CHAPTER 5

12.8K 249 5
                                    

"Ano bang pumasok diyan sa kukote mo at basta mo na lang pinakita yang mukha mo sa public ha? Alam mong mainit ka pa." sermon ni Linda kay Russell.

Napahilamos naman ng mukha si Russell sa pagkainip. Kanina pa siya pinapagalitan ng manager niya dahil sa ginawa niya noong isang linggo sa mall. Ang buong akala niya pa naman ay maayos na nilang napag-usapan ni Myka na ililihim nila ang nangyari. Ngunit mukhang hindi na naman natiis ng madaldal niyang kapatid ang hindi magkuwento.

"Wala namang masamang nangyari eh. Hindi nakatunog ang press at lalong hindi naman ako pinagkaguluhan dun. And besides, hindi mangyayari yun dahil hindi naman ako artista. Athlete ako, Linda. Athlete! So why do you have to worry so much?" paalala niya dito.

Thirty six years old na si Linda at mas matanda ito sa kanya ng anim na taon pero ayaw nitong magpatawag ng ate o tita. Still single at mukhang wala ng planong mag-settle down. Kaya siguro laging mainitin ang ulo nito at konting problema lang ay nagpapanic na.

"Athlete nga pero kung pagpiyestahan naman ng mga press ay daig pa ang artista. Alam mong marami na ang gustong kunin kang artista. Marami nang offer na tinanggihan natin dahil ikaw lang tong may ayaw kaya tuloy lagi kang hinahabol ng balita."

"Pag-uusapan na naman ba natin to? Alam mong ayokong mag-artista. Period!"

"Fine! Andun na ko. Pero naman Russell, konting ingat! Sumang-ayon ako na kailangan mong magbakasyon after the finals at pumayag ako sa hiling mo na huwag kang isama sa mga presscon and interviews kahit pa MVP ka dahil ang buong akala ko ay magpapahinga ka nga. Pero iyon pala, nasa public places ka lang at nagpapa-cute!"

"Nag-sorry na nga ako diba? It won't happen again. I swear." sumusukong wika niya para lamang matapos na ang usapan nilang iyon.

Ayaw na ayaw niyang inuulit pa sa pagmumukha niya ang katangahang ginawa niya noong isang linggo. Nakita niya lang si Jannah ay nakalimutan niya na kung sino siya. Tuloy ay nakakuha pa siya ng atensiyon. Mabuti na lamang at kakaunti lang ang pinoy sa loob ng travel agency at karamihan ay mga foreigners.

Na-excite lang siguro siya sa ideyang matapos ang mahabang panahon ay nakita niya ulit si Jannah. After graduation ay wala na siyang nabalitaan pa tungkol sa babae maliban na lang sa ipinagpatuloy nito ang pag-aaral sa UST kung saan ay doon sila nag-highschool samantalang siya naman ay lumipat ng La Salle.

"Promise me you'll never do it again?" panghihingi nito ng assurance.

"Promise!" aniya at itinaas pa ang kanang kamay.

Matapos makapagpaalam kay Linda ay tumuloy na siya sa parking lot at dumiretso sa kotse. Napatigil siya sa pagbubukas ng pinto nang biglang mag-ring ang cellphone niya.

Baka si Linda na naman. May nakalimutan lang siguro. aniya habang hinuhugot ang phone sa bulsa.

Ngunit hindi si Linda ang tumatawag. Isang unregistered number. Nagtataka man ay sinagot niya pa rin iyon.

"Hello?" kunot-noong sagot niya.

Ngunit nawala ang pagtataka sa mukha niya nang marinig ang boses ng kabilang linya. Napalitan iyon ng isang matamis na ngiti. "Ms President, what a pleasant surprise!"


Oh my! Umuwi na lang kaya ako? kinakabahang tanong ni Jannah sa sarili.

Kanina pa siya nakapark sa labas ng restaurant na napag-usapan nila ni Russell kung saan sila magkikita ngunit hindi pa rin siya lumalabas. Parang gusto niya ng umuwi. Wala siyang mukhang maihaharap sa lalaki.

Miss President's Prince Charming (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon