CHAPTER 41

410 13 4
                                    

RED...

"Uhmm RED siya nga pala yung dati kong schoolmate si----"

"Gabe Magtanggol. yah kilala ko na siya at isa siya sa bago kong empleyado"

Dugtong ko sa sasabihin pa sana ni bebeng habang seryoso pa din akong nakatingin sa bago kong empleyadong lalaki na schoolmate pala nito.

hindi ko maintindihan kung ano itong nararamdaman ko pero parang naiirita ako ngayon sa nalaman kong magkakilala pala si bebeng at ang bago kong empleyado, plus LOVE pa mismo ang tawag ng Gabe na ito sa Fiance ko.

of course i know. LOVE ang real name ni bebeng pero ewan ko ba. ayoko lang talaga ang maririnig na tinatawag siya sa pangalan niyang yun ng ibang lalaki.

ayoko kasi feeling ko para bang tinatawag siya ni Gabe hindi sa pangalan kundi para bang endearment niya yun kay Bebeng.

damn! ano ba ang nangyayari sakin? bakit ba ganito ang nararamdaman ko at ayokong matatawag si bebeng na Love ng ibang lalaki? nagseselos ba ako? gusto ko na nga ba talaga si bebeng at sa sandaling nagkakilala kami nito at nagkasama, unti-unti na din siyang nakakapasok sa puso ko?

shit! mahal ko na nga yata si BEBENG? dahil kung hindi, bakit ba ganito ang pakiramdam ko ngayon? naiinis ako habang nakatitig ako kay GABE MAGTANGGOL!

"Ha? bago mong empleyado?"

hindi makapaniwalang bulalas ni bebeng at tumango naman ako.

"yup isa siya sa bago kong empleyado. kaka-hire ko lang sa kaniya nung isang araw at first day niya ngayon dito sa opisina ko"

sabi ko kay bebeng habang hindi ko pa din inaalis ang tingin ko kay gabe na mataman lang ding nakatitig sa fiance ko.

gusto ko siyang sakalin. bakit ba ganun nalang siya kung makatingin kay bebeng? para bang naghuhugis puso ang mga mata nito ngayong nakatitig siya sa fiance ko.

 bakit ba ganun nalang siya kung makatingin kay bebeng? para bang naghuhugis puso ang mga mata nito ngayong nakatitig siya sa fiance ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"wow, grabe small world talaga noh. biruin mo nga naman. isa kana pala sa bagong empleyado sa office na ito saka--- hindi ko talaga inaasahang magkikita uli tayo pagkatapos ng mga ilang taon"

sagot ni bebeng habang nakatuon din ang kaniyang mga mata ngayon kay Gabe.

"yah small world nga talaga. at alam mo natutuwa talaga ako na nakita uli kita.. uhm nga pala ano din ba ang ginagawa mo dito at saka--- magkaanu-ano kayo ni Sir. Riley? matagal naba kayong magkakilala?"

"oo matagal na din kaming magkakilala. at kung gusto mo talagang malaman kung magkaanu-ano kami ni bebeng.. well, she's my fiance at soon magpapakasal na kaming dalawa"

sa halip ay ako ang sumagot at inporma ko kay gabe sabay inakbayan ko pa si bebeng sa huli.

"what? fiance?! uhmm mag-fiance kayo ni sir.riley, love?"

parang hindi makapaniwalang bulalas ng dating schoolmate ni bebeng at para ding hindi nito inaasahan na yun ang maririnig ngayon sakin.

tumawa ng malakas si bebeng sa tanong ni Gabe sa kaniya at para bang ibig ko nalang ang mairita lalo dahil sa pagtawa nitong yun.

Ang True Love Ni BebengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon