Chapter 2: India

7 1 0
                                    

Pagkatapos ng ilang araw na pamamalagi sa kanilang apartment ay nagpasya na si Carmi na pumasok na sa kaniyang trabaho. Pagkapasok niya sa istasyon ng telebisyon ay agad siyang binati ng mga kasamahan. Head writer kasi siya ng isang teleserye sa ngayon. Kadalasan kasi ay iba-iba rin ang isinusulat niya,minsan mga teleserye pero madalas ay mga pelikula.

"Buti naman nakapasok ka na Carmi,wala akong kaaway ditto eh." Sambit ni Direk Joel.

"Namiss mo ba ako Direk?" Tugon ni Carmi atsaka tumawa nang umiling ang batang director.

Napangiti na lamang siya sa tinuran ng batang direktor. Lagi kasi silang magkaaway nito. Kapag pinipilit niya kung ano ang nasa script at hindi maintindihan ng direktor ang ipinupunto niya ay madalas silang magsalpukan nito. Ngunit sa huli rin naman ay makakagawa sila ng mas magandang konsepto kaysa doon sa mga pinagaawayan nila.

Ganoon pa rin tumakbo ang araw niya. Magulong set,nagkalat ang mga makeup artists,personal assistants, mga bagong trainee o di kaya'y mga nag-oOJT. Katabi niya ang direktor at panaka-naka silang nagpapalitan ng opinyon habang isinasagawa ang shooting.

"Cut!" Nakakunot ang noo ni Direk Joel habang tinitignan ang isa sa artista. Matalim muna itong tumitig sa dalaga at nagsalita. "Ganyan ka ba umarte?! Umayos ka! Hindi ikaw ang bida kaya 'wag mong aksayahin ang oras natin dito pare-pareho." Bumaling ito sa camera man atsaka sinenyasan ito. "Let's start again. Lights, camera, action!"

Naging maganda naman ang resulta ng taping. Magiging busy na naman si Carmi para subaybayan ang page-edit ng team sa bagong episode na ipapalabas. Malamang ay uumagahin na siya sa pagtatrabaho. Bahagya tuloy siyang pinangambahan para sa kapatid niyang mag-isa sa bahay.

--

Mga alas cinco na siya nakaalis sa building ng istasyon. Sanay na rin naman siyang bumyahe ng madaling araw kaya hindi hassle sa kaniya iyon. Kaya nga lang ay medyo nakakatakot bumyahe mag-isa lalo na kapag malayo. Baka kasi may mga masasamang loob ang umaaligid sa kung saan at matyempuhan siya kaya kailangan ng ibayong pag-iingat.

Alas sais na nang makarating siya sa bahay nila. Marahil ay tulog pa ang kapatid niya dahil wala naman itong pasok sa araw na iyon. Nagdesisyon na lamang siyang matulog na lang muna dahil hindi pa siya nakakakuha ng maayos na tulog.

Ganoon naman siguro talaga kapag writer ka o di kaya'y nagtatrabaho ka na may kinalaman sa media. Kulang sa tulog,kulang sa kain,kulang sa lahat. Naalala niya tuloy noong nag-OJT siya ay ilang beses siyang umiyak noon dahil lagi siyang napapagalitan ng mga tao sa set. Madalas kasi siyang nagkukulang kapag may mga bagay na iniutos sa kaniya. Makakalimutin pa naman siya.

Napagalitan na rin siya ng direktor nila noon dahil pinakialaman niya 'yung script. Hindi niya iyon sadya. Talagang nacurious siya sa script kaya tinignan niya. Noong hindi siya maimpress sa pagkakasulat ay pinalitan niya ang iba sa mga eksena. Galit na galit ang direktor noon sa kaniya kaya wala siyang ibang magawa kundi umiyak na lamang. Hindi siya pumasok ng ilang araw dahil nahihiya siya sa kapalpakang ginawa niya. Pero noong napagdesisyunan niyang magpakita sa lahat,nagulat siya nang salubungin siya ng ngiti at yakap ng mga katrabaho niya. Kinausap pa siya ng direktor at humingi ng paumanhin at nagpasalamat sa kaniya. Naging maganda ang kinalabasan ng binago niyang eksena at naging maayos ang feedback ng mga tao roon. Kaya mula noon ay kinontrata na siya ng istasyon na magsulat para sa kanila. Malugod naman niya itong tinanggap dahil pangarap niya iyon.

Ilang oras din ang itinagal ng tulog ni Carmi. Kung kaya nang magising ang kapatid nitong si Iza ay hindi na niya ito ginambala. Alam niya kasi kung anong klaseng pagod ang kinakaharap ng ate niya sa trabaho. Kabayaran na nga lamang nito ang pagtatapos niya ng may karangalan. Balak na sana nga niyang sabihin sa ate niya kung hindi lamang ito himbing sa pagtulog.

Habang hinihintay magising ang kapatid ay naglinis si Iza ng bahay. Malinis naman ito ngunit hindi lamang ayon sa linis na gusto niya. Pagkatapos noon ay nagluto na siya para sa pananghalian. Hindi siya ganoon kasarap magluto katulad ng kapatid ngunit marunong naman siya kahit papaano. Nang matapos siya sa lahat ng gagawin ay umupo si Iza sa couch atsaka binuksan ang TV at nanood.

Maya-maya lamang ay may narinig siyang kumakatok atsaka nagtatawag. Yamot siyang tumayo atsaka tinungo ang pintuan upang tignan kyng sino iyon. Nakita niya ang isang kartero na nakangiti sa kaniya at iniabot ang sulat sa kaniya.

"Sulat ho para kay Miss Carmi. Pakipirmahan na lang poi to." Magalang na sambit ng medyo may katandaang kartero. Tumango na lamang siya rito at agad na ginawa ang nais nito. Nagpasalamat siya rito at hinayaang makalayo ang kartero bago pumasok sa bahay. Napailing na lamang si Iza atsaka tinungo ang kwarto ng ate para ilapag roon ang tatlong sobre na naglalaman ng sulat. Hindi naman niya ito tinignan,atsaka bumalik na lamang sa panonood.

--

Nakaramdam ng gutom si Carmi kaya't bumangon siya at lumabas ng kwarto. Nadatnan niya ang kapatid sa sala na nanonood ng noon time show mula sa istasyon na pinagtatrabahuhan niya. Tinabihan niya ito atsaka ihinilig ang ulo sa balikat ng kapatid.

"Iza,gutom na ako."

"May pagkain diyan ate oh. Kumain kana."

"Kumain kana? Sabayan mo ako."

Tumango na lamang ang kapatid niya atsaka naghain ng pagkain. Lalong kumulo ang tiyan ni Carmi nang makita ang mainit na kanin atsaka ang sabay ng sinigang. Agad silang dumalo sa hapag-kainan atsaka kumain.

"Ay ate,sa April na ako gagraduate."

"Wow,nasurvive mo ang college life,sis." Biniro ito ni Carmi.

"Naman. Ako pa ba? Tsaka ano,may award ako. Suma Cum Laude ako."

Para namang bata na napapalakpak si Carmi atsaka niyakap ang kapatid. Parang hinaplos tuloy ang puso ni Iza nang makitang tuwang-tuwa ang ate niya.

"I'm so proud of you Iza. Thank you for proving that you're capable of doing anything."

Maluha-luha silang pareho matapos iyon. Nagkwentuhan pa sila atsaka nagtawanan. Importante ang araw ng pagtatapos niya para sa ate niya. Siya na kasi ang bumuhay sa kanila nang iniwan silang pareho ng magulang. Kaya naman abot langit ang pasasalamat niya sa ate niya kung bakit siya nagkamit ng ganoong karangalan.

"Ay. Ate may sulat ka nga pala,inilagay ko na sa kwarto mo ah."

--

Kinilabutan siya kanina nang sabihin ni Iza sa kaniya na may sulat siyang muli. Noong una akala niya ay nagkamali lamang ng bigay sa kaniya kaya binaliwala niya iyon. Pero ang maulit muli sa pangalawang beses na magpadala ng sulat? Nakakatakot na iyon para sa kaniya.

Ganunpaman ay hindi niya maiwasan na tignan ang mga sulat na iyon. Hawak niya ang tatlong sobre ay naupo siya sa malambot na kama atsaka sinipat iyon. Katulad ito noong natanggap niyang sulat. Ang kaibahan lamang ay nagmula naman ito sa India.

Binuksan niya unang sobre na naglalaman ng sulat. Binasa niya ang laman nito.

Dear Carmi,

How have you been doing? Are you doing good there? Nasa India ako ngayon. Celebration ng Diwali dito. Masaya nga rito eh. Ang daming paputok at mga iba't-ibang uri ng ilaw. They have sky lanterns here also. The sight here is breathtaking and beautiful as well. But I think I might enjoyed it more if I have you by my side. I miss you.

Love,Paris

Katulad ng naunang sulat ay may nakaakibat na litrato ang sobre. Ang makikita sa litrato ay isang lalaki—na maaaring si Paris,na nagpapalipad ng sky lantern. Nakatagilid ito at kalahati na naman ng mukha nito ang makikita. Bahagya niyang tinitigan ang litrato atsaka nakaramdam ng kaunting pagbilis ng tibok ng puso niya. Agad niyang tinago ang mga sulat sa isang kahon kasama ng nauna nitong sulat.

Huminga siya ng malalim atsaka tumitig sa kawalan.

"Hindi kita kilala. Hindi ko alam kung sino ka. Pero sana h'wag na lang ako ang sulatan mo."

Letters From ParisWhere stories live. Discover now