Ilang araw ng malalim ang iniisip ni Jannah. Hindi mawala-wala sa isip niya ang mga nangyari nitong nagdaang araw sa buhay niya. Mga pangyayaring may kinalaman kay Russell. Almost fifteen years din siyang walang balita tungkol sa lalaki. Iyon ay dahil wala naman talaga siyang balak makibalita. Hindi sila magkaibigan ng lalaki noong highschool years nila. Sa katunayan ay magkaasaran nga sila. Hindi niya gusto ang pagiging happy-go-lucky, kayabangan at ang mukha nitong nagmamalaki sa tuwing maraming mga babae sa school ang nababaliw dito.
Hindi niya alam kung nagkataon lang o sadyang pinaglalaruan sila. Mula sa ideyang gusto niyang magkaanak, ang pagbibiro ni Joel, pagkikita nila ni Russell, ang patuloy na pagsusumiksik ng ideyang iyon at ang nangyaring usapan noong huling family dinner nila. Lahat ay patungkol lamang sa iisang bagay. It's time for her to think of her personal life. And it's not about her dreams and career but about having her own family. Isang pamilya na makakasama niya hanggang sa pagtanda niya.
Buong buhay niya ay wala na siyang ibang inisip kundi ang matupad ang lahat ng pangarap niya. Magkaroon ng sariling bahay, sariling negosyo at makapagbakasyon sa iba't ibang bansa. Masyado siyang nag-focus sa mga plano niya to the point na nakalimutan niya ng planuhin ang sarili niya. Simula nang makita niyang masaya na sa kanyang married life si Karren ay bigla siyang nainggit. Sa totoo lang, noon lang siya nainggit ng sobra-sobra sa isang tao. Pakiramdam niya, sa kabila ng lahat ng natamo niya, kahit pa sabihing walang sariling negosyo at bahay ang kaibigan niya ay kulang pa rin kung ikukumpara siya dito. Unlike her, Karren has her own family. Eh siya? May sarili ng pamilya ang mga kuya niya. Tuwing family dinner na nga lang sila kung nagkikita. Ang mga parents niya naman ay animo nagbalik sa pagkabata dahil panay ang labas ng mga ito. May plano pa nga ang dalawa na mag-cruise next month. Pakiramdam niya ay unti-unti na siyang iniiwan ng mga mahal niya sa buhay. Oo nga't masaya naman siya sa lahat ng narating niya pero natamaan siya sa sinabi ng mommy niya.
"You've got to have your own family hija. Hindi mo naman makakasabay sa pagtulog ang pera mo't kotse. May bahay ka nga pero tahimik naman dahil walang maiingay na mga bata. Walang asawa at anak na mag-aalaga sayo, maglalambing, mangungulit at magpapasaya sayo araw-araw. Believe me anak, iba ang achievement as a career woman than as a mother. For us, we can willingly give up our career kung hihilingin ng mga asawa namin."
Sinang-ayunan naman iyon ng ate Mellot niya at ni Jackie.
"Isa pa bunso, hindi ka makakalabit ng pera sa gabi. Pero ang asawa mo, gabi-gabi pwede!" singit ng kuya Richard niya. Tawanan ang kuya niya, ang mommy't daddy niya naman ay naiiling na lamang sa kalokohan ng mga kuya niya.
"Bilisan mo na sis. The clock is ticking! Kahit mauna na ang anak kaysa kasal. Kaw rin, mahirap magkaanak kapag may edad na." dagdag pa ng kuya Miguel niya.
"Tigilan niyo nga ako!" napipikon niyang sigaw sa dalawa This time ay talaga namang tinamaan siya sa mga sinasabi ng pamilya niya..
Siya ang naging sentro ng usapan nung family dinner nila. Siya at ang pagiging single niya. May tama naman ang pamilya niya. She'll be turning thirty in three months time. Sa mata ng mga tao, isa na siyang matandang dalaga.
Noon, akala niya ay hindi siya matitinag kapag pinag-uusapan ang pagiging single niya. Na balewala sa kanya iyon dahil ang titingnan ng mga tao ay ang diploma at achievements niya. She wanted to be different from other girls. Gusto niyang ipakita sa lahat na kaya niyang marating kung anuman ang narating ng mga lalaki. Ngunit nagkamali siya. Hindi pa rin pala matatawag ang isang babae na matagumpay kung may kulang pa rin sa buhay nito. At iyon ay ang career bilang isang ina at isang asawa. Ngayon na nakikita niya na ang masasayang pamilya sa paligid niya, unti-unti nang natitibag ang paniniwala niya tungkol doon. Unti-unti niya ng nararamdaman ang pag-iisa. Akala niya ay matapang siya, natatablan din pala siya.
BINABASA MO ANG
Miss President's Prince Charming (COMPLETED)
RomancePUBLISHED: May 2009 NOTE: this is my first ever PHR novel na sinulat ko noong bata-bata pa ako. Nangangapa pa ko sa mundo ng pagsusulat, pati na rin sa pag-ibig. Charot. SO, NO JUDGEMENT PLEASE. Hehe... And again, unedited version po ito. As in lite...