Chapter 18: Reconciliation and Rainy Days

1 1 0
                                    


Ilang linggo na ring hindi nagpapansinan si Carmi at Iza. Actually it was Carmi who did the avoiding. Madalas siyang umaalis ng bahay at gabi na umuuwi. Hindi niya rin nasamahan si Iza sa pagpapacheck-up nito kay Dra. Sanchez. Masama pa rin ang loob ng nakakatandang kapatid. And right now, she's doing the shunning part on Iza. Hindi makatarungan at hindi rin matured na pag-uugali pero gusto ni Carmi na maramdaman ni Iza na ginagantihan siya ng ate.

Nasaktan kasi siya. That's a habitual human nature. You get hurt, you'll hurt the one who hurt you. Easy. Because people don't like pain. Much when it came from the one you love.

Madalas mangyari ay gabing-gabi na umuuwi si Carmi. Nang minsang magtanong si Iza ay sinabi lamang ng kapatid na busy ito sa trabaho, na alam niyang kasinungalingan lamang. Hindi pa tumatanggap ng panibagong project ang ate niya kaya alam niyang nagsinungaling ito. Nang minsang mapaaga ang uwi ni Carmi at naabutan niya ito sa kusina ay agad niya itong inalok ng pagkain.

"H'wag na,nakakain na ako sa labas," simpleng sagot nito saka umalis sa kusina. Napatango na lamang si Iza. Her eyes are getting watery kaya tumingala siya ng kaunti. Bahagya niyang pinaypayan ang sarili sa kagustuhan sigurong mahinto ang pagtulo ng luha niya. Bumuntong hininga ng malalim si Iza atsaka kinausap ang sarili.

"I deserve it. I deserve it." Napahawak si Iza sa papaumbok na tiyan. "Sorry baby, I failed. Sorry mukhang kailangan na nating mag-isa. Sorry baby, I failed being your mom," bulong ni Iza sa sarili.

Minsan nang hindi maiwasan ni Iza magcrave sa dis-oras ng gabi, ay naisipan niyang lumabas. Ayaw niyang maging abala sa kaniyang kapatid kaya siya na mismo ang nagpupuno sa mga cravings niya. Naabutan niya noon si Carmi sa sala na nakaharap sa laptop at may dalawang notebook na nakakalat sa tabi. Nakita niya rin ang paboritong baso ni Carmi na palagay ni Iza'y ubos na ang kapeng laman. Nung una'y hindi siya pinansin ni Carmi. Nang marahan siyang magsuot ng jacket dahil balak niyang lumabas ay nag-angat ng tingin sa kaniya ang kapatid. She was intimidated by her stares pero hindi natinag si Iza. Kaswal na tumingin ito pabalik sa ate atsaka sumagot ng maayos.

"D'yan lang sa 7/11. Nagkecrave ako eh."

"Wala ba ng pinagkecrave-an mo sa ref? Gabing-gabi na ah," nakakunot noong tanong ni Carmi. Tila pumapalakpak sa tuwa ang tenga ni Iza sa narinig mula sa kapatid. She was hoping na lalambot na ito kahit paano.

"Wala eh,saka hindi ko rin alam kung ano gusto kong kainin."

"Ugh,pregnant women." Sandaling tumingin ang kapatid sa kaniya atsaka tumayo ito para kumuha rin ng pang-ginaw. "Sandali,sama ako. May bibilhin din ako."

Iza thought everything will be alright after that. Pero bumalik ang coldness ng ate niya ulit. She don't know how to win her sister back anymore. Nang magpacheck up siya ay inaya niya ang kapatid na samahan siya. She got rejected. Pakiramdam niya ay tinatalikuran na siya ng kapatid. Isang beses lang naman siya nagkamali, but it cost her and her sister's relationship. She didn't know how grave her mistake was not until her sister acted like this.

"That's it. You're doing great mommy. Iwasan mo lang ang stress para mas maging makapit si baby. Nararamdaman rin kasi ni baby kapag may problema ang mommy so keep the positive vibes in you,okay?" nakangiting sabi ng doktora. Bahagya siyang ngumiti rito atsaka nagtanong.

Letters From ParisWhere stories live. Discover now