CHAPTER 22

508 19 1
                                    

BEBENG...

"Sandali lang, teka lang ano ba? sinabi ng hindi ako magnanakaw e, bakit ba ayaw niyo saking maniwala?!"

sabi ko sa dalawang pulis na nakahawak sa magkabilaang braso ko at habang nagpupumiglas akong makawala sa mga ito.

nakakahiya! hindi ko lubos ma-imagine na mangyayari sakin ang ganitong kahihiyan. nakitulog lang naman ako tapos makukulong na pala ako. ano ba naman klaseng kamalasan meron ako at puro nalang pangit at sakuna ang nangyayari sakin? may balat ba ako sa puwet at ganito ang nangyayari sakin palagi?

"bitawan niyo na kasi ako please. hindi talaga ako magnanakaw! may magnanakaw bang makikitulog muna siya sa ninakawan niya bago siya umalis? siyempre wala naman diba? pakawalan niyo na kasi ako mga mamang pulis! ayoko pong makulong!"

patuloy ko habang nagpupumiglas pa din ako sa mga ito.

"huwag ka ng pumalag pa miss. kahit na ano pa ang gawin mo. wala ka ng magagawa. dadalhin ka namin ngayon din sa presinto"

sabi sakin ng isang pulis habang kinakaladkad nila ako palabas ng opisina ni Red.

"sige ikulong niyo na yan. kayo na ang bahala sa kaniya"

narinig ko namang sabi ng babaeng maganda at sospitakada na siyang nakakita sakin sa kuwarto ni Red kanina.

"hoy miss beautiful hindi talaga ako magnanakaw. nakitulog lang naman ako e. maniwala ka kilala ko si Red. siya mismo ang-----"

"Ano ang nangyayari dito?"

narinig kong tanong ng isang lalaki at nang sulyapin namin siya nakita kong si Red pala yun. agad nagliwanag ang hitsura ko at nagkaroon ako ng pag asa na hindi ako makukulong ngayong nakita ko na siya.

 agad nagliwanag ang hitsura ko at nagkaroon ako ng pag asa na hindi ako makukulong ngayong nakita ko na siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Red! diyos ko Red tulungan mo ako ikukulong nila ako. sabihin mo naman sa kanila oh na hindi talaga ako magnanakaw at ikaw mismo ang nag alok sa akin na patulugin dito sa opisina mo"

pakiusap ko kay Red at agad naman siyang lumapit sakin sabay hinila ako sa dalawang pulis.

"Audrey ano ang nangyayari dito? bakit hawak ng dalawang pulis si bebeng at ikukulong ha?"

tanong ni Red sa babaeng nagpapakulong sakin at feeling ko ngayon protektadong protekado ako habang hawak din ni Red ang isang kamay ko.

"Bebeng? you mean kakilala mo talaga siya?"

"oo kakilala ako ni Red. diba nga sinabi ko na sayo kanina pa kaso ayaw mong maniwala sakin at pilit mo pa din akong ipinadadampot sa mga pulis na tinawag mo"

sa halip ay sagot ko sa babae imbes na si Red.

si RED naman sinabihan muna niya ang mga pulis na maari na silang umalis at isang misunderstanding lang ang nangyari.

nang makaalis na nga ang mga pulis. hinarap naman ni Red ang babaeng nagngangalan palang AUDREY.

"ilan beses ko bang sasabihin sayo na kung sakaling may problema dito sa office ko e tatawagan mo muna ako bago ka gumawa ng aksyon. bakit mo ba pilit na ipinakukulong si bebeng nang hindi mo pa napapatunayan kung magnanaakaw nga ba siya o masama siyang tao?"

Ang True Love Ni BebengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon