"Good noon Ms Jannah!"
Halos magkapanabay na bati ng mga travel agent kay Jannah pagkapasok na pagkapasok niya ng opisina. Napalingon ang mga customer - na karamihan ay mga foreigner - sa kanya dahil sa ginawang pagbati ng mga travel agent. Tinanguan niya na lang ang mga ito at tumuluy-tuloy na sa nakapinid na pintuan sa gilid ng silid.
Kagagaling niya lang ng airport. Sa katunayan ay nasa compartment pa ang mga gamit niya. Dumiretso na siya ng opisina dahil naisip niyang marami-rami ang mga customer nila. Peak season na kasi at dahil summer nga ay marami ang gustong magbakasyon. Mapaloob man o labas ng bansa.
"Kumusta naman dito?" tanong agad niya kay Margot – ang assistant niya – kahit hindi pa man siya nakakaupo sa swivel chair niya. Sumunod ito kaagad sa kanya nang makita siya. Pagod na pinatong niya ang shoulder bag sa mesa niya.
"Okay naman. Aside sa kulang tayo ng mga tao. I think it's time to look for another agent. Medyo marami na sa mga customer natin ang nagrereklamo dahil nga sa matagal silang asikasuhin. Mukhang ayaw din naman nilang lumipat ng ibang travel agency dahil subok na nila tayo."
Pabagsak na umupo siya sabay buntong-hininga at tumingin kay Margot. "You think so?"
Nakangiting tumango ito. "Unti-unti na kasi tayong nakilala at nag-eexpand. It would be nice kung magdadagdag na rin tayo ng mga tao to improve our service."
Kunsabagay ay tama naman si Margot. Lumalaki na nga ang agency niya. Katibayan na ang mga taong nasa labas ng opisina niya at naghihintay na tawagin ang mga priority number ng mga ito. From a freelancer and part time travel agent five years ago ay heto na siya at nagmamay-ari na ng JM Travels and Tours. Dati ay si Margot lamang ang katu-katulong niya sa agency pero ngayon ay may lima na siyang full time travel agent at tatlong part time agent.
She decided to take the risk in putting up her own business five years ago. Sa tulong na rin ng perang nahiram niya sa bangko at ang konti niyang naipon ay itinayo niya ang JM Travels and Tours. She loves travelling kaya naman eto agad ang unang pumasok sa isip niya nang maisipan niyang pumundar ng sariling negosyo. After all, as what successful people would always say, the key to success is to continue with what you most love. At the age of twenty nine ay halos nalibot niya na ang buong mundo.
"Okay. Contact the daily newspaper tomorrow and do what is needed to be done. Para hindi na rin mahirapan ang mga travel agent." mabilis niyang desisyon. May tiwala siya kay Margot kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. And besides, nakikita naman niya dapat na talagang dagdagan ang manpower niya. Isa pa sa mga binabalik-balikan ng mga customer sa kanila ay ang murang package tours nila. Dahil na rin sa pagiging traveler niya ay marami na rin siyang hotels and travel agencies na nakilala saan man sa mundo kaya malaki ang nakukuha niyang discount hindi katulad ng ibang kakompetensya nila. Mas mahaba rin ang listahan ng mga accredited hotels nila na maaring pagpilian ng mga customers.
"I'll take care of that first thing tomorrow."
"Ngapala, for you and for Sean." aniya sabay abot dito ng dalawang malaking paper bag. Pasalubong niya iyon para dito at sa anak nitong si Sean na inaanak niya din.
"Sus, nag-abala ka pa.Ano ba to?" nahihiyang sambit nito sabay silip ng laman sa loob ng plastic bag. "Ini-ispoil mo na yata si Sean eh. Baka mamaya kapag lumaki yun ay masanay na sa madalas mong pagbigay-bigay."
"Ano ka ba! Okay lang ano. Wala naman akong ibang pagbibigyan maliban kay Sean at sa isa kong pamangkin kaya okay lang. Ngapala, nami-miss ko na si Sean eh. Padalawin mo naman sa bahay one of these days."
"Hamo at sasabihin ko. Tiyak na matutuwa yun." sang-ayon nito at pabiro bang idinugtong. "Mag-asawa ka na kasi at nang may sarili ka ng anak! Di yung nanghihiram ka ng anak ng iba."
BINABASA MO ANG
Miss President's Prince Charming (COMPLETED)
RomancePUBLISHED: May 2009 NOTE: this is my first ever PHR novel na sinulat ko noong bata-bata pa ako. Nangangapa pa ko sa mundo ng pagsusulat, pati na rin sa pag-ibig. Charot. SO, NO JUDGEMENT PLEASE. Hehe... And again, unedited version po ito. As in lite...