CHAPTER 10

23K 518 93
                                    

Nagulat ang lahat nang bumalik siya nang maaga sa Maynila kaysa sa inaasahan ng mga ito. Walang sinuman ang nag-usisa maging si Karren. Alam niyang naghihinala na ito na may nangyari nang araw na tawagan niya ito at bigla na lang siyang nawala sa linya. Lahat ay nanahimik. Sino ba naman ang magkakalakas ng loob na magtanong? Siya si Jannah Montelibano.

Ipinagpatuloy niya ang dati niyang nakasanayan. Pumapasok siya sa opisina at nagtatrabaho. Or that was she wanted to think.

"Good morning Ms Jannah." halos sabay-sabay na bati sa kanya ng kanyang mga travel agent. Parang walang narinig na dire-diretso siya sa kanyang opisina. Late na siyang nagising kaninang umaga kaya tanghali na rin siyang pumasok ng opisina. Akmang tatanggalin niya ang dark shades niya ngunit nagbago ang isip niya nang makitang nakasunod pala sa kanya si Margot. Ayaw niyang makita nitong namumugto ang mga mata niya. Sanhi ng buong gabing pag-iyak niya.

"May appointment ka with Tiarra Hotel in thirty minutes. Should I cancel it?"

Napahawak siya sa noo. Nakalimutan niya ang meeting niya! Hindi niya pa napapag-aralan ang presentation na ginawa ni Margot para sa kanya noong isang araw. Napatingin siya kay Margot kahit hindi naman nito nakikita ang mga mata niya. "Pwede bang ikaw na lang ang makipagkita doon? I can't make it."

Nauunawaang tumango ito sa kanya. "You know what, if I were you magpapahinga muna ako ng ilang araw. I think you badly need it."

Umiling siya. "I'm fine Margot. Don't worry about me." aniya at nagkunwari ng may ginagawa upang mapaalis ito. Alam niyang nakakahalata na ang babae sa nangyayari sa kanya.

Tatalikod na sana ito nang may maalala itong bigla. "By the way, tumawag nga pala si Karren. Pinapaala niya lang yung binyag ng baby niya tomorrow."

Napahawak na naman siya sa ulo niya. Isa pang nakalimutan niya. Ni hindi pa siya nakakabili ng regalo para sa inaanak niya! Tinanggal niya ang dark shades nang lumabas si Margot at napahilamos ng mukha sa pagkainis sa sarili.


Gabi na nang matapos ang kasayahan sa bahay nina Karren. Tanging mga caterer na lang ang nasa garden at sinisimulan ng iligpit ang mga mesa at upuan na naroon. Nasa grotto siya nang mga oras na iyon at nagpapahangin. Ito ang favorite spot niya sa bahay ng mag-asawa. Tahimik kasi doon ay may maliit na fish pond na inaalagan ni Joel. Naaaliw siya sa mga maliliit na isdang masayang naglalanguyan.

Hinihintay niya lang na makababa si Karren para makapagpaalam na rin siya. Pagod na siya at gusto niya ng matulog. Pumasok ito ng bahay kanina at iniwan siya upang patulugin na ang baby.

Hindi nga nagtagal ay nakita niya na ang kaibigan na papalapit dito. "Sorry at natagalan ako. Ang hirap patulugin ni Trisha eh."

Ngumiti siya. "Okay lang. Paalis na rin naman ako. Hinintay lang talaga kita."

Nagkipagbeso-beso siya dito. Nang matapos iyon ay nailang siya nang titigan siyang mabuti ni Karren.

"Mare, alam ko ng maganda na ko." pilit niyang pagbibiro dito

"Can we talk?" seryosong tanong nito at hindi sinakyan ang biro niya.

Napilitan na rin siyang sumeryoso. May ideya na siya kung ano ang pag-uusapan nila. Kung nitong mga huling araw ay pilit na umiiwas siya dito, ngayon ay wala na siyang kawala. Alam niyang kanina pa siya inoobserbahan ng kaibigan. Kumibo-dili kasi siya simula pa kanina sa simbahan hanggang dito sa bahay nito. Kung noon ay nakikipagkwentuhan siya sa mga kakilala nila. Ngayon ay ngumingiti lang siya. Minsan nga ay hindi niya namamalayang nakatulala na pala siya. Kung di pa siya sisikuhin ng kasama ay hindi siya magigising.

Miss President's Prince Charming (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon