CHAPTER 9

13.9K 213 3
                                    

Kung saan-saan pa siya nilibot ni Russell ng mga sumunod na araw. Ang saya-saya niya habang nililibot siya nito kahit pa sabihing napuntahan niya na ng ilang beses ang mga lugar na napuntahan nila. Nakapagtataka pero ni hindi man lang siya nakaramdam ng pagod sa araw-araw na pamamasyal nila.

Nang araw na iyon, ang buong akala niya ay pupunta sila ng Honey Bee Farm ngunit nagkamali siya.

"Postpone tayo dun. Nakalimutan ko na may naka-schedule na pala ako ngayon."

Napatango na lang siya. Wala man lang itong nabanggit sa kanya na may iba pala itong pupuntahan. Kailangan ba? Tatalikod na sana siya para pumasok ng kwarto niya nang magsalita ulit ito. "Wanna come?"

Pumihit siya agad paharap dito. "Sure!" walang kagatol-gatol na sagot niya. Wala rin naman siyang ibang gagawin sa bahay kaya mabuti pang sumama na siya sa binata.

Simpleng blouse at maong pants lang ang sinuot niya na tinernuhan niya ng flats. Nakawalking shorts lang kasi at tshirt ang binata kaya nahinuha niyang hindi pormal ang pupuntahan nito.

Ang buong akala niya ay pupunta sila ng isang restaurant at may kakatagpuing kilala nito ngunit nabigla siya nang makarating sila sa isang barangay. Maging nang dalhin siya nito sa isang basketball court na puno na ng mga tao. Sa tingin niya ay ito na lang ang hinihintay ng lahat dahil nang makita sila ng mga ito ay naghiyawan ang lahat.

"May liga ng basketball dito para sa mga bata. Opening ngayon at ako ang inimbatahan." paliwanag nito sa kanya nang makita nito ang pagtataka sa mukha niya.

Wala sa sariling napatango siya at nagpatianod na lang dito. Magkahawak kamay sinalubong ang mga tao sa plaza. Nakilala niya ang baranggay captain at ang misis nito. Gayundin ang ibang baranggay officials.

"Si Jannah po pala girlfriend ko."

"Magandang araw po." yumuko pa siya ng bahagya at ngumiti sa mga kaharap. Hindi niya na itinama ang pakilala ng lalaki sa kanya. Girlfriend? Kelan pa?

Pagkatapos ay dinala na sila nito sa isang lugar kung saan ay nakalaan para sa kanila ni Russell. Bagamat marami ang nakikipag-usap kay Russell ay hindi pa rin siya nito kinakaligtaan. Lagi na lang ay tsine-check siya nito kung okay lang ba siya o hindi naiinip. Tango lang ang sinasagot niya rito sabay ngiti. Dahil kahit wala siyang kausap ay naaaliw siya sa paligid. Sa usapan pa lang ng kapitan at ni Russell at sa ibang tao ay masasabi niyang regular na bumibisita doon ang binata. Magiliw ito sa lahat lalong-lalo na sa mga bata na sasali sa liga.

Hindi nagtagal ay nagsimula na ang programa. Ilang minuto lang ang nagdaan at ipinapakilala na si Russell ng emcee. Tama nga ang hinala niya. Regular na nagpupunta ang lalaki doon. At ang mas ikinagulat niya ay ang kaalamang si Russell mismo ang nagtuturo sa mga bata ng basketball. Tuwing summer ay nagka-conduct ito ng libreng summer classess sa lahat ng mga batang interesado. At feeding program para sa lahat ng mga bata. Humahangang napatingin siya sa binata na katabi niya lang.

"You never mention that?!"

Kumibit lang ito ng balikat na animo nagsasabing, hindi na iyon importante pa. Bago pa ito man ito umakyat sa taas ng stage ay may binulong ito sa kanya. "Ikaw lang eh, wala kang bilib sakin." biro nito

"Loko-loko!" nangingiting sabi niya dito at pagkuwa'y napasirko ang puso niya nang kumindat sa kanya at ngumiti.

Sinundan niya ito ng tingin. Nang mag-umpisa na itong magsalita ay kapuna-puna ang pananahimik ng mga tao. Lahat ay nakikinig sa sinasabi ng lalaki. Hindi niya maalis ang ngiti sa mga labi niya lalo na sa tuwing dumadaan ang mga mata nito sa kanya at nakukuha pang ngumiti kahit nagsasalita. Mas nagtatagal sa kanya angtitig nito kaysa sa iba.

Miss President's Prince Charming (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon