CHAPTER 16

492 18 0
                                    

BEBENG...

Marahas akong napa-buntong hininga habang naglalakad ako ngayon sa gilid ng kalsada. nalulungkot talaga ako dahil hanggang ngayon wala pa din akong nakikitang trabaho. magkano nalang ba ang perang natitira sakin at hanggang kailan nalang ang aabutin niyon?

napalabi ako sa naiisip ko. kumakalam na din ang sikmura ko ngayon dahil sa gutom ko at senyales yun na kailangan ko na uling kumain, oras na ng tanghalian at nasa tapat ako ngayon ng mcdonalds restaurant. namimis kong kumain ng burger at fries pero hindi maari ang gusto ko dahil kailangan kong magtipid. kapag naubos kasi ang pera ko at wala pa din akong trabaho tiyak na todas ako.

"hay naku bebeng, ano klaseng buhay ba naman meron ka ha? burger at fries lang dika pa makabili

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"hay naku bebeng, ano klaseng buhay ba naman meron ka ha? burger at fries lang dika pa makabili. pambihira oo tsk tsk"

iiling iling na wika ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa estatwa ni mr. mcdonalds.

napaisip ako kung ano ba ang gagawin ko? iniisip ko kung o-order ba ako ng kahit burger lang bilang tanghalian ko nang sa ganun pampalubag loob ko naman sa sarili ko dahil sa nangyayari sakin ngayon.

"hindi puwede bebeng. tigilan mo na ang masidhing damdamin mong yan at hindi ka puwedeng kumain ng burger mc chicken okay.. tiisin mo ang nais mo. alalahanin mo ang pera mo kukunti nalang siya"

wika ko sa sarili ko at pilit kong nilalabanan ang masidhing pagnanais ko na kumain ng burger.

"doon kana lang sa karinderya kumain bebeng. mura doon at masarap din naman ang ulam nila doon. may pinakbet, sinigang at saka dinuguan.. nandun ang mga paborito mo diba kaya sige na gumora kana at kalimutan mo na si mcdonalds.."

sabi ko sa sarili ko at nang akmang aalis na sana ako at iiwanan ko na si mr. mcdonalds, natagpuan ko na lamang ang sarili ko na pumapasok sa loob ng naturang fast food restaurant para um-order ng inaasam kong burger.

hanep di ko talaga nagawang labanan ang masidhing pagnanais kong makakain ng burger. anyway, burger lang ang in-order ko tutal may tubig naman na akong dala at yun nalang ang iinumin ko. mahal kasi kapag menu ang kukunin ko, hindi kaya ng budget ko.

maya maya habang kumakain na ako ng burger na inaasam ko. hindi ko napigilan ang umiyak dahil makalipas ang napakatagal na panahon nakatikim uli ako ng burger. ang saklap lang talaga ng buhay ko noh. burger lang sa mcdonalds hirap pa akong i-treat ang sarili ko dahil sa kakulangan ko ng pera.. tsk tsk buhay nga naman ni bebeng.

RED...

Kasalukuyan akong nasa mcdonalds at o-order na sana sa counter ng ipapasalubong kong Happy meal sa pamangkin kong anak ni ate alexandra nang mamataan ko si bebeng na nakaupo sa isang sulok at umiiyak.

hindi ko na muna itinuloy ang pag-order ko sa counter dahil sa nakita ko. pinuntahan ko sandali si bebeng sa kaniyang puwesto para tanungin ang kalagayan nito.

"hey, are you okay?"

tanong ko kay bebeng nang makalapit ako sa kaniya at agad naman itong tumigil sa pag iyak pagkakita sakin sabay pinahid ang mga luha sa kaniyang mukha.

Ang True Love Ni BebengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon