CHAPTER 62

321 15 2
                                    

RED...

"Heto na kami, pasensiya na kung medyo natagalan ha. ito kasing pinsan kong si kulas ang bagal gumawa ng sandwich"

sambit ni bebeng ng bumalik sila ng sala ni kulas dala ang mga ginawa at inihanda nilang meryenda ng pinsan niya.

"oh hetong para sayo Red"

wika ni bebeng ng magsalin ito sa baso ng orange juice galing sa pitsel at iniabot yun sakin.

"at ito naman ang para sayo Jake"

kay laki ng ngiting wika din ni bebeng sa bagong manliligaw niya at tulad kanina, nagsalin nga din ito sa baso ng orange juice galing sa pitsel at ibinigay yun kay jake.

"salamat bebeng"

wika ni Jake at mukhang sinadya pa nitong hawakan ang kamay ni bebeng ng kunin niya dito ang orange juice.

si bebeng e mukhang kinilig din naman dahil sa pagdadaiti ng kamay nilang dalawa ni jake.

"uhmm sarap... masarap ka palang magtimpla ng orange juice noh"

puri ni jake sa tinimplang juice ni bebeng ng uminom ito niyon at ibig ko nalang ang ma-weirduhan dito.

tsk para juice lang e ang dali lang namang magtimpla niyon para purihin pa niya ng wagas. gusto lang ata niyang magpa-cute lalo kay bebeng.

"ito talaga oh, para juice lang.. kahit sino naman e kaya ang magtimpla ng juice diba, asukal lang naman yan saka yung instant orange juice na nabibili sa grocery store"

sabi ni bebeng ngunit patuloy pa din talaga sa kaniyang pagpapa-cute ang mukhang bagets niyang manliligaw.

"alam ko, pero iba kasi yung pagkakatimpla mo e. i mean, aaminin ko ha. yung mama ko kasi kapag nagtitimpla siya ng orange juice, minsan talaga ang asim-asim, o di kaya naman kung hindi siya matabang. sobrang tamis naman. pero yung sayo iba talaga. hindi siya sobrang matamis, hindi siya sobrang matabang kundi katamtaman lang. parang------ yung ganda mo. simple lang pero yan yung ganda na kailanman hindi ko pagsasawaan"

"naks naman oh! yung mga ganyang linya pamatay talaga, ang suwet-suwet!"

reaksyon ni kulas dahil sa pambobola ni jake at si bebeng naman ay para uling kinilig dahil sa sinabi ng kaniyang bagong manliligaw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

reaksyon ni kulas dahil sa pambobola ni jake at si bebeng naman ay para uling kinilig dahil sa sinabi ng kaniyang bagong manliligaw.

"ito talaga oh, hindi ko alam na magaling ka palang mambola. mabuti pa kainin mo nalang itong sandwich na ginawa namin ng pinsan ko"

nangingiti-ngiting sambit ni bebeng sabay inabutan niya si jake ng sandwich na sinasabi niya dito.

"salamat..."

wika uli ni jake at katulad kanina ng butin niya ang sandwich kay bebeng. mukhang sinadya na naman nitong hawakan ang kamay ni bebeng. nagkatitigan ang dalawa. at ng hindi ko na kayang tiisin ang nakikita sila ng ganun, tumikhim ako ng malakas dahilan para matigil ang dalawa sa kanilang pagtititigan.

Ang True Love Ni BebengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon