CHAPTER 70

318 14 0
                                    

BEBENG...

"Insan nandito nako..."

wika ko ng bumalik ako ng hospital at matapos kong ihatid saglit si Red sa kaniyang pagalis pabalik ng manila.

"Oh insan parang ang bilis mo naman yata. wala pang isang oras nung umalis kayo dito ni Red. naihatid mo na siya agad"

"e kailangan na kasi niyang makaalis agad dahil baka abutin pa siya ng traffic sa daan. saka isa pa, para makarating na din siya agad ng manila dahil sa lola din niyang nasa hospital"

malungkot ang hitsurang sabi ko sabay bumuntong hininga ako.

malungkot ang hitsurang sabi ko sabay bumuntong hininga ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"nakaidlip na pala si tiyang belya ah"

patuloy ko ng makita ko ang mahimbing na pagtulog ng tiyahin namin.

"oo mabuti nga talaga at nakatulog siya uli dahil kung hindi, naku maloloka na ako sa kakareklamo niya. nakaka-stress talaga siya promise. anyway, mukha yatang sad ka? sad ka noh kasi umalis na yung jowa mo"

puna ni Arianne sakin dahil mukhang malungkot talaga ako ngayon sa pag-alis ni Red at biglaang paghihiwalay naming dalawa.

"talagang ma-sa-sad ako noh. nasanay na akong lagi ko siyang kasama, nakikita at saka nakakausap----"

"at siyempre lalo na ngayong OFFICIAL na talagang kayo na.. you and him, him and you finally umamin din kayo na mahal niyo ang isa't-isa!!!"

tili ni arianne sa huli at sinenyasan ko naman agad ito na huwag maingay dahil baka marinig siya ng tiyahin namin at magising ito.

"ay sorry nakalimot ako"

nakaalala at mahina ang boses na sambit ni arianne sakin.

"uy ikaw ha marami kang ikukuwento sakin kung paano kayo naging mag-jowa niyang si fafa Red? dapat lahat sasabihin mo sakin at ikukuwento mo ha. walang labis.. walang kulang"

"ikaw din, marami kang ipapaliwanag sakin. gumagawa na pala kayo ng plano niyang si kulas kasama nung si jake para samin ni Red ng wala akong nalalaman. kung hindi pa sinabi sakin ni kulas yung tungkol sa plano ninyo e naku-----"

"anong naku, naku ka diyan. pasalamat ka pa nga sakin kasi ng dahil sa ginawa ko e nagkaaminan kayo ni RILEY EVAN DOMINGUEZ.. ngayon ay boyfriend mo na siya at ikaw naman girlfriend kana din niya... eeiiiigghhh kinikilig ako insan, congrast... finally meron ka ng Jowa at meron kana ding alam mo na.. first kisssssss!!!"

tili uli ni arianne sa huli at nahampas ko na ito sa kaniyang braso dahil sa kalandian niya.

"pasensiya kana nawala at nakalimot uli ako. kinikilig kasi ako sa inyo e.. oh ano masarap ba? anong pakiramdam ng nahahalikan ka ni fafa Red? yummy ba? anong lasa? cherry flavour ba? strawberry o------ lasang para kang nasa heaven? lasang fafa Riley?"

"alam mo ikaw na bakla ka malandi ka talaga..."

ngingiti-ngiting sabi ko dito at umismid naman ang pinsan ko.

Ang True Love Ni BebengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon