CHAPTER 2

14.1K 279 2
                                    

"Europe trip! Europe trip! Europe trip! Wohoo!" salubong agad ni Myka kay Russell nang buksan niya ang pinto ng condo. Hinipan pa nito ang hawak-hawak na turotot at ipinulupot pa sa leeg niya ang mahabang red ribbon.

Napasapo siya sa noo dahil sa ingay na ginawa ng turotot at sa sigaw ni Myka. "Myka, not now please? Patulugin mo muna ko. I badly need rest. Bukas na tayo mag-usap."

Kagagaling lang niya sa victory party na inihanda ng San Miguel para sa team nila dahil sila ang tinanghal na champion sa katatapos lamang na season ng PBA. Naging sentro din siya ng party dahil sa siya ang nakakuha ng MVP of the year. Sangkatutak na interview ang nangyari pagkatapos ng laban sa araneta coliseum. Kaya naman ala-una na ng madaling araw nang makaalis siya ng party. Ang buong akala niya ay tulog na si Myka pagdating niya. Ngunit nagkamali siya.

"But kuya..." nagdabog pa ito

"Please? Hindi naman ako uurong sa usapan natin. Kilala mo ko."

"Okay. Mag-uusap tayo mamaya."

"Mamaya?" siya naman ang napareklamo.

"Mamaya!" ulit nito para ikumpirma na tama ang narinig niya. "Kuya, it's two o'clock in the morning. Hello? Hindi na ito pwedeng ipagpabukas pa. Everything is all set. Lahat sila prepared na maliban na lang sakin. So you still have..." sinipat nito ang relo. "seven hours to sleep. Mabait naman ako eh so I won't force you to wake up at seven in the morning. Kaya go go go go kuya... matulog ka na. Time is precious!" pinatalikod na siya ni Myka at dahan-dahang tinulak papasok ng kwarto niya bilang pagtatapos ng usapan nila. Hindi na siya nagreklamo pa at nagpatianod na lang sa makulit niyang kapatid.

Napailing siya. Kailanman ay hindi pa siya natalo sa kapatid niya sa anumang argumento. And he never intended to win actually. Mahal na mahal niya si Myka kaya lahat ay binibigay niya dito. After all, dapat lang naman talaga dahil sila na lang ang natitirang magkasangga sa mundo.

Their parents died in a car accident nine years ago. Kaga-graduate niya lang noon sa college kaya hindi niya alam kung papano sila magus-survive na magkapatid. Wala pa siyang trabaho at malamang na matatagalan pa bago siya makahanap dahil hindi naman ganun kataas ang mga grades niya. Their parents leave them with nothing except debts. Kaya kasabay ng paghahanap niya ng trabaho ay ang paghahanap naman sa kanila ng mga inuutangan ng mga magulang niya.

Buti na lamang at dumating ang grasya sa harapan ng bahay nila. Kasalukuyan sila noong naghahakot ng mga gamit upang makalipat sa isang mas murang tirahan. Inalok siya ng manager ng isang kuponan upang maging isa sa mga player ng team nito. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at sinunggaban ang magandang alok nito.

Kaya heto siya ngayon, after nine years ay isa ng matagumpay na PBA player. Hinahangaan ng lahat ng babae at nakukuha ang lahat ng gustong bilhin. Napag-aral niya si Myka sa isang sikat na university. Nakalipat sila sa isang maganda at mamahaling condominium building. Lahat ng hiling ni Myka ay tinutupad niya. Hindi siya nagrereklamo dahil nakikita niya rin namang hindi siya nito binibigo. Consistent dean's lister ito. Third year college na ito at malaki ang tsansang maging magna cum laude sa susunod na taon. Sa tuwing napapasama si Myka sa listahan ay lagi na lang itong umuungot ng reward. At ang huli nga nitong hiling ay isang Europe trip kasama ang mga kaibigan nito for one week.

Hindi na siya nag-abala pang magbihis. Pagkalapat na pagkalapat ng katawan niya sa kama ay ipinikit niya na agad ang mga mata.

"Good morning kuya. Sleep tight." ani Myka bago pinatay ang ilaw at sinara ng tuluyan ang pinto.

"Up, up, up!"

Nagising si Russell sa lakas ng boses ni Myka. Hirap na iminulat niya ang isa niyang mata. Nakita niyang ipinatong ni Myka ang tray ng pagkain sa isang tabi at lumapit ng bintana.

Miss President's Prince Charming (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon