Chapter 9: Deadend

4 1 0
                                    


"Cut! Carmi!"

"Yes,direk?"

"Asikasuhin mo nga iyang mga artista sa scene na 'to! Paulit-ulit na tayo ditto,hindi ko pa rin makita ang amor nila sa pag-arte! Mga tuod ba kayo,hah! Bakit walang emosyon! Umayos kayo ah! Pagbalik ko dapat maayos na. Ayokong uminit ang ulo ko!" Padabog na umalis ng set ang direktor habang bitbit ang cellphone. Nilapitan niya ang mga artista.

"Let's start. Sabi dito sa scene 13,iiyak ka. Magdadrama ka. Iiwan ka di'ba? Ipakita mo." Sabi niya sa aktres. Natense siguro ito kanina kasi halatang bad mood na ang direktor nila,idagdag mo pa na nalate siya.

Nagsimula nang umarte ang aktres. "S-sabi mo,hindi mo ako iiwan! Pero bakit..bakit ganito? Ang tagal kitang minahal—"

"Cut. You should put more emotion. Sinaktan ka? Ipakita mo! Iiwan ka,magmakaawa ka! Nasasaktan ka,damhin mo! Lunurin mo ang sarili mo sa emosyon,hangga't maaari,h'wag kang aahon." Napatango na lang ang aktres.

"Sabi mo,hindi mo ako iiwan. Pero,bakit naman ganito?" Halos pabulong na ang pagsasalita nito,nangingilid na rin ang mga luha sa gilid ng mata nito. "Ang tagal kitang minahal eh,hanggang ngayon rin naman mahal pa rin kita pero bakit iiwan mo din ako?! Ang tagal kong hiniling na sana—sana ako nalang yung piliin mo kahit mahal mo pa siya,pero putangina,hindi ko hiniling na pagkatapos mo akong piliin,tsaka mo ako bibitawan! Ang sakit eh,sobrang sakit. Kasi akala ko mamamatay na ako sa sakit. Akala ko,kapag iniwan mo ako,mamamatay na ako sa sakit. Akala ko,kapag dumating na yung oras na iiwan mo ako,mas masakit yung halos mamatay na ako sa sakit. Hindi pala. Kasi alam mo yung mas masakit kesa sa halos mamatay na sa sakit? 'Yun yung buhay ka pa pero ramdam mo na yung sakit. 'Yun yung sakit na tumatagal panghabangbuhay. At ang malas ko. Sa'yo ko pa talaga naranasan ang lahat ng 'yon." Bumuhos na ang luha ng aktres. Tuloy-tuloy na parang hindi mauubos. She felt glad knowing na nailabas niya ang emosyon sa dalagang aktres.

"Okay,cut! Mamaya,pagdating ni direk,ganyan ang gawin mo. Put more emotion tapos lagyan mo ng kaunting actions para hindi ka magmukhang tuod,okay? But,you're great. Dama ko na yung emotion,paintense-in mo nalang." Sabi niya.

Carmi loves this kind of work. Hindi niya alam kung paano siya nakatagal sa industriyang ito knowing na mahina ang loob niya kapag against sa terror na senior. But fortunately,mabuti na lang at nalapasan niya ang lahat ng iyon. She built her new found self because of writing and because of this job,she built her confidence like she was a new person. Mabuti na lang talaga,ginawa niya ang lahat para sa pangarap at kapatid niya.

Nang dumating ang direktor ay balik trabaho agad sila. They started working at their own phase. Naging mabilis at mas maayos ang shooting kesa kanina. Malamig na rin ang ulo ng direk nila. Pagkatapos ng ilang oras ay nagpack-up na sila. Bukas ng madaling araw ay may shooting na naman sila. Ang tanging breaktime lang nila ay 10 a.m atsaka ang lunchtime. Hindi niya tuloy alam kung saan niya isisingit ang oras para makipag-usap kay Calvin.

Nang matapos ang trabaho sa gabing iyon ay agad na nagsipagpahinga ang mga staff,kasama na rin siya. Nag-enjoy naman siya kaso nga lang,mabigat pa rin ang trabaho nila. Kailangan nilang laging may hinahabol na oras sa buong araw,laging may deadline. Pero pagkatapos ng lahat naman ng ito,bawing-bawi naman siya sa credits,sa papuri pati na rin sa pahinga. Maybe,that is why she's staying in this industry,kasi bukod sa mahal niya ang pagsusulat,adrenaline rush niya ang karanasan niya dito.

Letters From ParisWhere stories live. Discover now