Chapter 3: London

1 1 0
                                    


Habang nag-aayos si Paris ng kaniyang maleta ay tumingin muna siya sa bintana. Pagkatapos niyang manatili sa India ay aalis na naman siya. Para rin ito sa trabaho niya,isa kasi siyang blogger. At higit sa lahat,para makalimot.

Dalawang taon na rin nang umalis siya sa Pilipinas. Nagpunta siya ng Canada at doon nanirahan ng isa't kalahating taon. Pagkatapos kumita sa online blog niya at nang may magrequest na magblog siya tungkol sa mga lugar na pupuntahan niya ay agad siyang umalis. Para sa dalawang rason lamang siya napilitang libutin ang mundo; una ay para sa ikasasaya ng mga viewers ng blog niya at pangalawa,para sa babaeng minahal niya.

Nangako siya sa babaeng iyon,noon. Parehas nilang gusto ng carefree na buhay. Parehas silang masaya sa kahit na anong gawin nila. They love everything about each other. Kumbaga,match made in heaven na sila. Pinag-iipunan nila ito noon eh,ang libutin ang mundo. Pagkatapos ng lahat ng bansa na pupuntahan nila ay saka sila magpupunta sa Paris—sa City Of Love. But that didn't happen. He lost her already. Bago pa sila makapagsimula na maglibot sa buong mundo. Bago pa niya ipagsigawan sa tuktok ng Eiffel Tower na handa niya itong mahalin habang buhay. And again,he lost her. And there's no way of bringing her back.

Pagkatapos niyang iligpit lahat ng gamit niya ay marahan siyang bumaba para magtungo sa receptionist. Magche-check out na siya sa hotel na tinutuluyan niya. Panahon na rin para umalis siya at magtungo sa susunod na bansa na gusto niya—nilang puntahan.

"Hi,good afternoon. Uh—I want to check out of this hotel." Marahan niyang nginitian ang recieptionist. Ngumiti ito pabalik sa kaniya.

"Good afternoon sir. What's your name?" Sabi nito at hindi maipagkakaila ang Indian accent na maririnig mo sa bawat salita niya.

"Paris Jenco Salvador." May ilan pang proseso siyang ginawa para tuluyang makapagcheck out sa hotel. Muli niyang tinignan ang hotel atsaka sumulong patungo sa airport.

--

Ilang oras pa siyang naghihintay para sa flight niya. Gabi na rin pero heto siya sa airport at naghihintay. Dahil sa kabagutan ay naisipan niyang tignan ang mga kumento ng mga viewers niya sa bagong blog niya. Pero nainip pa rin siya at naglaro na lamang sa cellphone. Makalipas ang ilang sandali ay hindi niya na kinaya ang kabagutan. Kaya kumuha siya ng isang papel at ballpen atsaka nagsulat.

Dear Carmi,

I'm now at the airport waiting for my flight. I'm going to London now. See? I told you I'm not gonna break my promise. I know how much you love Harry Potter so I'm going to go in London. I hope I can see Emma Watson or Daniel Radcliffe there. Or if luck is with me,I'm also hoping to see J.K Rowling there. Just in case,I have your Harry Potter book with me and wait there 'til I get it signed for you. I hope you're happy.

Love,Paris

Matapos siyang magsulat ay inilagay niya ang isang litrato na ticket papuntang London ang makikita. Inilagay niya ito sa isang sobre atsaka isinilid sa bag. Maya-maya ay narinig niya na pinapasakay na ang lahat nang papuntang London.

Nang makasakay sa eroplano ay wala siyang kibo. Nakaupo pa siya malapit sa bintana para kita niya ang mga kalangitan. Nakita niya ang nagkikislapang mga bituin. Pero hindi ang bituin ang sadya niya. Masyado na kasing stereotype ang mga bituin. The moon was far more enchanting than the stars. Para kasing dama nito kung ano ang lungkot niya. Para kasing nagrereach out ito sa kaniya pero hindi niya magawang abutin ito. And it hurts so much.

Mga ilang oras ang itingal niya sa biyahe at umaga na nang marating ang London. Malamig na hangin ang tumatama sa balat niya at gusto niya ang pakiramdam na iyon. Para bang may yumayakap sa kaniya na hindi niya nakikita. Nakakatakot man pero pinipilit niyang isipin iyon na sana, siya nga ang yumayakap sa kaniya ngayon.

Matapos makahanap ng hotel na tutuluyan ay agad siyang nagpahinga. Nagsearch na rin siya sa internet kung saan siya pwedeng magpunta. Nang makapagpahinga ng ilang oras ay hindi niya pinalampas ang unang araw ng kaniyang pananatili roon. Agad siyang naglibot at nagtanong kung saan siya maaaring pumunta.

Dala ang kaniyang polaroid na camera ay nagsimula siyang kumuha ng mga litrato. Almost of the shots he took are candid. He has a knack at taking candid shots, that's what he's living for. Marami pa siyang nakikitang maganda sa London. He was so happy not until he saw someone like her. Hahabulin na niya sana ito kaso napigilan niya ang sarili niya. Why would he chase after that girl? Alam niyang hindi naman ito ang babaeng hinahangad niyang muling makita. Hindi na ito babalik pa,bakit nga ba pinapaasa niya pa ang sarili niya?

After that encounter his mood suddenly dropped. Sino nga bang gaganahan kapag ang isang peklat ay muling mauungkat. Muling binalot ng kalungkutan ang puso niya. Alam niya namang hindi na siya nito babalikan, pero hindi niya magawang tumigil kakaasa.

Siguro kasi ganun talaga kapag sobra mong minahal ang isang tao. Na kahit ilang taon na ang lumipas,kapag nawala siya,hindi mo na mararanasang maging masaya pa. And unfortunately for him, he feels it every single damn time. Parang walang sawang ibinabalik siya ng oras sa panahon na sobrang saya niya para ipaalala na hindi niya na mararanasan na maging ganoon muli. Nakakagago lang.

Nawalan na siya ng gana maglibot kaya bumalik na siya sa hotel na pinanunuluyan niya. Ang saya sa paligid niya,pero kahit ngiti ay tila pinagkaitan siya. Inaamin niya na sa itinagal ng panahon na naglilibot siya ng mag-isa iniisip pa rin niya ang babaeng mahal niya. Hindi niya kasi alam ang rason. Hindi siya nakakuha ng sagot kung bakit siya nagkaganon. At walang nakakaalam. At wala nang makakaalam.

Napabuntung-hininga na lamang siya at saka humiga sa malambot na kama. Kinuyom niya ang palad atsaka ipinatong ang braso sa may noo. Unti-unting nag-init ang sulok ng mga mata nito atsaka bumagsak ang mahahapding luha mula rito. Hindi niya alam na ganito pala kasakit umiyak. Bago niya pa mapigilan ang sarili ay para siyang sanggol na umiiyak roon. Sapo niya ang dibdib habang ibinabaon ang maliliit na sigaw sa unan.

Ang sakit pala kapag matagal mong inipon ang luha mo.

Masakit pala kapag naaalala mo pa rin siya hanggang ngayon.

Masakit pala kapag umiiyak.

Masakit pala kapag wala siya.

Patuloy siyang umiiyak habang nakatingala sa putting kisame ng kwarto. Ilang oras niyang iginugol ang sarili sa pag-iyak at ngayong puro tahimik na luha ang lumalabas sa kaniyang mga mata ay tila nawalan na rin ito ng buhay. Nagtagis ang bagang nito at ikinuyom ang kamao.

"Tangina Carmi. Ang unfair mo."

Letters From ParisWhere stories live. Discover now