CHAPTER 85

336 9 0
                                    

RED...

"Wake up Red, Wake up!"

Sambit ko sa aking sarili habang ako ay nagmamaneho at medyo inaantok ako ngayon dahil hindi ako masiyadong nakatulog ng maayos kagabi.

Almost 4 hours na din kaming nasa daan at nasa biyahe ngayon pabalik ng manila. kahit pagod na ako sa pag-da-drive e patuloy pa din ako dahil una, tulog lahat ang mga kasama ko. at pangalawa, wala  din naman ni isa sa mga ito ang puwedeng pumalit sakin sa puwesto ko sa pagmamaneho.

gusto ko sanang i-request kay ate alex na siya naman ang pumalit sakin sa pagmamaneho pero dahil sa medyo masama ang pakiramdam nito ngayon. hindi ko ito puwedeng pakiusapan na mag-drive. hindi din puwede si lola dahil bukod sa matanda na ito at wala siyang driver's license, may sakit pa ito. si bebeng naman lalong hindi ito puwedeng magmaneho dahil katulad ni lola wala din itong lisensiya at pangalawa, hindi siya marunong mag-drive.

marahas nalang akong napabuntong hininga sa naiisip ko at siyempre isama mo na din pati ang pagod ko. sinulyapan ko si bebeng. natutuwa ako na kasama ko pa din siya hanggang ngayon at may limang araw uli kami nito para magkasama.

katulad ng dati sa bahay uli siya tutuloy ngunit yun nga lang matindi ang hablin ng tiyang belya nito na huwag kaming magtatabi sa iisang kuwarto na siniguro naman ng lola ko sa tiyahin ni bebeng na hinding hindi talaga mangyayari yun dahil siya naman ang magiging bantay namin. napapailing nalang ako sa pagiging conservative ng dalawang matanda. pero sa isang banda, naiintindihan ko din naman ang pagiging ganun nila. naisip ko kahit pa man bungangera at matapang ang tiyahin ni bebeng. napalaki naman niya ang pamangkin ng maayos at si bebeng e ang tipo ng isang babae na kahit na sinong lalaki e puwede siyang ipagmalaki. mabait, masipag, simple, palatawa at yun nga kahit na very conservative nga din si bebeng at nakakatorture talaga ang pagiging mahinhin niya. ipinagmamalaki ko siya. very proud ako na may fiance akong katulad niya.. na sa dinami dami ng lalaki sa mundo ako ang minahal niya at tinanggap ako nito ng buong buo. tanggap ni bebeng kung anuman yung nakaraan namin ni audrey at tanggap din niya ang magiging anak ko dito sakali.

marahas nalang uli akong napabuntong hininga sa naiisip ko. alam kong kahit hindi man sabihin sakin ni bebeng. patuloy pa din itong nasasaktan at nagseselos sa isiping magkakaanak na ako sa ibang babae. nagi-guilty ako dito at kung maari lang sana. sa akin nalang ipasa ni bebeng ang sakit at selos na nararamdaman niya ngayon dahil kung maari ayoko ng nasasaktan siya. bebeng is a very very special woman at hindi siya dapat nasasaktan ng ganito ngayon dahil lang sa kagaguhang nagawa ko noon. namin ni audrey.

marahan kong hinaplos ang pisngi ni bebeng dahilan para magising naman ito sa mahimbing na pagtulog.

"oops im sorry, pasensiya na at nagising kita"

wika ko dito at ngumiti naman si bebeng sabay nag-inat ng kaniyang katawan. mukhang nangalay yata ito sa kaniyang magdamagang posisyon sa pagtulog kanina.

"ayos lang, uhmmm n-nasaan na tayo?"

tanong ni bebeng at luminga linga ito. nilingon din nito sina lola at ate alex na tulog na tulog pa din hanggang ngayon sa backseat.

"nakatulog din pala sina ate alex at lola noh.. naku ano ba naman ito nakatulog na pala kaming lahat at hinayaan kana lang namin sa pagmamaneho mo"

"e ano namang gusto mo? pati ako matutulog din para pareho pareho tayong tulog? kapag ginawa ko yun malamang gabing gabi na tayo makakarating ng manila"

natatawa kong sambit kay bebeng at ngumiti naman ito. muli ay luminga linga ito at mukhang iniisip kung saang lugar na kami ngayon.

"nasaan naba tayo?"

"nasa kotse ko"

pilosopo kong sagot sa tanong uling yun ni bebeng at hinampas naman ako nito sa braso.

Ang True Love Ni BebengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon