"If you have any problem, please don't hesitate to call me okay?" ulit ni Jannah kay Margot na kausap niya sa kabilang linya. Alam niyang nagmumukha na siyang sirang plaka pero wala siyang pakialam. Gusto niyang humaba pa ang usapan nila ni Margot upang makaiwas sa kasalukuyang kalagayan niya.
Narinig niya ang pagak nitong pagtawa. "Girl, everything is under control. Trust me. Kelan ba naman kita binigo? Magrelax ka lang diyan at huwag mo ng alalahanin ang negosyo."
"Alam ko naman yun eh."
"Yun naman pala. Kaya ano pang itinatawag-tawag mo sakin?" kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang nakangiti ito. "Sa lahat ng nagbabakasyon, ikaw lang ang kilala kong halos minu-minuto kung tumawag sakin. O pano, I've to go. Duty calls. Enjoy your vacation!"
Hindi na nito hinintay pa ang sagot niya at sa halip ay binabaan na siya ng telepono. Wala sa loob na napahugot siya ng malalim na bunting-hininga habang nakatitig lang sa cellphone niya. Kaya naman nagulat siya nang biglang may humablot nun sa kanya.
"Hey!" angal niya at nanlilisik ang mga matang tumutok sa salarin. "Give me that!"
"Alam mo, hindi tayo pumunta dito para subukan kung gumagana ba ang cellsite nila dito. We're here for a vacation. Kaya pwede bang tigilan mo na ang pagtawag-tawag? Napapanis na ang laway ko dahil kanina pa ko walang kausap!" halata sa gwapong mukha ni Russell ang pagkabagot. Halos magsalubong na ang kilay nito.
"I was just checking out on them." rason niya. Hindi na siya tumaas ng boses dahil talaga namang guilty siya. Tama naman kasi ito. Kung sinu-sino na lang ang sinadya niyang tawagan upang maiwasan ang lalaki.
Simula pa ng sunduin siya nito sa bahay hanggang sa ngayon na malapit na sila sa Tagaytay ay hindi sila nakapag-usap ng matagal. Alam niyang bagot na ito sa pagda-drive kanina pa pero hindi man lang siya nagpaapekto. Naaasiwa kasi siya at hindi niya alam kung anong approach ang gagawin niya sa binata knowing na alam nila pareho ang rason kung bakit sila magkasamang magbabakasyon ngayon.
"Checking out on them?! Wow hanep! Hindi ko alam na mother of all nation ka na pala ngayon. Lahat na yata ng kakilala mo tinawagan mo eh."
"I said I'm sorry okay? Just give me that phone and I promise I'll never do that again." Humarap siya dito at ibinukas ang isa niyang palad sa harap nito.
Ngunit tinignan lang nito iyon at pagkuway ibinalik na sa daan ang mga mata. "Saka na kapag nakauwi na tayo ng Manila."
"What!?" dalawang linggo ang napag-usapan nilang bakasyon. Ibig sabihin ay dalawang linggo din siyang hindi makakahawak nun!? Sino ito para mag-utos ng ganun sa kanya?!
Bumaling ulit ito sa kanya at walang kaabog-abog na tumawa ng malakas sa hindi niya maipaliwanag na rason. Umigkas ang kilay niya. Parang kanina lang ay gusto na nitong kumain ng tao pero ngayon ay aliw na aliw na. "What's so funny?!"
"You know what, I miss that. Ngayon ko lang na-realize." nakangiting sabi nito pagkatapos nitong tumawa.
Napanganga siya sa pag-iiba nito ng mood. "Miss what?"
"Yang facial expression mo kapag nagugulat ka at napipikon. Lumalaki ang butas ng ilong mo, halos lumuwa na ang mga mata mo at yang pagnganga mo."
Bigla niya namang itinikom ang bibig sa huling sinabi nito at napatuwid ng upo. "Alam kong pangit ako. You don't have to stretch the obvious too much."
"Hey, I never said that." pagtatama nito. "In fact, funny as it may sound but I still find you pretty unlike other woman..." anito at pagkuway tumitig sa kanya na talaga namang nagpabilis ng tibok ng puso niya. Pakiramdam niya ay bumalik sila sa dati noong highschool pa lang sila.
BINABASA MO ANG
Miss President's Prince Charming (COMPLETED)
RomancePUBLISHED: May 2009 NOTE: this is my first ever PHR novel na sinulat ko noong bata-bata pa ako. Nangangapa pa ko sa mundo ng pagsusulat, pati na rin sa pag-ibig. Charot. SO, NO JUDGEMENT PLEASE. Hehe... And again, unedited version po ito. As in lite...