Kamil's POV
"Mukhang maganda gising natin ah" napatingin ako kay Jhope ng batiin nya ko, nakasabay ko kase sya sa elevator kaya eto, Usap usap ganern
"Ah, di naman" pinipigilan kong ngumiti pero hindi ko magawa, di ko parin makalimutan yung nangyare nung isang gabi. Ang hirap mag move on sa ka sweetan namin ni jimin.
"Kwento naman dyan" sinanggi sanggi nya ko pero lumalayo ako, adik din talaga tong si jhope
"Ayoko ko, hahaha! Wala naman akong ikwekwento eh"
"Sus, Ilang araw ka na ngang pangiti ngiti dyan, na bobother tuloy ako, kase baka baliw ka na" hinampas ko sya kaya natawa sya, sa lahat ng pag hihinalaan baliw talaga?
"Ansama mo! Baliw talaga!?" He only chuckled kaya natawa rin ako
"Wala eh, Kinakabahan lang ako sa ngiti ngiti nayan, baka mamaya, pinag papalit mo na ko" I laugh kasabay ng pag bukas ng pinto ng elevator, pero laking ikinagulat ko ng pindutin nya ang button papuntang rooftop.
"Oy, Bat mo?"
"Shhh!" Ngumiti sya at ipinaglapat ang kanyang point finger sa kanyang labi at ilong, na wiwirdohan na ko sa kanya.
Bumukas ang pinto ng elevator at hinawakan nya ako sa braso, hinila nya ko papuntang rooftop at sumunod lang ako
"Oy, late na tayo" pag pupumigil ko sa kanya pero di sya nag patinag
"Chilax ka lang dyan" inikot ko ang paningin ko, wala namang kahit ano rito sa rooftop, bat nya ko dinala rito? Ano to? Ihahagis nya ko? Papatayin? Sasakalin ganon? Char!
"Bat ba tayo nandito huh?" Tumanaw ako at pinag masdan ang mga sasakyan na dumaraan, pati narin ang ulap at mga stakturang nakatayo.
"Wala lang, gusto ko lang mag relax" napatingin ako sa kanya ng tumabi sya sakin at tumanaw sa langit
"Hm, kamil" tumingin uli ako sa kanya at tumingin rin sya sakin, hinintay ko syang mag salita pero parang wala syang balak mag salita kaya napakunot ano nuo ko
"Ano sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya, para naman maisipan nya na ituloy yung sasabihin nya
"Um, kamil, Alam ko na, mag kaibigan tayo, pero kamil, iba na ata to eh. Sa tuwing nakikita at nakakasama kita, iba yung pakiramdam na nararamdaman ko, Akala ko hanggang kaibigan lang yung kaya kong ibigay sayo, pero higit pa pala dun yung mararamdaman ko. I wish you could see me as more than just a friend" hindi ko alam ang isasagot ko, ayokong ma offend nya sa sasabihin ko, ayokong layuan nya ko dahil nasaktan sya sa sinabi ko, pano ko ba sasabihin to in a nice way!?
"Um, Jhope, Alam mo, gusto kita, pero, bilang kaibigan lang, Masaya ko na kasama at kausap ka pero hanggang dun lang yun, Sorry kase hindi ko kayang ibigay sayo yung love na gusto mo, pero jhope, ayokong mawala ka sa buhay ko, kase naging parte ka narin neto eh, bestfriend kita diba? Sorry talaga" napayuko ako, ewan ko kung na offend ba sya, sana naman hinde
"Ah, okay lang, naiintindihan kita, nag kamali ako, akala ko kase pareho tayo ng nararamdaman eh, pero hindi pala, salamat ah, kase, mahalaga rin pala ko sayo, wag ka mag alala, nandito parin naman ako para samahan ka eh, andito parin ako bilang best friend mo" hinimas nya ang buhok ko, alam kong nasaktan sya pero wala eh, hindi natin pwedeng diktahan ang puso. Kasabay ng pag tingin nya sa kalangitan ay kasabay ng malungkot nyang ngiti, gusto kong bawiin ang mga sinabi ko pero imposible yun. Siguro mas mabuti narin yun dahil ayoko rin naman na mag sinungaling sa kanya, baka lalo lang syang masaktan
"Isa pa, alam ko rin naman kung sino ang tinitibok ng puso mo, at masaya ko para sayo, Kamil, Wag mo ko lalayuan ah, Kase nag confess ako sayo. Sana maging magkaibigan parin tayo kahit ganto yung sitwasyon" tumawa sya ng mapait, nasasaktan ako para sa kanya, at ayoko na maramdaman nya ang kalungkutan na yun.
BINABASA MO ANG
Wings: I Caught You
RomanceThe story of a man who always do a sin. A sin of being a liar. He want to be true but he cant, hindi nya kayang umalis sa pag kakatali bilang isang sinungaling na tao. Pero nag bago ang lahat ng iyon, when he caught in a lie.