Kamil's POV
"Hooy! Dalian mo naman" sigaw sakin ni jimin na kanina pang nag aantay sa labas ng bahay, habang nag aayos ako para sa pupuntahan namin ay tinignan ko uli ang invitation.
"Jiarei Lee" banggit ko sa pangalan nya ng basahin ko iyon, anim na bwan na ang makalipas nung nagkabati ang mag kakaibigan. Magaling na ang bangas ni jimin, matagal na eh, nagtaka nga ko kase parang tumagilid yung ilong nya. Charotz
"Hoy! Ano na. Hindi ka special guest kaya di mo kailangan mag pa late" sigaw nya kaya isinilid ko na ang invitation sa maliit kong bag.
"Eto na" pag bukas ko ng pinto ay nakabusangot ang mukha nya at naka crossarm ito, nakakatawa lang dahil ang cute nyang tignan.
"Ang cute mo sa coat" pagkasabi ko nun ay nag bago ang expression ng mukha nya, ngumiti ito kaya halos matunaw nanaman ang puso ko. Dudukutin ko na talaga mata nito.
"Mukha kang batang mag dadala ng bible" I chuckled at sumimangot sya. Hinantay nya lang ako matapos sa pag tawa at hinila nya ang braso ko at inilagay nya ang kamay ko sa bulsa nya.
"Baliw ka nanaman, Ang ganda mo sa red gown" napangiti ako sa sinabi nya, at inakbayan nya ko.
"Matagal na kong maganda, di mo lang napapansin" saad ko naikinangiti nya, hinugot ko na ang kamay ko na nakalagay sa bulsa at pumasok na kami sa sasakyan.
"Seatbelt" saad nya kaya kinapa ko ang seatbelt, pero nagulat ako ng lumapit sya sakin at kinabit nya ang seatbelt, inilayo ko ang mukha ko dahil ang lapit na ng mukha namin sa iisa, ganda ko pa naman ngayon, delikado na kung magkapalit kami ng mukha
"Tara na, baka mahuli tayo" lumayo sya sakin at humarap sa manibela at nag simula na mag maneho.
"Argh! Itago mo nga yang mukha mo sakin" nabigla ko ng sabihin nya yun. Nakasinghot ba to? Baliw na
"Huh?" Yun lang ang tanging nasabi ko, inayos ko ang salamin na nasa harap ko at ibinaba iyon. Tumingin ako sa bintana at pinagmasdan ang mga dinadaanan namin
"Agh! Fuck! I wanna kiss you" napatingin ako sa kanya na nag tataka. May sanib na sya, jusq, scary bes
Nanahimik nalang ako hanggat sa makarating kami sa pupuntahan namin.
Ang ganda, ang ganda! Lol, hahahaha
"Ayan naa silaaaa!" Sigaw ni Taehyung at nag silapitan sila samin ni jimin
"Wah, ang ganda mo" natawa ko sa sinabi ni jin at sa itsura ni jimin na naka Poker Face, nag bow ito kay jimin kaya lumapit si jimin sakin at inakbayan ako
"Maganda sya, wag nyo na sabihin, okay?" Saad ni jimin kaya hinampas sya ng limang kolokoy.
"Mabuti't hindi pa nag sisimula, eto kaseng si kamil eh, napakatagal kumilos" ngumiwi ako sa sinabi ni jimin at ngumiti ng peke
"Woi! Nakita nyo na ba yung Je-Je. Ano ba yun? Ah oo, jiarei" saad ni jungkook at nag lipbite, ampogi ng taong to kaines
"Hindi pa eh" saad ni jimin at tumango naman sila.
"Pre! Ang ganda! Amputi! Ang kinis! Mukha syang manika. Shit, nakita ko sya sa dressing room kanina" binatukan sya ni rapmon ng sabihin yun ni jungkook
"Tarantado ka no, Pinagnanasahan mo yung future wife ni Jhope" natawa kami sa itsura nilang dalwa, hanggat sa pumasok na kami ng simbahan at umupo na.
Nilibot ko ang paningin ko at namangha ako sa itsura ng simbahan, napakaganda, tingnan ko ang bawat isa at lahat sila ay excited sa mangyayare mamaya, nakaayos na ang mga abay at mga rarampa, yah. Rampa talaga. Pft.
Tumugtog na ang kanta at nag umpisa na silang lumakad, ang cucute ng mga bata, agh! Gigil ako
"Woi, tayo kaya? Kelan tayo ikakasal?" Saad ni jimin sakin, katabi ko ang apat at nag kukulitan sila, sila lang ang maingay actually. Si rapmon kase ang bestman ni Jhope eh. Ang elegante ng itsura nya. Wafu.
"Meron bang tayo?" Saad ko sa kanya na ikinasimangot nya, ngumiti ako at kinurot sya sa hita kaya napadaing sya.
"Joke lang, makakarating din tayo dyan" hinawakan ko ang kamay nya at nag holding hands kami. Malapit na rin pala kami mag isang taon na dalawa, at eto, away bati parin. Pero at the end, Sa pag ibig parin ang bagsak namin.
"Excited na ko" pagkatapos nyang sabihin yun ay tumingin na kami sa likod, tinignan ko ang itsura ng babae, napakaganda nga nya, lalo nat ngayong naka white gown sya. Tumingin ako kay jhope na nakangiti, bakas sa mukha nya ang kasiyahan na nararamdaman nya
Dahan dahan itong lumakad hanggang makarating sya kay jhope at makarating sila sa altar at humarap. Masaya ko para sa kaibigan ko, masaya ko na nahanap nya na ang babaeng mag papasaya sa kanya.
Nag palitan sila ng vows at nag suot ng ring, syempre ang kasunod nun ay kiss kaya napatingin ako sa ibang bagay, hindi ko kayang makakita nyan. Huhuhu, mah virgin eye, charot.
"Gusto ko rin nyan" saad ni jimin at kinalabit ako ng kinalabit.
"Gusto mo? Sige, punta ka dun sa harap tas halikan mo yung babae"
"Ayoko, gusto ko ikaw" aist, ang malanding to, sarap itapon sa sapa at ipalamon sa crocs
"Lande" saad ko at tumingin uli kami kayla jhope, ang saya nya, nakakatuwa lang, kaso nakakalungkot dahil hindi ko na sya makakasama gumala, hindi ko na rin sya boss dahil pinalayas na ko ni jimin dun. Galit sya na nag tratrabaho ko dun. Ewan ko ba sa lokong to at kung ano ano iniisip.
Napangiti ako nang isa na silang Mr, And Mrs, Jung. Ansaya nila. Huhu. Nakakainggit. Char!
____________________
"Kamil" napaharap ako ng may tumawag sa pangalan ko, hinarap ko naman iyon ng masaya at nakangiti
"Oy, haha, Congrats" nakipag kamay ako kay jhope ganon din sa kanyang asawa.
"Um. Si Jiarei Lee, Jung" ngumiti ako sa kanya, ang ganda nga nya, sobra.
"Hi, Kamil-Kamil Hwang, Nice to meet you" ngumiti sya at yumuko, ang amo ng mukha nya.
"Hm. As I told you, makikilala mo sya ngayon" saad ni jhope at sinamaan ko sya ng tingin.
"Malamang, alangan di pa namin sya makilala ngayong kasal nyo. Sakalin kita eh" Tumawa si Jiarei at ganon din si jhope, nakakapag tampo parin sya. Hmp.
"Pano, Salamat sa pag punta ah" saad ni jhope at ngumiti, nakakailang na huhu.
"Sige, salamat" saad ko pabalik at umalis na sila, maya maya ay dumating si Jimin at niyaya na ko umuwi. Nakakatamad ngayong araw, pero masaya talaga ko para kay jhope, promise..
❤❤❤❤❤
A/N: Kroo, kroo, kroo
Helowngasayo! Hahahaa! So ayan, malapit na matapos ang kwento ni Tiny Bubbles at ni Ate gurl, I just wanna say thank u sa pag babasa ng I caught you, thank u pooo! Mwa mwa, chupchup
BINABASA MO ANG
Wings: I Caught You
RomanceThe story of a man who always do a sin. A sin of being a liar. He want to be true but he cant, hindi nya kayang umalis sa pag kakatali bilang isang sinungaling na tao. Pero nag bago ang lahat ng iyon, when he caught in a lie.