CHAPTER 55

346 18 1
                                    

RED...

"So panu, goodnight na ha. maiwan na kita. kung sakali mang may kailangan ka, nasa kabilang kuwarto lang ako"

sabi sakin ni bebeng ng makarating kaming dalawa sa tapat ng pintuan ng kuwarto nitong gamit ko ngayon.

akmang aalis na sana ito para pumasok na nga sa kabilang kuwarto. pinigilan ko naman si bebeng sa kaniyang braso.

"oh bakit? may nakalimutan kabang sabihin? may kailangan ka?"

tanong ni bebeng ng pigilan ko siya at mataman ko muna siyang tinignan saglit bago ko sinabi dito ang nais kong itanong o sasabihin...

"uhmmm--- hindi mo pa kasi ako nasasagot doon sa tanong ko sayo kanina. yung tanong ko sayo tungkol doon sa lalaking sinasabi mo sakin na mahal mo. sino ba ang lalaking yun bebeng? puwede ko bang malaman kung sino siya?"

muli ay tanong ko kay bebeng habang mataman akong nakatingin sa kaniya. sana naman hindi na mawalan ng ilaw. at sana lang din kung sino man yung lalaking sinasabi ni bebeng na mahal niya e ako mismo yung isasagot niya.

yah right, you wish RILEY... bakit mo naman naiisip na ikaw ang lalaking yun na tinutukoy ni bebeng samantalang kailan lang naman ng magkakilala kayong dalawa at nagkasama. isa pa, kung ikaw nga yun. bakit naman aaminin yun sayo ni bebeng?

pero hindi e.. kanina handa namang umamin sakin si bebeng kung sino ba ang lalaking yun. kung hindi nga lang kasi nag-brown out kanina e di sana nalaman ko na kung sino ang masuwerteng lalaki na yun...

yah masuwerte talaga ang lalaking yun na sinasabi ni bebeng na mahal niya... how i wish ako nalang sana siya. ako yung lalaking mahal ni bebeng. anyway, huminga ng malalim si bebeng. akmang magsasalita na sana si bebeng para sagutin ang tanong ko. sumulpot naman uli ang pinsan nitong si ARIANNE.

"hello fafa Red, bakit gising kapa? ang ibig kong sabihin, hindi kapa ba inaantok? gusto mo ba ng may makakausap? willing ako, puwede tayong mag-usap at magkulitan hangga't gusto mo"

kay laki ng ngiting sabi ni arianne sakin ngunit sa halip ay si bebeng ang sumagot dito.

"ano bang pinagsasabi mo diyan insan? for your information nag-go-goodnight lang sakin si RED at matutulog na siya. saka isa pa, ang akala ko ba masakit ang ulo mo? dahilan mo lang yata talaga na masakit ang ulo mo e kasi ang totoo ayaw mong magbantay doon kay tiyang belya sa hospital----"

"grabe ka insan. ang sakit mo namang magsalita.. ang sakit ng bintang mo. masakit talaga ang ulo ko okay, bakit ba ayaw mong maniwala.. ouch ang sakit-sakit red.. tignan mo si bebeng wala na siyang ibang ginawa kundi saktan ang damdamin ko"

kunway pag-iinarte ni arriane habang hawak pa nito ang dibdib sabay lumapit ito sakin at hinaplos ako sa tiyan.

"alam mo ikaw na bakla ka masasaktan ka talaga sakin kung hindi mo pa titigilan yang pag-iianrte mo lalo na yang kalandian mo. halika nga dito, matulog na tayo"

saway ni bebeng sa pag-iinarte ng kaniyang pinsan at hinila niya sa braso si arianne palayo sakin.

"Red pasensiya kana sa kalandian nitong pinsan ko ha. kung minsan lang talaga hindi nito mapigilan ang kalandian niya sa tuwing makakakita siya ng lalaki. sige mauna na kami sayo ni insan. matutulog na kami. magpahinga kana din okay, goodnight"

paalam na sakin ni bebeng sa huli habang hila nito ang pinsan na si arianne papunta sa kabilang kuwarto.

"goodnight fafa red... goodniiigghhhttt... see you in my dreams, im so sorry baby but dont worry bukas babawi ako sayo"

pahabol pang sabi ni arianne sakin bago ito tuluyang itinulak ni bebeng papasok sa kabilang kuwarto.

"ouch! dahan-dahan naman ang tulak insan nasasaktan ang pagkababae ko sayo e!"

Ang True Love Ni BebengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon