Chapter 15: Baguio: The City of Broken Souls

5 1 0
                                    

Pagkatapos ng nakakapanindig balahibong karanasan ni Carmi sa lugar nila Nanay Mela ay naghanap siya ng ibang lugar upang magrelax. Off niya pa rin sa trabaho kaya hindi na niya pinalampas ang pagkakataon na iyon. And where do tired people go?

Edi sa Baguio.

Kasalukuyan siyang nananatili sa isang maliit na bahay panuluyan sa Baguio. Nakapunta na siya sa iba't-ibang magagandang tanawin ng Baguio. Ngunit sa hapong iyon naglibot-libot pa rin siya. Dala-dala ang bag na may lamang cellphone,wallet,ballpen at notebook ay naglakad siya habang nilalasap ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa balat niya. Napadpad si Carmi sa isang paaralan-University of Baguio City Science High School. Labasan na ng mga estudyante,kaya naman ay naupo siya sa isang bench na malapit pa rin doon. Nagmasid lang siya hanggang sa mapansin niyang ang babae na nakaupo sa katabing bench niya ay lumapit sa isang grupo ng estudyante. Hindi gaya ng mga estudyanteng lumabas sa eskwelahan ay ang babaeng iyon ay nakasibilyan lamang.

Nagulat si Carmi nang makita niyang lumuhod ang babae sa isang babae na kasama ng grupo. The girl was crying while the other girl was forcing her to stand up. Yung ibang kasama ng isang babae ay tumitingin sa paligid upang hindi makakuha ng atensyon. Carmi scoot near the involved people para marinig o mas makita ang nangyayari. Chismosa siya,writer eh. Kailangan niya lang ng inspirasyon para makapagsulat ulit.

Habang nakaluhod yung babaeng nasa katabing bench ni Carmi ay panay iyak nito habang hawak ang kamay ng babaeng nakauniporme. Pilit namang tinatanggal ng estudyante ang kamay ng babae. Hindi ganoon kalakas ang boses ng babae at isa pa,wala nang ibang tao sa paligid.

"Umalis ka na Micah. Please lang,palayain mo na ako,"nagmamakaawang tinig ng babaeng nakauniporme.

"I can't baby. Hindi ko kaya. Please balik ka na sa'kin? We can work this out. Please? Okay lang kung may iba ka nang mahal basta balikan mo lang ako baby. See baby,nagpunta ako dito nang mag-isa? I need you baby. Mahal na mahal kita,please. H'wag mo namang gawin 'to sa'kin. I need you,"pagmamakaawa pa ni Micah.

"Micah,please,umalis kana. Ayaw na sa'yo ni Kyle. Please lang," sabi ng isang kaibigan ni Kyle. Hinawi naman ni Micah ang kamay noong lalaking humawak sa balikat ni Micah.

"No! Gusto mo pa rin ako di'ba Kyle? Sabihin mo naman sa kanila Kyle. Sabihin mo babalik ka na sa'kin. Please?"

"Micah,alis na! It's so fucked up na pumunta ka pa dito para lang pilitin mo ako. Micah palayain mo na ako. Pagod na pagod na ako. I can't take this anymore,okay? Hindi kita mahal. Hindi na kita mahal. Unang-una mali ang relasyon natin! Ano ba? Ilang taon kana bang ganito ha? You're always fucking my life up! Hindi mo ba naisip na kaya hindi na kita kinakausap o kinokontak dahil masaya na ako? Masayang masaya ako na wala ka sa buhay ko! Kaya please lang umalis kana. Palayain mo na rin ako,utang na loob!" sabi ni Kyle. She was crying too,but anger and disgust were evident in her eyes. Lumuwag ang hawak ni Micah sa kamay ni Kyle.

"That's it? Akala mo ba ikaw lang yung gagong-gago na yung buhay? Sorry ah,hiniling ko lang naman na mahalin mo ako. I've been broken for too long at ikaw ang bumuo sa'kin ulit. Only to ruin me again at the end. Sorry ah,kasi hindi ako makabitaw sa'yo. And you know what I've been doing for the past years na iniwan mo ako? I've been writing you letters,na hindi mo rin naman mababasa. You want me gone? Okay. Mahal kita eh,kaya gagawin ko ang gusto mo. I'd disappear completely. Hindi ka na makakarinig ng kung ano sa'kin. Hindi mo na ako makikita. Sorry. But for the last time,can you read this? Don't take me for granted again. Bye baby. I will love you always. Always," sabi ni Micah. She hugged Kyle as she gave the three notebooks to her. Pagkatapos ay tumayo siya sa pagkakaluhod. She mouthed sorry to her then ran away.

Letters From ParisWhere stories live. Discover now