Why?

44 5 0
                                    

Kamil's POV

"Ma, Pa, may aaminin po kami ni kamil sayo" yumuko ako pero hinawakan ni jimin ang kamay ko, ano nalang kayang magiging reaksyon ng magulang ni jimin kapag nalaman na nilang nag sinungaling kami.

"Sige lang anak" saad ng papa ni jimin, narinig kong huminga ng malalim si jimin bago kami tumingin sa isa't isa.

"Pa, Ma, Sorry po" kumunot ang nuo ng mama at papa ni jimin, nahihiya talaga ko. Nakakahiya

"Pasensya na po, hindi po talaga ako buntis" napayuko ako at itinutok ko ang paningin ko sa aking mga paa, di ko sila kayang harapin. Nahihiya ko sa sarili ko

"What!?" Napatayo at napasigaw ang mama ni jimin, pinakalma naman sya ng kanyang asawa kaya umayos muli sya sa pag kakaupo.

"Kase po ma, Na-nakunan po si kamil" napatingin ako kay jimin habang nakakunot ang nuo, nakunan? Akala ko ba sasabihin na namin ang totoo, napag usapan na namin to eh. Napakasinungaling talaga ng mokong na to

"Kelan pa? Bakit ngayon nyo lang sinabi samin?" Halos naiiyak ang mama ni jimin sa tono ng pananalita nya, naawa ko sa mama nya. Ineexpect pa naman nya, tapos.

"Nung nakaraan po" siniko ko si jimin. Sobra na sya, grabi na sya pag sinungaling. At sa mga magulang nya pa talaga huh. Lakas ng loob

"Nung nakaraan? Bakit hindi nyo sinabi samin agad?" Sumingit na sa usapan ang papa ni jimin habang pinapaypayan nya ang kanyang asawa

"Ma sorry po, natatakot po kase kaming sabihin sa inyo, dahil, dahil alam po namin na malulungkot kayo." Naiinis ako kay jimin. Lalo pa nya pinapalala ang pangyayare. "Pero ma, pa, wag po kayo mag alala, pwede pa naman po kaming guma---"

"Jimin!" Pinag diinan ko ang pangalan nya at nilakhan sya ng mata, alam ko na kung anong sasabihin nya kaya di ko papayagan na banggitin nya pa yun.

"Bakit? Pwede naman eh, diba?" Lalo ko pang pinalaki ang mata ko pero hindi pa sya nag papatinag. Nakakahiya na. Ang kapal talaga ng mukha ng mokong na to

"Mamaya nyo na nga muna pag usapan ang bago nyong plano, pwede ba?" Napaayos kami ni jimin sa sinabi ng papa nya.

"Ah. Sorry po talaga" kinurot ko si jimin pero hinayaan nya lang yun. Kala ko pa naman masasaktan sya. Di pala

"Di nyo kase kelangan itago ang bagay na yun, tatanggapin naman namin, wala naman kaming magagawa kung kinuha agad ng maaga ang apo namin, naiintindihan ko naman kayo bilang magulang. At syempre bilang lola at lolo ng mga anak nyo" kung sinabi na namin ang totoo, siguro maiintindihan rin kami ng magulang nya. Alam ko naman na malawak ang pang unawa ng magulang nya eh. Di tulad ni tiny bubbles na sarado ang utak at walang kulubot.

"Maraming salamat po, pasensya na po talaga" sumakay nalang ako sa kalokohan ni jimin. Wala naman akong magagawa eh.

"May ipag papaalam po sana ko" bigla kong singit sa kanila, mas mabuti naring malaman nila to.

"Pwede po bang, hindi na po ako maging yaya ni jimin, since satingin ko po kase, kaya nya na po mag isa, diba?" Siniko ko si jimin at na pa oo naman sya, good good

"Ah, okay lang samin yun iha, Ayaw na rin naman namin na maging yaya ka nitong si jimin, lalo na't may relasyon kayo. Pangit naman sa paningin kung mag amo kayo tas mag karelasyon diba?" I nod, tama sila tama, pero wala kaming relasyon ni jimin.

"Salamat po" ngumiti ako at sinuklian naman nila yun ng ngiti.

"Pano, uuwi na kami, para makapag usap kayong dalwa" tumayo sila sa pag kakaupo at hinatid namin sila hanggang makalabas ng bahay.

"Jimin naman!" Sinamaan ko sya ng tingin kaya napakunot ang nuo nya at ngumiti

"Napag usapan na natin to ah. Kala ko ba sasabihin na natin yung totoo, gaga ka talaga! Nag sinungaling ka nanaman sa kanila, alam mo jimin napaka mo talaga. Ansarap mo ipatapon sa Marawi at ialay dun,argh! Tapos ano, hanggang kelan mo palalabasin na mag jowa tayo huh. Tapos pano kung ipakasal nila tayo. Jimin naman" inis na inis ako sa kanya pero sya? Parang wala lang. Napapangiti pa sya. Baliw talaga to, siguro nung bata to. Nabagok siguro to kaya naalog utak, tapos dahil dun yung utak nya di na kulubot.

"Okay na yun, kesa naman sabihin natin yun. Lalo silang magagalit, paganahin mo nga yang kokote mo" ah, ang lakas ng loob na sabihin sakin yun huh. Papatayin ko na talaga to

"Atsaka, hanggang kailan? Um.. siguro hanggang mag sawa ako. Tsaka wag ka mag alala kung ipakasal nila tayo. Edi mag kasalan tayo, hay nako. Napaka basic pinoproblema mo" iniwan nya ko ng nakatayo at umalis sya sa harap ko, pumasok sya sa kwarto nya at isinara nya ang pinto.

"Hoy! Akala mo ba ganun lang kadali yun? Bobo mo talaga, porket di ka babae! Alam mo ba na mahirap ang buhay mag asawa, atsaka ayoko nga ikasal sayo, ayokong ikasal ako sa taong hindi ko naman gusto" hinintay kong mag respond sya pero wala, kahit konting ingay wala, ano yun? Tinulugan ako? Agad agad?

Naisipan kong iikot ang doorknob, bakasakaling bukas yun. Pag kaikot ko ay sya ngang bukas ang pinto nya. Nakita ko na nakaupo sya sa kama pero nakatalikod sa kinaroroonan ko.
Ano kayang problema ng isang to? Bakit ganto sya? Na wiwirdohan ako sa kanya jusko, baka sinapian na to di ko lang alam. Nako, dapat siguro mag patawag na ko ng pari? Okaya naman. Anong tawag dun sa ano. Ah oo, albolaryo ata yun. Oo. Haysst

_______________________

Jimin's POV

Naramdaman ko at narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko iyon pinansin.

Paulit ulit na nag echo sa utak ko yung sinabi nya, ayaw nya kong pakasalan kase. Kase hindi naman nya ko gusto?

Siguro nga nag expect ako, akala ko, akala ko lang pala.

"Jimin?" Tawag nya sa pangalan ko pero hindi ako humarap.

"Jimin, May sasabihin sana ko sayo"

"Sabihin mo na" naramdaman kong gumalaw ang kama pero hindi ko naramdaman na lumapit sya sakin

"Jimin, gusto ko sana na, na itigl na to" napatitig ako sa sinabi nya. Hindi ko parin sya hinarap, hindi ko rin sya inimik

"Jimin kase, mahirap mag kunware, Ayoko na laging ganto nalang ang nagyayare, atsaka, gusto ko na rin na wag na makitira sayo, nakakahiya na kase eh, pangit din na mag kasama tayong dalwa sa iisang bahay, lalo na't babae ako at lalake ka, atsaka di naman tayo mag kaano ano" humarap na ko sa kanya, hindi ko alam kung matutuwa ba ko o hinde eh, kase wala nang sagabal sa buhay ko, pero nakakalungkot dahil wala nanaman akong kasama

"Bakit? Di naman kita pinipilit na mag kunware ah, gusto ko nga na totohanin na pero ayaw mo, di rin naman kita pinapalayas, atsaka paki ba nila kung mag kasama tayo sa iisang bahay, bawal ba na mag kasama ang hindi pareho ng gender? Wala naman sa batas yun ah"

"Pero jimin, kelangan k--"

"Sige, bahala ka sa buhay mo. Sino ba naman ako para sabihin ang mga bagay na yan sayo? Wala naman akong magagawa diba? Sige na" inayos ko ang unan ko at kinuha ang kumot ko bago humiga, hindi parin sya umaalis sa pag kakaupo sa kama ko kaya tumalikod ako ng nakatagilid.

"Dun ka na, matutulog ako" walang bahid ng emosyon ang boses ko, hindi ko naman magawang magalit sa kanya. Gaya ng sinabi ko sino nga ba ko?

Naramdaman kong gumalaw ang kama at narinig kong sumara ang pinto, andaya naman nya. Bakit kung kelan okay na, kung kelan masaya na ko sa kanya tsaka sya lalayas. Nakakainis! Sobra syang nakakainis!

❤❤❤❤❤❤

A/N: For you chunktaylor😘as you wish, nag update ako hahaha! Thank you po sa pag babasa❤Salamat sa magandang comment mo haha! Nakakatats❤Saranghae~

Wings: I Caught YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon