CHAPTER 97

396 15 1
                                    

BEBENG...

"Maraming salamat Gabe sa paghatid mo ah. nakakahiya naman sayo at nag abala kapa na ihatid ako"

nahihiya kong saad kay Gabe pagbaba namin ng kotse na hiniram nito sa kamag anak niya. at inihatid nga ako nito sa bus terminal pauwi samin sa probinsiya.

"walang anuman yun Love, ayos lang sakin yun. basta magiingat kana lang sa biyahe mo saka kung sakali man na kailanganin mo ako o kailangan mo ng makakausap. tawagan mo lang ako ha"

sabi ni gabe at tumango naman ako dito.

"ikaw din, kung sakali mang kailanganin mo ako o kailangan mo ng makakausap at mahihingaan ng mga sama mo ng loob. tawagan mo lang din ako"

sabi ko din kay Gabe at alam kong mas malungkot ito ngayon dahil sa kakalibing lang na mama nito kaninang umaga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

sabi ko din kay Gabe at alam kong mas malungkot ito ngayon dahil sa kakalibing lang na mama nito kaninang umaga. kug maari lang sana, sasamahan ko na muna si Gabe sa kanila. dadamayan at aaluin ko na muna siya hanggang sa kahit papanu e maging okay siya. pero alam kong hindi ko puwedeng gawin yun dahil una, ano nalang ang sasabihin ng mga kamag anak ni gabe o ng mga kapitbahay nila kapag nakitang nagsasama kami ni gabe o kami lang ni gabe ang magkasama sa bahay nila. kahit siguro sabihin naming bestfriend o magkaibigan lang kami mukhang hindi paniniwalaan yun ng mga tao at iisipin pa din nilang, nag-li-live in na kami nito.. pangalawa, tapos na ang mga ilang araw kong palugit na hiningi ko kay tiyang belya para manatili ako dito sa manila. baka kapag nag stay ako dito ng mga ilan pang araw, baka makatikim uli ako ng unli-kutos at kurot sa singit sa tiyahin ko.

"huwag kang magalala tatawagan talaga kita. o kung hindi man dadalawin kita doon sa inyo sa probinsiya"

nangingiting sabi ni gabe at pinilit ko nalang din ang ngumiti dito kahit pa man parehong nagdurugo ang mga puso namin ngayon dahil sa mama nito at kay Red

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

nangingiting sabi ni gabe at pinilit ko nalang din ang ngumiti dito kahit pa man parehong nagdurugo ang mga puso namin ngayon dahil sa mama nito at kay Red.

"sige na aalis na ako. hayan na yung bus pauwi samin.. magiingat kana lang palagi GABE at salamat uli sa pagtulong mo at paghahatid mo sakin ha"

muli ay paalam ko kay gabe ng makita ko ang isang bus na sasakyan ko na papunta o ang pauwi samin.

"Okay sige, mag iingat ka din palagi love. basta yung sinabi ko huwag mong kakalimutan. kung kailangan mo ako tumawag ka lang sakin okay"

ulit ni gabe at nagyakapan kami nito.

Ang True Love Ni BebengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon