Chapter 19: Illusions

2 1 0
                                    


Carmi became very busy with Iza's issue that she had forgotten about Paris. Or is it really Paris? She never heard from the guy again. A part of her was relieved that Paris wasn't sending her letters anymore but the other part of her was actually disappointed that Paris stopped sending her letters.

'Baka natakot sa'kin? Magpadala ba naman ako ng letter sa kaniya eh.'

"O baka naman dahil nalaman na may ibang tao na nakabasa ng mga sulat niya?'

Napailing ng bahagya si Carmi sa naisip.

"Hindi eh, dapat may pasabi o kahit ano man lang. After niyang malaman na may iba, 'hindi na siya magpaparamdam?" mahinang bulong ni Carmi sa sarili habang nagwawalis sa bakuran nila.

This day was good for them. The weather was nice. The flowers bloom, the leaves are green. What went wrong?

Letters from Paris did.

Carmi heaved a heavy sigh. Hindi niya maamin sa sarili ngunit alam niyang may parte sa loob niya na namimiss basahin ang mga sulat ni Paris. The excitement of opening handwritten letters left her body already. There was no adrenaline rush, the heavy heart, the paranoia. She misses all those.

"Ang talkshit mo naman,Paris," bulong ulit ni Carmi sa sarili.

"Ano ba'yan ate! Kanina ka pa hinga nang hinga,nakakastress!" iritadong sabi ni Iza.

"Aba punyetang buntis ka ah,ano gusto mo h'wag akong huminga?"

"Ewan ko sa'yo ate. Ang ingay ng paghinga mo,kain na nga lang tayo. Gutom na kami ni baby," mahinahong tugon ni Iza.

Napailing na lamang si Carmi atsaka sumunod kay Iza papasok ng bahay. Mahirap mag-alaga ng kapatid. Pero mas lalong mahirap mag-alaga ng buntis na kapatid at sobrang moody pa. Mabuti na lamang ay naorient na siya ni Dra. Sanchez na ganito raw talaga ang mga buntis,emosyonal palagi.

--

"That's her? That's Carmi?" tanong ng lalaki sa 'di kalayuan mula sa pinasukang bahay ni Carmi.

"Yeah. Dude she's--,"

"She's what?"

"She's not your girlfriend. She's not your dead girl."

--

Carmi's at Hazel's office. They are discussing the booksigning event na mangyayari sa susunod na araw. Kasama ni Carmi ang apat pang writers ng publishing company ni Hazel. They were very nice kaya naman nakapalagayan rin ng loob ni Carmi ang mga ito. Inorient lamang sila ni Hazel kung kailan, saan at hanggang anong oras ang magiging event.

She was ecstatic! First time lang kasi ni Carmi magpapabooksigning event. Kinakabahan rin siya pero mas lamang na sa kaniya ang kagustuhan na makita ang mga taong sumusuporta sa kaniya pati sa mga isinusulat niya.

"So,that's all. Magkita-kita na lang tayo sa mismong event,okay? Bawal ma-late," pahayag ni Hazel.

"Yes boss," natatawang pakli ni Carmi. Nagsitawanan ang mga kasama nila at maya-maya'y nagsipaalam na dahil may kaniya-kaniyang lakad ang mga ito. Nagpaiwan naman si Carmi sa opisina ni Hazel.

Letters From ParisWhere stories live. Discover now