CHAPTER 8

13.2K 226 0
                                    

"Andito ka lang pala. Kung san-san pa kita hinanap."

Napapitlag na naman ang puso ni Jannah nang marinig ang tinig ni Russell at maramdamang nasa likod lang niya ito. Nasa view deck siya nang mga oras na iyon at nagpapahangin. Gusto kasi niyang makalayo sa presensiya ni Russell kahit sandali man lang upang maibalik niya sa normal ang PUSO niya.

Tinupad ni Russell ang pangako nito sa pagkagulat at pagkadismaya niya. Pagkatapos ng usapan nila ay naging friendly at maasikaso na ito sa kanya. Panay ang kwento kahit pa tahimik lang siya at panay ang ngiti. Dahil nangyari nga ang kinatatakutan niya, hindi niya alam kung papano pakikitunguhan ang isang Russell na kakaiba sa nakasanayan niya. Lagi na lang ay napapatalon ang puso niya sa tuwing ngumingiti ito sa kanya at pacute na kumikindat.

Kunwa ay walang anuman na humarap siya dito. Na laking pagkakamali niya. Dahil halos magkadikit na pala ang mga katawan nila. Tumingala siya dito ngunit hindi niya nakayanan ang matagal na mapatitig dito kaya yumuko siya. Napansin niya ang hawak-hawak nitong malaking saranggola.

"Naglakad-lakad lang ako. Ang dami kasi nating kinain kaninang lunch. Parang sasabog ang tiyan ko sa sobrang pagkabusog."

She heard him chukled. "Buti na lang pala at meron ako nito." anito sabay taas ng hawak. "Come, paliparin natin to." hinawakan ng libreng kamay nito ang kanang kamay niya.

Andun na naman ang weird niyang nararamdaman sa tuwing nagdidikit ang mga balat nila ni Russell. Ano bang nangyayari sayo ha Jannah! saway ng isip niya.

She tried to fight the feeling. Siya lang ang katawa-tawa kapag napansin ni Russell na nagkakaganun siya sa piling nito. "S-sinong bata naman ang pinaiyak mo?" pilit niyang sinalubong ang nakangiting mukha nito.

Natawa ito sa tanong niya. "Correction, maayos kong hiniram to. Hindi ko h-in-arrass yung bata. Idol daw ako eh kaya nang tanungin ko kung pwedeng mahiram ay umoo agad."

"At inabuso mo naman porke't alam mong gusto ka nung bata?" nakataas ang kilay ngunit nakangiting tanong niya dito.

"Kesa naman nakawin ko? Ang dami mo pang reklamo. Tara na at nang masimulan na. Siyempre, ibabalik ko pa 'to sa bata at baka gagamitin pa." marahan siya nitong hinila.

Napailing na lang siya habang nagpapatianod dito. Hindi niya napigilang hindi mapangiti dito. Nakasalubong pa nila ang batang hiniraman ng saranggola ni Russell nang papunta na silang open field. Sumaludo pa ito sa bata na ginantihan naman ng kaway ng huli. Maging siya ay nakikaway na rin sa batang lalaki.

Nang makarating sa open field ay inabot nito sa kanya ang dulo. Maang na napatingala siya dito. "Hindi ako marunong magpalipad." sabay iling.

Ito naman ang kunwari ay napamaang. "Ha? Ano bang ginawa mo buong kabataan mo at hindi ka marunong?"

Kinuha nito sa kanya ang nilalagyan ng pisi. Hindi niya sinagot ang tanong nito. Ano nga bang ginawa niya? Bata pa lang siya ay ginawa niya ng pangalawang kwarto ang library ng bahay nila. Kung naglalaro man siya ay puro scrabble, crossword at kung anu-ano pang mind puzzling games. Minsan lang niyang galawin ang barbie dolls at iba pang laruan. Ngayon lang siya nahiyang ipaalam sa iba ang child life niya. Parang biglang-bigla ay narealize niyang ang dami niya pa lang hindi naranasan noong bata pa siya.

Pinahawak nito sa kanya ang saranggola. "Ako muna ang magsisimula. Kapag nasa taas na siya, saka ko ibibigay sayo. Got it?" parang batang usap nito sa kanya.

Wala sa loob na napatango siya. Pagkatapos ay siya na ang nagkusang lumayo dito upang masimulan na nila ang pagpapalipad ng saranggola. Nang sa tingin niya ay sakto na ang layo niya para mapalipad nito ang saranggola ay tumigil na siya. Hinintay niya ang senyas nito bago pinakawalan pataas ang saranggola.

Miss President's Prince Charming (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon