Come Back

44 4 1
                                    

Jhope's POV

Masaya ko na kasama ko ang babaeng iniingatan ko, atleast ngayon di na ko mag aalala kung nasan sya, masaya rin ako dahil ramdam ko na masaya sya sa trabaho nya ngayon, alam na kaya ni jimin na sa companyang to sya nag tratrabaho? Wala naman akong dapat ipangamba dahil business partner naman ng ama ko ang tatay nya, kaya nga kami naging mag kaibigan eh.

"Sir. May ipapagawa po ba kayo?" Nalingat ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon, gusto ko man sya ngitian pero hindi pwede dahil baka mag ka issue saming dalwa

"Ah, wala naman" she only nod then umalis na sya sa harapan ko, medyo naiinis tuloy ako dahil mag katrabaho kami, di nya ko mangitian, di ko rin sya mangitian, kahit kape di ko sya mabigyan dahil pag may nakakita sabihin unfair ako sa kanila.

Kinuha ko ang phone ko at hinanap ang pangalan nya sa phonebook, naisipan kong i text nalang sya para naman masabi ko ang dapat kong sabihin

"Kamil, Labas tayo mamaya, namimiss ko na gumala" I text her then tumunog yung phone nya kaya naagaw nun ang atensyon nya. Sinusulyapan ko lang sya habang binabasa nya ang text ko, at nakita kong nag titipa rin sya

Tumunog ang phone ko kaya napatingin sakin ang mga empleyado ko, binuksan ko ang message at binasa ko ang message nya sakin "Sorry, may gagawin pa ko mamaya eh, may kaylangan pa kong tapusin, next time nalang, baka kase gabing gabi narin ako makauwi eh" She replied

Nahuli kong napatingin sya sakin pero mabilis nyang iniba ang ang posisyon ng ulo nya at saibang bagay nya itinuon ang paningin nya, naisipang kong mag reply sa kanya kaya nag tipa uli ako.

"Bukas mo nalang tapusin yan, akong bahala, boss mo ko eh, walang magagalit sayo okay? Hahatid narin kita, kaya you don't need to worry" tumunog uli ang phone nya kaya napakagat sya sa labi, ang cute nyang tignan, nakakagigil

"Hay nako, sinasamantala mo talaga pagiging boss mo no? Sige, san ba tayo mag kikita?" Nag vibrate ang phone ko, pinatay ko na kase ang ringtone kase baka makahalata na ang mga itchusera kong ipleyado.

"Sa parking area" I replied at tumingin kami sa isat isa at itinaas baba nya ang kanya ulo.

__________________________

Jimin's POV

Nasa trabaho pa kaya ang babaeng yun? Puntahan ko na nga lang sa bahay nila mamaya para hindi ko na hagilapin kung nasan sya, wala naman kase kaming contact sa isat isa eh.

"Jimin!" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko, mabilis naman syang lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Bitawan mo ko" malamig na saad ko sa kanya pero hindi nya sinunod ang sinabi ko

"Jimin, namiss kita" pagkatapos nyang sabihin yun ay dinampian nya ko ng halik sa labi

"Jennie, diba sinabi ko na wag mo na kong guluhin. Jennie, hindi kita gusto kaya wag mo ng idikdik sa utak mo na mahal parin kita, kase hindi na." Ngumiti lang sya sakin, baliw na ang isang to

"Jimin naman, alam kong nag sisinungaling ka para lang ma protektahan ako per----"

"Shut up! Hindi ko to ginagawa dahil may pake ko sayo, sadyang ayoko na talaga sayo kaya pwede ba, tumigil ka na" sinanggi ko sya at umalis na ko sa harap nya, bakit ba di nya kayang tanggapin ang simpleng salita na yun? Ayoko na na ginugulo nya ang buhay ko, kase pano kung makita to ni kamil? Ano nalang ang sasabihin nya. Edi lalo nya kong aayawan.

Pumunta ko sa chocolate shop at bumili ng hugis pusong mga chocolate na nakalagay sa kahon, pagkatapos nun ay pumunta naman ako sa flower shop at bumili ng red roses. First time kong gagawin sa babae to kaya answerte nya, di ko ugali mag effort para sa babae pero sya, gagawin ko kahit anong effort maappreciate nya lang ako.

Wings: I Caught YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon