CHAPTER 24

453 18 2
                                    

BEBENG...

Kasalukuyan at habang sakay ako ng jeep papunta ng trabaho

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kasalukuyan at habang sakay ako ng jeep papunta ng trabaho. wala pa din akong ibang nasa isip kundi ang nangyari samin ni Red kanina. hanggang ngayon iniisip ko pa din ang wedding proposal niya na tinanggihan ko at nagi-guilty talaga ako sa ginawa ko.

nakakainis! hindi ko alam kung bakit ba kailangan kong ma-guilty sa ginawa ko e kung tutuusin tama naman yung ginawa ko diba? tama naman yung rason ko na ang pagpapakasal e para lang sa tunay na nagmamahalan at hindi ko talaga kayang manloko ng kapuwa ko kaya ko tinanggihan ang proposal ni Red.

alam kong may mga naitulong siya sakin at siyempre willing din naman akong tulungan siya pero yun nga lang hindi sa paraang gusto niya.

sa isang banda nanghihinayang din ako kay Red kasi yun nga, guwapo siya, matalino, masipag, mukha namang responsable at mabait. nasa kaniya na ang lahat ng katangian ng lalaking hinahanap ko pero hindi ko talaga kayang magpakasal sa kaniya dahil lang sa babayaran niya ako at dahil din sa lola niya.

hindi ko din tinanggap yung alok ni Red kasi parang nagi-guilty ako sa gagawin namin sa lola niya. alam mo yun. Dying na nga lolokohin pa namin.

"hay naku ano ba naman ito! nababaliw na ako sa kakaisip! hindi kaya galit na sakin si Red ngayon dahil sa ginawa ko?"

wala sa sariling naibulalas ko habang sakay pa din ako ng jeep at agad ko namang natutop ang bibig ko nang marealize ko ang ginawa ko.

enebeyen baka iniisip na ngayon ng mga kasakay ko sa jeep e baliw ako dahil nagsasalita ako ng mag isa.

sa sobrang hiya ko sa ginawa ko. agad akong pumara sa mamang jeepney driver at sinabing bababa na ako. di bale ng maglakad ako papunta sa Restaurant ng kaibigan ni Red kaysa naman ang tiisin ko ang nakakailang na tingin ng mga tao sakin ngayon sa jeep dahil sa ginawa ko.

isa pa malapit naman na ang Restaurant na pupuntahan ko at mga limang minuto ko lang namang lalakarin yun mula sa pinagbabaan ko.

nang makababa na nga ako ng jeep at naglalakad ako papunta sa trabaho. panay pa din ang isip ko kay Red. kanina paglabas namin ng Resaurant hindi na ako nagpahatid sa kaniya kasi simula ng tanggihan ko ang alok niya. akward na akward na ako sa kaniya.

"naku naman bebeng. ang tagal mo ng pinapangarap na sana naman may lalaki ding mag-po-propose sayo ng kasal at ngayon ngang may nag-alok sayo ng kasal tinanggihan mo naman kasi pakakasalan ka lang nung guy dahil kailangan niya, hindi dahil sa mahal ka niya. haaay buhay ko nga naman"

wala na naman sa sariling naisambit ko habang naglalakad ako papuntang trabaho at agad ko uling natutop ang bibig ko nang marealize ko ang ginawa ko.

ay naku kailangan ko ng tigilan ang kakaisip tungkol sa nangyari samin ni Red at baka kasi isipin pa ng mga tao na nakakakita sakin na nabubuwang na ako dahil kinakausap ko ang sarili ko.

itinuon ko nalang ang isip ko sa aking paglalakad at makalipas ang ilang mga minuto nakarating din ako sa Restaurant ng kaibigan ni Red.

RED...

Ang True Love Ni BebengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon