Chapter 4: Baby Pressure

3 1 0
                                    


Tahimik na nakaupo sa swivel chair niya si Carmi habang nanonood ng isang series sa Netflix. May hawak itong chichirya at may nakalapag na mga sandwich sa desk niya. Pinagtitinginan siya ng mga kaopisina dahil sa kakaibang takaw niya ngayon. Kanina nga lamang ay may nagtangkang kumuha ng sandwich niya ngunit sinigawan niya iyon. Natakot tuloy sa kaniya ang mga katrabaho.

Magsusupervise na lamang kasi siya sa editing ngayon. Tapos na ang shooting nila noong nakaraan kaya naman ay pinagpahinga muna sila ng direktor. Ngunit siya,syempre hindi pa rin tapos ang trabaho niya. Habang ipinapalabas ang isinulat niya at patuloy itong tumatakbo sa takilya ay hindi naman siya nauubusan ng trabaho. Ayos naman sa kaniya iyon,mas maraming trabaho,mas maraming kita. Iyon nga lang,laging tulog ang nagkukulang sa kaniya.

Habang nanonood ay may lumapit sa kaniya at umupo sa katabing cubicle. Mabilis lamang niya itong tinitigan at nang napagtantong si Claire na kaibigan niya ay mabilis siyang bumalik sa panonood. Akmang kukunin ni Claire ang sandwich niya kaya tinampal niya ang kamay nito at tinitigan ng masama.

"Hoy gaga,kanina ka pa. Umamin ka nga. Buntis ka ba?" Nagsinghapan ang halos lahat sa opisina. Napatingin tuloy siya sa mga ito at nakumpirma ngang iyon pa ang kanina nilang pinagchichismisan. Lalong kumunot ang noo niya nang umugong ang bulung-bulungan.

Siya na lang kasi ang walang anak rito,asawa o jowa. Halos lahat sila,bata o matanda may jowa. Siya na lamang itong nasa gitna at wala pa ring nabibihag na jowa. Inaakala na lamang ng mga ito na masyado siyang uphook sa mga ginagawa niyang kwento at ang kwento naman niya ang hindi niya mapagtuunang pansin.

"Ano ka ba gaga! Gutom lang ako. Maissue ka eh."

"Ay sayang. Akala ko jontis ka na." Napailing na lamang siya sa tinuran ng kaibigan. Maya-maya lamang ay nakipagkita sa kanila ang direktor atsaka siya sinabihan na h'wag na pumasok kinabukasan. Magpahinga na muna raw siya dahil sa susunod na araw ay isang linggo silang mawawala para magpunta sa isang isla. Doon kasi gaganapin ang mga susunod na eksena.

--

Nang makauwi siya sa bahay ay nakita niya ang kapatid niyang si Iza na nanood ng TV. May kinakain itong mangga na may bagoong kaya agad siyang naglaway at nanghingi sa kapatid. Nagtanong siya rito kung saan iyon nakuha at sinabing kila Lolo Hayme raw galling ang mangga.

Tinabihan niya ang kapatid sa couch kahit hindi pa siya nagbibihis pambahay. Agad siyang humingi sa kapatid ng mangga atsaka sarap na sarap na kinain iyon. Nagtataka ang matang nakatingin sa kapatid Iza dahil sa kakaibang pagkecrave nito sa pagkain.

"Hindi ako buntis. Magana lang akong kumain ngayon." Napatango na lamang si Iza atsaka nagpatuloy sa panonood.

Totoo naman kasing hindi siya buntis. Ni wala pa nga siyang naging boyfriend pagkatapos ng tatlong taon. Hindi pa rin siya nahahalikan. Kalimitan lamang sa nauna niyang boyfriend ay hanggang hawak sa kamay at akbay ang ginagawa nito. Kaya rin siguro talaga siya iniwan nito dahil boring siya.

Pero mas okay na rin yun. Ayaw niya sa lalaking virginity lamang ang habol sa babae. Kung ibibigay naman niya iyon ay panigurado sa lalaking labis niyang mahal at siguradong pakakasal sa kaniya.

Niyaya ulit sila nila Lolo Hayme na sa bahay nila maghapunan. Sinigang na hipon raw ang ulam kaya natakam na naman si Carmi. Nauna na nga siyang magpunta roon at hinayaan na lamang na sumunod ang kapatid. Nasa bakuran naman si Lolo Hayme para manguha ulit ng mangga dahil sa request niya.

Naiwan tuloy siya kasama si Lola Nadia. Masayang kasama si Lola Nadia. Palabiro at madalas nakangiti't nakatawa. Napansin rin ni Lola Nadia ang gana sa pagkain ni Carmi. Nagtanong tuloy ito kung buntis na siya. Ipinaliwanag na lamang niya sa matanda na magana lamang siyang kumain ngayon. Ngunit ayaw magpaawat ng matanda at ipinagpipilitan nitong dapat raw ay magbuntis na siya.

"Hay nako hija! Dapat maghanap ka na ng asawa. Matanda ka na at baka abutan ka ng kalendaryo. Alalahanin mo,mahirap manganak kapag matanda na. Kaya kung ako sa'yo magpamilya ka na ngayon din. Hay nako! Kayo talagang mga bata..."

"La naman eh! Bata pa ako tsaka naghahanap ako ng one true love ko. Syempre dapat yung magiging masaya ako."

"Haynako,basta. Kailangan kong makita ang anak mob ago ako mamaalam ah? Bigyan moman laang ako ng aalagaan na bata para matuwa-tuwa naman ako." Napakamot na lamang sa ulo si Carmi. Why doeseveryone wants her to get pregnant?    

Letters From ParisWhere stories live. Discover now