I want You

46 3 0
                                    

Kamil's POV

Dapat pala di na ko tumingin, dapat pala ipinikit ko nalang ang mga mata ko, okay na eh, okay na, pero eto nanaman, nakokonsensya ko dahil iniwan ko sya, lalo na't yun ang pinakamahalagang araw sa buhay nya.

Oo, nalulungkot din ako dahil wala na sya sa tabi ko, hindi ko ba alam pero parang big deal sakin na umalis ako sa tabi nya, makasarili ba ko nun? Gusto ko lang din maman kase na matuto na rin sya sa buhay nya. Isa pa, natatakot ako na baka kung saan pa mapunta ang lahat ng bagay na meron kami.

Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga bago bumaba.

Pag kababa na pag kababa ko ay may bagay na naagaw ng atensyon ko. Tinitigan ko iyon mabuti bago binasa

"He was never mine, but losing him broke my heart"

Ay pak. Bakit may gantong quotes dito sa posteng to? Ano ba huh. Nakakano kaya. Charot

Nabigla ako ng may pumasok bigla na mga salita sa isip ko. As in, bigla nalang silang nag pop out.

Tumigil ka na rin kase, dami mo arte tapos gaganyan ganyan ka. Mas mabuti na rin na lumayo ka sa kanya kase hindi naman kayo mag kalevel, isa pa, hindi naman sya sayo at hindi naman ikaw sa kanya. Kase nga wala namang sainyo. Para lang kayong nag lalaro ng bahay bahayan sa mga pinag gagagawa nyo, nihindi mo nga alam kung may feelings sya sayo eh. O kaya naman isa ka lang nyang material girl, di ka pa nasanay sa taong yun, eh alam mo naman ugali nun. Sya ata ang leader ng mga babaero dito sa mundo eh. Kaya ikaw teh, wala kang future sa kanya someday. Kaya shut up ka nalang

"Tama" I nods, tumalikod ako sa quotes na nabasa ko bago muli nag lakad. Napatitig nanaman ako ng hindi ko inaasahan kaya may nag pop out nanaman sa utak ko

Hay nako, aminin mo na kase, mahalaga sya sayo, tignan mo, marami rin nag bago sa buhay mo nung lumayas ka sa kanila, naging malungkutin ka rin, atsaka, sigurado kaba na pinag lalaruan ka lang nya. Na isa ka lang nyang material girl? Tsk, wag mo kase husgahan ang tao. Malay mo mahalaga ka rin pala sa kanya gaya ng pag papahalaga mo sa kanya diba? Atsaka, hindi nga sya sayo pero aminin mo na labag sa loob mo ang iwanan sya. Tama ba ko o tama ako?

"May point ka" bumuntong hininga ako pag kasabi ko nun "wah, wait, teka nga. Baliw na ba ko?" Tinuro ko ang sarili ko at kumunot ang nuo ko.

"Siguro, at ganon na rin yata ako" lalong kumunot ang nuo ko ng may narinig nanaman akong boses, pero this time parang totoo sya eh, atsaka, di ko kaboses, ibang boses, panlalake? Wait, nag bibinata na ba ko?

Inikot ko ang paningin ko at humarap sa likod ko, nanlake ang mata ko sa gulat ng mukha nya ang tumambad sakin, kinusot kusot ko pa ang mata ko at kinurot ang sarili ko para mapatunayan na hindi ako hibang

"Oh, di mo man lang ba ko kakamustahin?" Sumandal sya sa pader na hingal na hingal, di ko alam ang gagawin ko. Nahihiya ako, shit!

Tumalikod ako at humaram uli sakanya, sabay tumalikod uli at humarap uli sa kanya, nalilito ko sa gagawin ko. Para na kong siraulo dito nakakainis.

"Sabog ka ba?" Sinamaan ko sya ng tingin pero nginitian nya lang ako, argh! Wag ka ngumiti walang hiya ka, dukutin ko yang mata mong singkit eh!

"Dun ka nga pampam ka!" Sinipa ko sya pero lumihis iyon at di sya natamaan kaya tumilapon ang sandals ko sa harap nya mismo. Planado ba to earth huh? Planado ba!?

Napahawak ako sa bibig ko at tinakpan ko ang dalwang mata ko. Pero napaisip ako na takpan nalang ang buong mukha ko at tumalikod

"Ano ba yang pinag gagagawa mo!?" Nakaramdam ako ng hiya ng may pag kainis na tono na ang lumabas sa bibig nya.

Wings: I Caught YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon