..sorry for scaring you." Mahinang wika niya at natawa pa.Kung alam niyo lang ang lakas ng heartbeat ko!

"A-ahh..Okay lang." Tugon ko at nakita ko siyang ngumiti.

Uhh. Okay? Yun na yun?

FALLING TEARS (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon