"Hindi mo ba ko natatandaan?" balik na tanong ulit ng lalaking naka-shades nang hindi man lang siya sumagot.
At bakit? Do I have to? ngali-ngaling sagutin niya na ang lalaki ngunit pinigilan niya ang sarili. Customer nila ito. At kahit pa sa ayos pa lang ng lalaki ay halata na ang pagiging mayabang nito at sobrang bilib sa sarili, kailangan nila itong pakitunguhan ng mabuti.
Tinanggal nito shades at ang sombrero.
"Oh my God! Russell Torres!" nanlalaki ang mga matang bulalas ni Margot nang lumantad ang buong mukha ng lalaki. Maging siya ay nanlaki din ang mga mata. Kahapon lang ay nakatuwaan pa nilang pag-usapan nina Joel at Karren pero heto ngayon sa harapan niya at nakangiti.
Napalakas yata ang boses ni Margot dahil maging ang ibang travel agent niya ay napatingin sa kinaroroonan nila at tila nataranta nang makita ang lalaki. May hindi napigil ang tumili, may napatayo at nakalimutan na ang kausap na customer. Nagtaka tuloy ang mga customer nilang foreigner sa nangyayari. Ang iba namang pinoy customer ay nagulat nang makita si Russell sa loob.
"Kuya!" saway ng babaeng kasama ni Russell. Kinuha nito ang shades at baseball cap sa lalaki at pinasuot ulit.
"Ahm... let's get inside the office na muna." siya na ang nagkusang umalok. Kapag pinatagal niya pa dito sa labas ang lalaki ay tiyak na hindi makakapag-concentrate ang mga travel agent niya sa pagtatrabaho. Susulyap at susulyap ang mga dito.
"Buti pa nga." anang babae na sa hinuha niya ay kapatid nito dahil na rin sa pagtawag nito ng kuya kanina. "Girls, dito na muna kayo ha?"
Nagpatiuna na siya sa loob ng opisina. Nang masigurong nakapasok na ang dalawa ay sinara niya na ang pinto at ni-lock.
"Ano bang nakain mo kuya at nagladlad ka dun ha?" kompronta agad ng babae kay Russell. Animo ito ang nakakatanda kay Russell kung magsalita. Nakapamewang pa ito.
"Nawala sa isip ko." tinanggal ulit nito ang shades at cap.
"Nawala sa isip mo?! Ano yun, biglang lumipad ganun? Hindi—"
"Ahchuchuchu..." pigil ni Russell sa kapatid. Tinakpan pa nito ang bibig ng nagngangalang Myka.
Hindi niya napigilang hindi matawa sa ginawa ni Russell. Same old Russell. Hindi niya ide-deny na gwapo talaga ito. Ang tangkad nito, moreno, matangos na ilong at mga matang lagi na lang ay nakangiti ang nagpapadagdag sa kagwapuhan nito.Sumandal siya sa table at hinayaan na munang mag-usap ang dalawa.
"Nakakaugali mo na si Linda. Para ka ng manager ko kung magtalak. Bumalik ka na nga lang dun sa mga kaibigan mo. I'll be fine here." tinanggal nito ang kamay sa bibig ng kapatid.
"Hindi ka lalabas hangga't hindi ko sinasabi okay?" huling bilin nito
"Opo Commander." pang-aasar ni Russell. Sumaludo pa ito sa kapatid. "Hay naku, ang mga babae nga naman!" naiiling at nangingiting wika nito nang makalabas na ang kapatid.
Humalukipkip siya at hinintay na humarap sa kanya ang lalaki. Sa nakikita niya, hindi pa rin nawawala ang pagiging mapang-asar nito. Happy-go-lucky pa rin at mayabang. Obviously, naaaliw ito kapag may mga babaeng nababaliw sa presensiya nito.
"I didn't know you're that famous."
Huli na para bawiin niya ang kanyang sinabi. Lumabas na ang malapad na ngiti sa mukha nito. Mas pinalala niya pa yata ang tiwala nito sa sarili.
BINABASA MO ANG
Miss President's Prince Charming (COMPLETED)
RomancePUBLISHED: May 2009 NOTE: this is my first ever PHR novel na sinulat ko noong bata-bata pa ako. Nangangapa pa ko sa mundo ng pagsusulat, pati na rin sa pag-ibig. Charot. SO, NO JUDGEMENT PLEASE. Hehe... And again, unedited version po ito. As in lite...