CHAPTER 10

469 14 0
                                    

BEBENG...

"hello Bebeng kamusta kana? flowers for you"

wika ng matandang tsonggo sabay inabot nito sakin ang isang bouquet ng pulang rosas. nasa sala kami ngayon kasama si tiyang belya at kaya nandito uli sa bahay namin si mr. marzan e dahil sa plano nila ng tiyahin ko.

"maraming salamat po mr. marzan. hindi na sana kayo nag abala pa"

pilit ang ngiting wika ko at kay laki naman ng ngiting humithit muna sa kaniyang tobacco ang matanda bago siya sumagot.

"oh bebeng walang anuman. diba nga sabi ko lahat ibibigay ko sayo kahit ano mahalin mo lang ako. saka ano kaba ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag mo na akong tawaging mr. marzan. benito nalang please at ako naman bebeng ang itatawag ko sayo. dapat ngayon palang masanay na tayong dalawa na tawagin ang isa't-isa sa pangalan lang. nang sa ganun kapag mag-asawa na tayong dalawa hindi na tayo magka-ka-ilangan pa diba?"

parang ibig kong sapakin ang matanda sa kaniyang sinabi. mukhang siguradong-sigurado na talaga siya na makukuha niya ako at magiging asawa niya. ang kapal talaga ng mukha. kung hindi lang talaga kay tiyang belya e naku! kanina ko pa siguro natsumbag ang matandang manyak na ito.

anyway, ngumiti nalang ako sa sinabi ng matanda at hindi nalang ako umimik sa sinabi nito. hanggang sa maya maya nagpaalam ako na mag-si-cr lang muna ako.

"bebeng bilisan mo ha. huwag mong paghihintayin si benito nakakahiya"

paalala pa sakin ng tiyahin ko bago ako umalis at pilit ang ngiting tumango nalang ako bago ko sila iniwan sa sala ng kaibigan niyang tsonngo na nga. makapal pa talaga ang mukha.

sa totoo lang hindi naman talaga ako magba-banyo. dahilan ko lang yun ng sa ganun mapahinga naman ng kahit saglit ang mga mata ko sa nakakairitang nakikita ko.

nakakainis! nakakairita ang fez nung matandang yun. hindi ba talaga nila maisip ni tiyang belya na kay laki ng agwat naming dalawa at para na niya akong anak para gawing asawa niya?

marahas nalang akong napa-buntong hininga sa nakaasar na sitwasyon ko hanggang sa makarating ako ng kusina imbes sa banyo. nandun ang mga pinsan kong sina kulas at arianne na kasalukuyang naghihimay ng mga gulay para sa pang-hapunan mamaya.

speaking of hapunan. inimbitahan lang naman ng magaling naming tiyahin ang matandang kaibigan niya na sa bahay namin kumain.

"oh bebeng bakit nandito ka? umalis naba yung manliligaw mong kamukha ni hitler ha?"

tanong sakin ni kulas at alanganin naman ang hitsura at balisa na humingi ako ng saklolo sa kanilang dalawa ni arianne.

"mga insan tulungan niyo naman ako. hindi ko na talaga ito keri. as in hindi ko na kayang makita ang matandang yun. alam niyo yun? nandidiri ako sa mga pinagsasabi niya, sa klase ng mga tingin niya sakin at saka alam niyo ba kapag ngumingiti siya sakin para ba akong hinuhubaran na niya mismo sa isipan niya. ang manyak manyak talaga. mga insan ayoko ang matandang yun. baka mabaliw ako kapag yun ang makakasama ko forever. tulungan niyo ako. naku tulungan niyo ako please"

nadedesperada ko ng pahayag sa mga pinsan ko dahil sa nakakairitang bisita ko.

ang bisita kong assuming na magiging asawa ako.

"insan alam mo naman na kahit ano pa ang gawin namin ding pakiusap kay tiyang belya e buo na talaga ang pasya niya. kaya kahit kami insan wala ding magagawa diyan sa problema mo puwera nalang kung--"

"puwera nalang kung ano?"

tanong ko sa pambibitin ni kulas at huminga naman siya ng malalim bago niya itinuloy ang gustong sabihin.

Ang True Love Ni BebengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon