Chapter 3

516 9 0
                                    

Tiffany.

Nasa dinning area kaming lahat kumakain ng almusal at hanggang ngayon nandito parin ‘yung fiance ni Audrey kasama namin kumakain ng almusal.

“So, kailan ate ang kasal?” tanong ni Kean ang bunsong kapatid ni Audrey habang ngumunguya.

“This month At gusto ko sana ikaw pinsan ang magdedesinyo ng mga gagamit namin gown” sagot naman ni Audrey at this time saakin siya nakatingin.

“Oo naman pinsan, pero huwag mong kalimutan invite ako sa kasal mo” sabi ko at pinagpatuloy ko ang pagsubo.

“Sa totoo nga ikaw ‘yung maid of honor pinsan” natigil ang pagsubo ko dahil sa sinabi ni Audrey.

“Grabe pinsan na surprise ako” nagtawanan na naman ang buong kamang-anak ko na kasabay kung kumain

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“Grabe pinsan na surprise ako” nagtawanan na naman ang buong kamang-anak ko na kasabay kung kumain.

“Apo! Ikaw kailan ang kasal niyo ni Carlos” buti na lang hindi pa ako  kumakain o uminom dahil panigurado maibubuga ko na naman dahil sa gulat.

“Mamita hindi pa naman po kasi nag-pupropose si Carlos kaya hindi ko pa alam kung papakasalan niya ako” sabi ko sabay subo. At ngayon saakin na ang atensyon ng lahat.

“Ate Tiffany baka walang balak na pakasalan ka” cool na sabi ni Kean habang ngumunguya ulit.

“Hoy Kean kung walang magandang sasabihin ‘yang bibig mo itikum mo na lang” sabi ni Audrey sa kapatid niya habang nakatingin dito ng masama.

“Iha tanungin mo kaya siya kung balak siyang pakasalan ka” suggest naman saakin ni tita Maris.

“O sige itatanong ko na lang sa kanya” ayaw ko talaga magtanong kay Carlos about sa wedding, sinakayan ko lang si tita Maris.

“May best man na ba kayong napili?” balik ang atensyon ang lahat sa dalawa kay Audrey at Bryan. Nagtanong kasi si tita Maris about sa best man.

“ ‘Yung kaibigan ko pong si Drake ‘yung best man” si Bryan ‘yung nagsagot sa tanong ni tita Maris.

“Mom nakapili na rin ako ng mga groomsmen at bridesmaid” dagdag ni Audrey sa sinabi ni Bryan. Himala! Seryoso yata ngayon ang bruha.

“Ate isa ba ako sa mga groomsmen? Sino ‘yung partner ko?” singit naman ni Kean na ang laki ang ngiti.

“Nakakaawa ka naman kaya sinali kita at ‘yung partner mo ‘yung pinsan ni Bryan” sagot ni Audrey sa mga tanong ng kapatid niya.

“Sorry mamita pero aalis na ako dahil may pupuntahan pa pala ako” sabi ko sabay tayo at umakyat sa taas para kunin ‘yung mga gamit ko sa tinulugan kung kwarto.

Napagtanto ko kasi na may pupuntahan pa pala akong mga meeting. Ayoko mahuli dahil baka mag back out ‘yung client ko.

Pagbalik ko sa baba pumunta muna ako sa dinning area kung nasaan ang lahat at pagdating ko agad kung hinalikan sa pisngi si lola.

“Audrey,Kean, Bryan, tita Maris una na po ako” isa isa ko silang tingnan.

“Pinsan basta pupunta ako sa bahay niyo para pag usapan ‘yung wedding” sabi ni Audrey.

“Oo naman pinsan welcome ka sa bahay, kayo!” sabi ko naman at tiningnan ko ulit silang lahat.

“Apo pumunta ka ulit dito ah! At isama mo si Carlos” sabi ni lola habang hinihiwa ‘yung steak na kinakain.

“Opo mamita pero ngayon aalis muna ako” hinalikan ko ulit si lola sa pisngi. Maglalakad na sana ako palabas ng bahay kaso may pahabol pang paalala si lola.

“Mag iingat ka apo” sigaw ni lola kaya naman narinig ko ‘yung paalala niya.

***

Nakakapagod! Nakauwi ako ng bahay 9pm ng gabi galing sa shop. Marami na naman kasi ginawa sa shop kaya gabi na ako nakauwi ng bahay.

Dumeretso muna nga ako sa restaurant bago umuwi ng bahay dahil paniguradong pagdating ko sa bahay deretso ako sa kama at hindi na ako makakain ng dinner.

Kitams! Nandito na ako sa kwarto ko nakahiga hindi ko na kasi kinaya ‘yung pagod. Pinikit ko na yung mga mata ko para makatulog na.



*Ring*Ring*Ring*Ring*

Pinilit akong bumangon kahit inaantok pa ako para lang sagutin ‘yung tumatawag.

Pinsan Calling...

Ang aga aga ng bubulabog ang bruha. Naistorbo tuloy ‘yung mahimbing kung tulog, Kainis!
Agad ko pinindot ‘yung answer button.

“Anong kailangan mo? Hindi mo ba alam na nakakaistorbo ka? Kita mong natutulog pa ‘yung tao”

[Relax pinsan napatawag ako dahil gusto ko sana sukat muna ‘yung kaibigan ni Bryan para sa isusuot niya]

“Maraming oras pa pinsan kaya anytime pwede kung sukat ang kaibigan ni Bryan”

[Eh kasi pinsan ngayon lang siya free day kaya pumunta kana dito sa bahay at sukatan muna ‘yung kaibigan ni Bryan!]

Ang babaeng ‘to talaga makapag utos wagas! At yung eardrum ko mababasag yata dahil sa kagagawa ng bruhang kausap ko.

“Pinsan gusto ko pa matulog pwede bang mamaya na lang”

[Sige ganito na lang papapuntahin ko siya sa shop mo at doon mo na lang siya sukatan dahil ngayon lang talaga siya walang gagawin]

“Sige! Sige! Matutulog na ako text mo lang kung nandon na siya”

Hindi ko na siya pinasalita dahil pinatay ko na ang tawag. Kainis ang babaeng ‘yan tuloy hindi na ako inaantok.

What time na ba?

Tumingin ako sa hawak kung cellphone para tingnan ang oras sa screen! 9:45 --- What hindi pwede! Dali dali akong bumangon at pumasok ng comfort room para maligo.

Pagkatapos kung maligo nagbihis na ako at nag ayos. Bumaba na ako at dumeretso ng dinning area para mag almusal.

“Anak hindi na kita hinintay mag almusal dahil kanina pa ako gutom” sabi ni mama pero nakatuon sa pinapanood niya sa TV.

“Okay lang mama kaunti lang naman ang kakain ko dahil nagmamadali na ako” sabi ko sabay upo sa upuan at nagsimula ng kumain.

Natapos ka agad akong kumain dahil nagmamadali na ako para makarating na sa shop baka kasi marami ng customer na ang nasa  shop. Pero bago umalis ng bahay hinalikan ko muna si mama sa pisngi na lagi kung ginagawa pagdating o pag alis ng bahay.

“Ma'am Tiffany may naghahanap po sayo at galit na galit na po” salubong agad saakin ni Sam.

“Nasaan na siya?” tanong ko dito habang naglalakad papasok ng shop samantalang si Sam naman nakasunod lng saakin.

“Lumabas po at ang sabi babalik na lang siya” sagot naman saakin ni Sam.

Baka siya na ‘yung kaibigan ni Bryan na tinutukoy ni Audrey. Lagot ako nito! Pinaghintay ko yata siya ng matagal. Ang bruhang pinsan ko naman kasi ang sabi kung itext niya ako kapag nandito na ‘yung kaibigan ni Bryan pero walang text.

Speaking of text nasaan ‘yung cellphone ko? Tiningnan ko sa bag ko ‘yung cellphone ko habang lalakad papunta ng opisina pero hindi ko makita ‘yung cellphone ko.

“Sam idala mo na itong bag ko sa opisina dahil babalik ako sa kotse nainiwan ko kasi ‘yung cellphone ko” sabi ko kay Sam at inabot ang bag ko bago ako lumakad palabas ng shop.

*Bloghsss!

Dream WeddingWhere stories live. Discover now