CHAPTER 6 - HIM 👨

23 2 0
                                    

Para akong timang na nakangiting mag-isa sa kusina habang nagsasalin ng pagkain ko sa platong hawak ko.Ewan ko ba! Kani-kanina ko lang siyang nakitang nag-wink.Hotness Overload tuloy.Ganyan ba talaga ang mga lalaki?

'Tungek! Hindi lahat!  Tss!'

'Ehh?! Malay ko ba naman kasi..'

Ayan na naman ang boses na nagsasalita sa isip ko.Nababaliw na ata ako eh.Tsk! Talking to my own self is like I'm in a mental hospital and talking to a lifeless wall.Am I that weird?

"HOY BABAENG MALAKAS KUMAIN BUT NEVER THE TUMABA!!" biglaang sigaw ni Xhian sa likuran ko na siyang dahilan ng matinding pagkagulat ko.Tsk! Pinsan ko ba talaga siya?! Baliw eh!!

"Argghhhh!!!! Xhian! Ginugulat mo na naman ako eh! Gilitan kaya kita?!" Inis na wika ko.Buti nalang at hindi natapon ang pagkaing hawak-hawak ko.

"Ay! Ay! Wag ganern.Magkadugo tayo tapos papatayin mo ko? Aba! never!" Wika niya sabay flip ng buhok niya.Taray din eh.

"Naniwala ka naman.." tugon ko sabay inilapag sa mesa ang pagkain ko at umupo.

"Xhian?"

"Oh bakit?" Wika niya na may laman ang baba.Di ko man lang namalayan na kumuha siya ng pagkain.Ninja moves.

"Napapansin mo ba si Grey?" Tanong ko habang nasa pagkain ang aking mga tingin at tila pinaglalaruan ang mga ito.Ngunit agad rin akong nagsubo.

"Anong klaseng tanong yan ha? Syempre oo! Napapansin ko.Hindi siya hangin te.Anueba.." wika niya sabay may mga hand gestures pa.

"Abno! Wag mo 'kong pilosopohin.Seryoso ako." wika ko at umirap.Naiisip ko lang.Parang may pagbabago ata kay Grey eh.Hindi ko lang talaga alam kung bakit.

"Hmp! Ano ba kasing ibig mong sabihin sa "napapansin mo ba si Grey?" Ha?!" wika niya sabay sulat ng quotation mark sa hangin bilang pandiin sa sinabi ko.

"Ahm..kasi yung treatment nya sakin? Parang...parang nag-iba.." hindi siguradong wika ko.

"Alam mo Shein? Isa lang yan eh." Ekspertong wika niya.Tss expert nga ba?

"Ano?" kunot noong tanong ko at sumubo ng pagkain

"Matulog na tayo dahil palalim na ang gabi." wika niya sabay tayo at niligpit ang pinagkainan saka nilagay sa sink.

Great! Akala ko kung ano ang sasabihin nya tapos yun lang pala? Ang seryoso pa! Loko talaga.. Nubayan!

**

Dumaan ang 9 pm,10 pm,11 pm,12 am,1 am,hanggang 2 am...Hindi parin ako makatulog!! Ano? Late na naman ako nito bukas.Sabagay wala namang klase kasi Freedom Week nga dahil sa paparating na Acquaintance Party.Hayss..Mamayang 9 am nalang ako papasok.Matutulog nalang muna ako.Pero ang tanong,paano ako makakatulog?! Paano?! :'(

'Insomnia lubayan mo na 'ko! Gusto ko nang matulog! Huhu. :'( Pagod ako kaya PATULOGIN MO KOOOOO!!'

*vibrate.vibrate.vibrate*

Napansin kong nagba-vibrate ang cellphone ko na nasa ibabaw ng study table ko.Kaya agad akong bumangon upang tingnan kung tawag ba ito o text.Pagtingin ko sa window notifications,isang text na galing sa unknown number.

From: +639*********
Received: 2:15 am
Location: Philippines, ******* City,Fordry II Village

You can't sleep because you keep on thinking about him.~

FALLING TEARS (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon