Chapter 7: Talks and Coffees

5 1 0
                                    

Matapos ang graduation ni Iza ay bumalik na si Carmi sa pagtatrabaho. Pinayagan na rin si Iza na magbakasyon kasama ang mga kaibigan niya. Pupunta raw kasi ang mga ito sa Baguio at sa Vigan. Gusto rin naman niya na mag-enjoy ang kapatid niya kaya hinayaan na niya.
Habang nakatingin si Carmi sa monitor ng computer na gamit niya ay lumilipad pa rin ang isip niya. Noong nakaraan kasi ay nagpadala na naman ng sulat yung misteryosong Paris na iyon. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang mga sulat nito,para kasing may bahid ng pangungulila ang bawat mensahe nito.

Sigurado siya na hindi siya ang Carmi na tinutukoy nito sa mga sulat nito. Hindi siya mahilig sa Harry Potter, iyon ang naging basehan niya. Napabuntong hininga na lamang siya. She's stressing herself again on something that is not worth stressing for.

"Carmi." Napaigtad ng mahina si Carmi nang marinig na may tumawag sa pangalan niya.

"Yes,direk?" Ngumiti siya ng malawak habang hinaharap ang direktor.

"Bukas na tayo aalis. Maghanda ka na ng mga kailangan mo. Tsaka sabihan mo na rin ang ibang prod staff para paalalahanan kung ano yung mga dadalhin nila para sa shoot."

"Eh? Direk,writer ako uy! Sa iba mo na lang iutos yan."

"Sino ba ang direktor dito?"

"Ikaw."

"So,sino masusunod dito?"

"Ikaw."

"Good."

Napairap na lamang si Carmi nang umalis sa harap niya ang direktor. Tumayo na lamang siya atsaka pinuntahan ang ibang staff. Sinunod na lamang niya ang direktor. Pagkatapos noon ay bumalik siya sa pagkakaupo at sinimulan na ang ginagawang nobela. Kinukulit na rin kasi siya ng editor niya na nanghihingi na daw ng ibang mababasa ang mga readers niya. Pero kahit anong piga ni Carmi sa utak niya ay wala nang ideya ang lumalabas sa utak niya.

After some hours of staring at her monitor she decided to go out to get caffeinated. Pero ayaw niya namang lumabas ng mag-isa kaya bago siya lumabas ng opisina ay tinawagan niya ang matalik niyang kaibigan para yayaing lumabas.

Pagkatapos magpaalam sa mga katrabaho ay tuluyan na ngang lumabas si Carmi para makipagkita sa kaibigan niya. Pumara siya ng taxi at sinabi kung saan siya pupunta. Matapos ang kalahating oras ay nakarating na siya sa isang coffee shop na katabi ng isang children's park. Pumasok na siya sa coffee shop at nakita niya ang isang babaeng malaki na ang tiyan na nasa bandang dulong table na katabi ng glass window. Napatingin ito sa kaniya at agad siya nitong kinawayan. Ngiting-ngiti naman si Carmi habang naglalakad papalapit sa babae.
Nang makaupo sa siya table na kinaroroonan ng babaeng kumaway siya ay agad siyang pinalo ng babae.

"Gaga ka! Bakit ngayon mo lang ako kinontak hah?!" Sigaw sa kaniya ng babae.

"Sorry na bes. Busy lang." Sagot ni Carmi habang bahagyang natatawa.

"Mukha mo. Busy kuno,ayaw mo lang talaga akong makita noh? Sabihin mo lang hindi na ako magpapakita sa'yo,psh." Umirap pa ito bago sumipsip sa frappe na inorder nito.

"Ito naman nagtampo agad. Alam mo naman na mahirap ang schedule ko kasi di'ba,writer ako. Sige na bes,sorry na. May chika naman ako sa'yo ngayon eh." Tinignan ni Carmi ang babaeng kaharap niya nang may pagpapaawa. Umirap ulit ito sa kaniya.

"Hay nako Carmi tigilan mo ako ng ganyan ah. Nag-iinit pa naman ulo ko ngayong buntis ako." Napatingin si Carmi sa malaking tiyan ng babae.

Napangiti muli siya.
"Ay nasaan pala yung pamangkin ko? Hindi mo kasama?"

"Nasa labas,nakikipaglaro. Kasama naman niya yung yaya niya kaya okay lang. Sige na,sabihin mo na yung chika mo."

Napatango na lamang si Carmi atsaka sinabi kung ano talaga ang ipinunta niya. Ipinagtapat niya sa kaibigan niya ang tungkol sa mga sulat na ipinapadala sa kaniya. Naguguluhan na rin siya at kinikilabutan.

Letters From ParisWhere stories live. Discover now